Pages

About Me

Wednesday, December 29, 2010

Chapter 07 - Fated to Love


Nagulat si Devon ng madatnang may cake sa mesa. Break time nila ng magkakaibigan kaya tumambay muna sila sa canteen. Pero mas lalo niyang ikinagulat ng mag chorus ang mga kaibigan ng batiin siya ng

“Happy monthsary”

Humalakhak naman siya ng tawa dahil hindi niya inaasahan ng babatiin siya ng mga kaibigan. Ni siya nga hindi niya naalala at malamang pati asawa niya ganun din.

“Don’t tell me nakalimutan mo na isang buwan kanang kasal?” Tanong ni Heidi sa kanya habang ini islice ang cake. “Wala bang celebration sa inyo? Diba ang mayayaman nag si celebrate ng mga ganitong okasyon tapos dinner sa mga five star hotel?”

“Naku, hindi uso sa amin yun.” Sagot ni Devon habang nilalantakan ang chocolate cake. “Alam niyo naman yung story diba.?”

“Pero seriously Devs, hindi ba kayo nag kikibuan ni James? Kasi dito hindi kayo nag uusap, tapos parang hindi kayo magkakilala. Ano ba naman yan.”

“Eh mukha kasi siyang masungit eh. Nag-uusap lang kami pag kailangan. Pag nasa bahay nakakulong naman yan parati sa room niya at minsan nagtatrabaho siya sa kompanya ng lolo niya. So hindi kami nagkakasalubong niyan. Pag kumakain kami hindi rin kami nagkikibuan.” Mahabang paliwanag niya sa mga kaibigan.

Hindi naman nakatiis si Emman na magsalita na rin . “So asan na yung friendly and lively na kaibigan namin? Alam kung hindi madali sa iyo ang lahat pero why don’t you try na ikaw ang unang pumansin sa kanya, malay mo maging friends kayo afterall you’ll be spending a lifetime together pwera nalang kung maisipan niyong ipa annul ang kasal niyo which I believe na hindi mangyayari hanggat buhay ang lolo ni James.”

Lumapit naman si Lyn sa kanya. “Tama, kaya yan ang magiging misyon mo ngayong sem-break natin ang maging malapit kay sungit pero super gwapong si James. Huwag mo muna masyadong alalahanin ang papa mo si daddy na ang bahala doon.”

“Go Devon we’ll support you.” Panunudyo ni Heidi at Emman at sabay na nagtawanan.

“Ay ewan ko sa inyo. May problema pa kaya ako no hangga’t hindi naaayos ang kaso ni papa wala akong panahon makipag kaibigan sa mokong na iyon. Baka mapahiya pa ako.  Super galit kaya yan sa akin dahil hindi ako umurong sa kasal naming eh sa anong magagawa ko kesa makulong ang papa ko habang buhay.”

Habang nagsasalita si Devon ay bigla naman lumapit si Joe at nilagyan ng icing ang mukha niya. “Ah Joeee… Nakakainis ka!” singhal niya sa kaibigan. Pero hindi lang siya ang nilagyan ng icing ni Joe kundi pati narin ang iba. “Masyado kayong serious”

Imbis na mainis hinablot nalang ni Devon ang icing kay Joe at inihagis ito sa mukha niya. Nagtawanan silang lahat pero si Joe hinabol sila at tuluyan na silang naghahabulan sa loob ng canteen.

Hinihingal si Devon sa kakatakbo kaya tumigil muna ito. “Loko-loko talaga ang lalaking yun.” Pinapahiran niya ng tissue ang icing na nasa mukha at buhok niya. Narinig niya ang boses ni Joe kaya agad naman siyang tumakbo uli para magtago pero nabundol niya ang isang lalaki.

“Sorry” sabay nilang bigkas sa isa’t isa.

Nagkatinginan silanng dalawa ng lalaki at magsasalita pa sana siya ng marinig na naman ang boses ng mga kaibigan. Kaya tumakbo uli siya hindi niya namalayang nahulog pala ang bracelet niya.

Agad namang napansin ito ng binata kaya pinulot niya ito. Pero hindi na niya maaninag ang direksyong tinakbo ng dalaga. Tiningnan nalang niya ang bracelet at nakita niya ang pangalang naka ukit dito.

“Ivan” bumaling ang tingin ni Ivan ng mabusisan ang ang taong tumawag sa kanya.

Chapter 06 - Fated to Love

“Devon, Devon, Deevoonn..” pasigaw na pagtawag ni Sam

Lumingon si Devon kay Sam  “Hi Sam, ba’t andito ka?”

“Alam mo kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako naririnig may pagka bingi ka pala no”?

Napatawa  naman si Devon sa sinabi ni Sam “Pasensya kana ha may iniisip kasi ako. Alam mo na”

“Uhmm, so how’s your father?” tanong sa kanya ni Sam.
“Ayon nakakulong parin pero ginagawa naman ni Atty. ang lahat at saka sabi niya may chance si papa na makalabas. Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa eh.” Paliwanag niya sa binata sabay lingon na may ngiti sa labi.

Parang na mesmerized si Sam sa ngiti ni Devon sa kanya. “Ang ganda ng mata niya”

“May sinasabi ka?” tanong sa kanya ni Devon ng mapansin nitong parang nag murmur siya.

“Ah wala” iling na sagot niya sa dalaga.

“Bakit ka nga pala nandito? Wala kang klase ngayon?”

“Ah, tsenik ko lang sa admin yung mga ma credit na subjects ko kasi I plan to transfer here next sem.”

“Talaga!” Tuwang sambit ni Devon. “eh ba’t ka lilipat diba maganda naman sa university niyo?”

“Wala lang, dati ko na kasing gusto dito mag enroll pero ayaw ni papa buti nalang ngayon napilit ko na talaga.”

“Eh di mabuti, maganda dito kaya.” Ngumiti na naman siya na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ni Sam. Para siyang biglang kinabahan sa ngiting iyon sa kanya ni Devon. Kaya bago siya mahalata ay niyaya nalang niya itong mag meryenda sa canteen.

Marami silang napag kwentuhan at puro sila kulitang dalawa. Kahit paminsan minsan ay natutulala si Sam sa tuwing ngumingiti o tumatawa si Devon pilit niya itong nilalabanan. He shouldn’t be feeling like this sabi niya sa kanyang sarili. “My intention is to get close to her”.

Papasok naman noon sina James sa canteen ng makita agad nila sina Sam and Devon.

“oh, anong ginagawa ni Sam dito?” tanong ni Micah habang napatingin siya kay James.
“patay I smell something” dagdag ni Jam na nakatingin din kay James

Nag-init ang ulo ni James sa nakikita niyang masayang pag kukuwentuhan nila Sam at Devon. “ What are you up to this time Sam?”

Siniko naman ni Kyle ang dalawang kaibigan. “Nawala ang gutom ko, practice nalang uli tayo.” Yaya ni Kyle “Tara na”

“Ha akala ko gutom ka? Ikaw pa nga nagyaya dito.” Tanong ni Micah kay Kyle. At nakuha naman ni Jam ang gustong ipahiwatig ng kaibigan kay tumango at sumang ayon nalang ito.

Hindi kumibo si James bagkus sumunod nalang siya sa mga kaibigan palabas. Hindi niya gusto ang nakikita niya alam niyang Sam is up to something again.

Biglang naputol ang masayang pag kukuwentuhan nina Sam at Devon ng tumunog ang phone ni huli.

“Mam pinapauwi napo kayo ni senyorito.” Si Marisa sa kabilang linya.
“Ha? Pero Marisa may gagawin pa kasi ako eh.”
“Pero senyorita, naghihintay napo siya sa bahay may lakad daw po kayo.”

Nagtataka si Devon at bakit biglang pinapauwi siya. Dati kasi parang wala itong paki alam sa kanya at kung may lakad man sila nauuna ito kung mahuli man siya.

“Ah Sam I need to go may lakad daw kami eh.”

Ngumiti si Sam sa kanya. “It’s okey, I’m about to leave din naman.Gusto mo ihatid kita?”

“ai naku Sam no need na may driver naman ako eh. Salamat.”

“o sige pero hatid nalang kita sa labasan doon din naman ako pupunta.”

Ngumiti nalang si Devon kay Sam at magkasabay na silang lumabas.

Nakita ni James sa di kalayuan na magkasamang lumabas sina Sam at Devon.
“Lilipat pala siya dito next sem kaya andito siya para mag inquire” biglang sulpot ni Kyle sa kanyang likuran at humarap naman si James sa kanya.

“okey lang ba sa’yo yun?” tanong sa kanya ng kaibigan

“hindi ako ang may-ari ng university.” Tipid na tugon niya sa kaibigan.
 Pilit tinatago ni James ang kanyang inis. Tinapik siya ni Kyle sa balikat “I hope hindi kayo mag kagulo”.

Sana kumain naman tayo sa labas minsan.”  Paanyaya ni Sam sa kanya habang hinintay ang sasakyang susundo kay Devon.

“O ba basta libre mo ako walang problema.”

“Sige, sama narin natin friends mo para masaya afterall I’ll be studying here.”

Tumango lang si Devon sa kanya.

Monday, December 27, 2010

Chapter 5 - Fated to Love

Chapter 5


“Ano kaba James bakit ka nagkakaganyan”? Tanong ng lolo ni James, si senyor Lucas

“I’m miserable, I don’t know why it’s happening to me” ani James

“This is for your own good Roberto, and you know that” sagot ng kanyang lolo.

Alam ni James na galit na ang kanyang lolo dahil sa pagtawag sa kanya ng Roberto.

“You send her away, and now she has a different life with someone else” mahinang tugon nito.

“Hindi ko gusto ang babaeng yun at alam mo yun!” galit na tono ng kanyang abuelo “tandaan mo ako parin ang masusunod at hindi kung sino lang na babae ang mapupunta sa iyo”

Ayaw ng senyor nito sa girlfriend niya dati dahil hindi daw ito makakatulong sa kanyang kinabukasan. Buong buhay ni James lahat nalang ang lolo niya ang nag didisisyon. Kung totoosin mabibilang lang ang kanyang mga ginawa para sa sarili niya. Mahal niya ang kanyang lolo kaya ayaw niya itong masaktan kaya sinusunod niya lahat ng gusto nito kahit sarili niyang kaligayahan ay mawala.

“Mag bihis ka, may board meeting mamaya. Kailangang maging visible ka sa companya at kailangan mong matutunan ang lahat ng pasikot sikot doon. Alam mong wala na akong maasahan kundi ikaw lang.” Habilin ng kanyang lolo habang papalabas ng pinto. Napabuntong hininga nalang si James.

Matalino si James at madali niyang natutunan ang pamamalakad sa kompanya. He was 16 when he started working in the company as office assistant. Nagsimula siya sa pinakamababang pwesto saka siya umangat. Hindi nga lang siya full-time na nagtratrabaho dahil nag aaral parin siya. Gusto kasi ng kanyang lolo na maranasan niya kung pa’no mag umpisa at gusto ng senyor na matutunan ni James makitungo sa mga empleyado.

Hindi niya alam ni Devon kung saan pupunta. Kanina pa niy hinahanap ang conference room kung saan may board meeting. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang pumunta, kung totoosin wala naman siyang alam sa mga meeting meeting na yan. “Nakakainis na ha, asan ba? Ba’t ba kasi ang laki ng building na’to.”

Nasa practice siya ng kanta ng bigla nalang siyang tinawagan ni Marisa na kailangan daw niyang pumunta sa opisina ng asawa. Ayaw sana niyang pumunta pero wala siyang nagawa, kaya iniwan nalang niya ang kanilang practice.

Napatigil si Devon sa isang silid kung saan naka awang ang pinto. May naririnig siyang nag tatawanan at sinilip niya ito dahil pamilyar sa kanya ang isang boses. Nakita niya si James na nakikipagkulitan sa dalawang janitor at sa dalawa pang staff. Parang lumundag ang puso niya sa nakita at ang tanging nabigkas niya ay “James”. Sa isip niya “hindi kita nakitang ngumiti o tumawa mula noong” buntong hininga niya at sinilip niya uli ito. Nagulat pa siya ng biglang tumawa ng malakas si James na waring may pinag uusapan sila ng mga kasama nito na nakakatawa. Ngumiti nalang siya sa nasaksihan “masaya akong nakikita kitang tumatawa kahit hindi ako ang dahilan ng pagtawa mo.” at umalis na din siya.

Tapos na ang meeting at nag pasya na siyang umuwi. Sa dalawang oras na meeting na iyon kahit isa wala siyang naintindihan. Tinanong siya minsan ng isang director kung ano ang ma isa suggest niya, sa laking gulat niya kung ano ano nalang ang naisagot niya dahilan kung bakit parang parang naupos na kandila sa hiya ang asawa. Napasabunot si Devon sa kanyang buhok ng maalala ang ng yari. “Nakakahiya talaga”.

Natatanaw ni James si Devon at natatawa ito sa nakikita niya. Gusto na niyang tumawa kanina ng malakas sa nangyari sa meeting pero pinigilan niya. “If things would have been different Devon”. Nangingiting bigkas niya habang tinitingnan si Devon na noo’y papasok na sa elevator. Para itong baliw na kinakausap ang sarili.
Biglang may tumawag kay James dahilan upang mawala ang ngiti niya. Si Sam ang karibal niya sa lahat ng bagay. Minsan sila naging magkaibigan pero nabago lahat ng inagaw ni Sam ang babaeng gusto ni James.

“Sino tinitingnan mo?” tanong ni Sam

Biglang tumayo si James “What do you want”?

Saktong papasara pa lang ang elevator noon kaya nakita ni Sam si Devon. Biglang nag iba din ang timpla ng mukha ni Sam.

Nakatalikod pa rin si Sam noon ng pinagmasdan siya ni James. Pinsang buo niya si Sam sa ina. Unlike him purong Pilipino si Sam. Kahit hindi nag sasabi si Sam alam ni James na galit ang pinsan nito sa kanya dahil nag seselos ito sa atensyong ibinibigay ng lolo nito sa kanya. Mahal din ng kanilang lolo si Sam, tulad niya pinagtrabaho din si Sam sa kompanya nila at nag umpisa din ito bilang office assistant. Sila lang ang natitirang apo ng senyor pero mas vocal ang lolo nila na kay James ipapamamahala ang kompanya. 

Tuesday, December 21, 2010

Chapter 4

Chapter 04 –
“Mama” “Papa” tumatakbong umiiyak si Devon patungo sa mga magulang. “Kumusta po kayo? Sorry at ngayon lang po ako naka punta? Yakap niya ang kanyang ina.

“Anak kumusta ka naman doon sa mansyon? Yung asawa mo hindi ka ba sinasaktan?” Tanong ng ina habang hinahaplos ang kamay niya.

“waa..mama, papa..” bumulahaw ng iyak si Devon na naging dahilan ng pag alala ng mga magulang nito. 

“Anak anong problema ha?” Naiiyak na rin ang kanyang ina.

“wala po mama okey lang po ako. Sobrang miss ko lang kayo.” Tugon niya sa kanyang ina. 

“Anak, nahihiya ako sa iyo, sinakripisyo mo ang iyong buhay para sa akin” biglang sabat ng kanyang ama. 

“Sigurado ka bang ayos ka lang ha?” yakap yakap siya ng kanyang ama. “Pangarap ko pa naman noon na kapag ikinasal kayo ni Fretzie ako ang mag hahatid sa inyo sa altar pero wala ako noong araw ng kasal mo.” Umiiyak na wika ng kanyang ama. “ Patawarin mo ako anak ha ng dahil sa akin napilitan ka tuloy mag asawa. Ang baby ko, ang bata bata mo pa.”

“Papa huwang naman po kayong ganyan at huwag niyo pong isipin yun. Basta ang mahalaga papa makakalabas rin kayo dito at magkakasama narin tayo.” Sagot niya sa kanyang ama. “Mahal na mahal ko po kayo kaya gagawin ko lahat para sa inyo.”

“Yung asawa mo anak hindi ka ba sinasaktan?” tanong uli ng kanyang ama.

Umiling si Devon. “Hindi po papa, hindi nga kami nagkikibuan nun eh, nag uusap lang ho kami pag kailangan.” Pagpapaliwanag niya sa mga magulang. “Huwag ho kayong mag alala sa akin, kaya ko po sarili ko.” At nagyakapan silang tatlo sakto naman pagdating nila Fretzie at Bret.

“Devooonnn” Sabay tawag at yakap sa kanya ang dalawang kapatid.

Maraming dalang pagkain si Devon para sa ama nito. Nasa kulungan ang kanyang ama dahil nakulong ito ng mapagbintangan nagnanakaw ng pera sa kompanyang pinagtratrabahuan. Nabunton kay Mr. Berseron lahat ng paratang kaya siya ang nakulong. Ito ang isa rason kung bakit nagpakasal si Devon para matulungan ang ama nito sa kaso. Masyadong makapangyarihan ang may ari ng kompanya at pinagtutulungan rin siya ng mga kasamahan nito sa trabaho na madiin sa kaso. Baon din sila sa utang dahil kinuha ng kompanya ang mga naipundar na ari arian ng mag asawa. Ang tanging natira na lamang ay ang kanilang bahay. Hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap. Isa silang larawan ng simple at masayang pamilya. Pero nasubok nga ang kanilang pamilya dahil sa nasangkutang kaso ng ama.

Inilapag ni Lourdes ang dalang mga pagkain sa mesa at pinakilala naman siya ni Devon sa mga magulang at kapatid nito. Kinalimutan muna nila ang problema at masayang nagsalo salo sa dala niyang pagkain.
Pagkatapos nilang bumisita sa presento ay nag pasyang mamasyal muna sila ni Fretzie habang si Bret at ang kanilang ina ay pupunta muna sa abogado at may aasikasuhin di umano.

“Alam mo hindi ko alam kung tama ba na maging masaya sa panahon ngayon. Awang awa na ako kay mama, parati na lang siyang umiiyak.” Sabi ni Fretzie habang nag lalakad sila sa isang mall.

“Pasensya kana ha wala ako sa bahay.” Nakayukong sagot ni Devon

“hahaha.” Maikling tawa ni Fretzie “Alangan namang sa bahay ka tumira no may asawa kana kaya at saka malaki na ang sinakripisyo mo para sa pamilya natin kaya ‘wag kang ganyan.”

Ngumiti si Devon “pansin ko lang kanina pa tayo nagda dramahan eh, mugto na yung mata ko. Ang mabuti pa bili nalag tayo ng frozen yougurt.”

Humanap sila ng pwede nilang bilhan ng makakain at nag pasyang libutin ang buong mall hanggang mapagod.
Nasa Topman shop sila ng napansin ni Devon na sinisiko siya ni Fretzie habang busy siya sa paghahanap ng damit. Nilingon niya si Fretzie.

“Si James oh” turo ni Fretzie habang si James ay nasa di kalayuan lang kasama ang mga kaibigan.

“Fretz pretend nalang tayo na di natin siya nakita” ibinalik ni Devon ang damit at hinila ang kapatid palabas. “halika na”

Papalabas na sila noon ng napansin sila ni Kyle “James si Devon yun oh.”

Lumingon naman si James sa itinurong direksyon ng kaibigan. Blanko ang kanyang reaction.

“Hanep, hindi ba kayo friends?” tanong ni Jam sa kanya. Umiling lang si James sabay ng maikling sagot nito. 

“No”

Gabi na ng makauwi si Devon mula ng umalis siya kaning umaga. Pina una na niyang umuwi si Lourdes at pagkatapos mag malling at sa kanilang bahay muna siya tumambay at doon narin nag hapunan. Nag pasundo nalang ito sa driver.

“Hinanap ho kayo ni senyorito” Balita sa kanya ni Steffi.

Nagtaka naman siya kung bakit siya hinahanap ng asawa. “aba himala.”

“Sige steff pupuntahan ko nalang siya.” Sagot niya sa katulong.

“ay senyorita nagpapahinga na yata siya, pinapasabi po niya na sa sususnod ‘wag daw po kayong mag papagabi sa pag uwi” biglang tugon sa kanya ni Steffi

“ha? Gabi na ba? Over naman ang isang yun alas otso pa naman.” Buntong hininga niya.  “Ah okey sige Steffi magpapa hinga na rin ako. At paki usap uli please talaga pwede ate devon nalang? Naasiwa talaga ako sa senyorita.”

Ngiti lang ang naging tugon sa kanya ni Steffi. Matagal na niya itong sinasabihan silang dalawa ni Lourdes na ate Devon o Devon nalang ang itawag sa kanya. Pero matigas parin ang ulo at hanggang ngayon senyorita parin ang tawag sa kanya.
  

Sunday, December 19, 2010

Fated to Love - Chapter 3

Chapter 03

Sa bawat event na dinadaluhan nila wala ng ginawa si Devon kundi ngumiti at kumaway. Dalawang lingo ng ganito ang buhay niya. Na mimiss na niya ang mga kaibigan, kapatid at ang kanyang mga magulang. Gabi gabi siyang tumatawag sa pamilya niya at madalas umiiyak ang kanyang ina. Sa school naman medyo nag iba ang pakikitungo sa kanya ng mga kaibigan. Pano ba naman kasi hindi na siya tulad ng dati na parating naka jeans at shirt lang.  Ang sneakers niya ay napalitan na ng sandals o stilleto. Puro signature clothes na rin ang sinusoot niya. Pero para sa kanya ang anyo lang ang nag iba pero siya parin si Devon walang nag bago.
Uuwi na sana siya ng makita niya ang kanyang mga kaibigan sa tambayan nila.

“kuya sandali lang po” pagpapa alam niya sa kanyang bodyguard.

“hoy, kumusta?” tapik ni Devon kay Inno ngunit hindi siya pinansin.

“Pierro pare.. bago yata t-shirt natin ngayon ah”

“guys lipat na lang tayo” biglang sambit ni Heidi

“oy, bakit ba? Naiinis na ako sa inyo ha. Ilang araw niyo na akong hindi pinapansin”.  Naiinis na bigkas ni Devon sa mga kaibigan habang ang mga ito ay isa isang nagligpit ng gamit.

Sumunod siya sa mga kaibigan ng biglang hinila siya ni Lynn at kunwaring sinakal siya. Nag sipaglapitan naman ang iba para makipagkulitan na.

“Ang gara mo na kasi ngayon, nakakahiya ng lumapit sa’yo at isa pa may body guard kapa” sambit ni Heidi.
“oo nga Devs hindi na tayo ka level” dagdag ni Lynn na sinang ayunan lang ni Emman na nooy tahimik lang sa tabi.

Biglang umiyak si Devon dahil sa sinabi ng mga kaibigan. “ Ano ba ako parin naman to ah, ako parin ang dating si Devon.  Sana naman wag niyo naman akong ituring na iba. Friends pa rin tayo”

“Ang o.a mo, wag ka ngang umiyak.” Sabi ni Heidi sabay hampas sa kanya. Biglang lumapit ang bodyguard niya sa pag aakalang sasaktan si Devon.

“ai kuya okey lang po ako” biglang sabi niya sa dalawang lalaki.

“tama na nga ang drama, group hug” nag open arms si Joe para sa mga kaibigan at nag unahan sila para sa group hug habang nagtatawanan.

Sa di kalayuan naman ay tanaw ni James si Devon at ang mga kaibigan nito. He can hear their laughter at mga kantiyawan nila.

“Ang saya nila oh, mga makukulit talaga ang mga yan, gumaganda si Devon ah” sambit ni Jam habang nakatingin kay James.

Biglang tumayo si James sabay tiklop sa librong binabasa. Naiinis siya sa nakikita.

“O where are you going James?” Kyle ask.

“I’m going home”

Nagtaka naman si Jam at Micah kung bakit bigla nalang uuwi si James, dahil ang alam nila ayaw nitong mag babad sa bahay nito.

Nilingon ni uli ni James si Devon. “ How could she be happy?”

Monday, December 6, 2010


Break time muna. Just a piece of my thoughts, kasi HB ako ngayon. Marami kasing fantard na naglabasan ngayon. Baka ito mang yari pag di tumigil ang mga echuserang frog mula sa sisa nation. Anyway, ang nakasulat dito ay bunga lamang ng imahinasyon kaya huwag seryosoin.

I should post the contiuation as part 2 but I decided to make it a one shot story. Hope you guys will like it, sa makakabasa lang naman. Just a short story.

BABY
Until the Time is Through

Titig na titig ang isang lalaki sa napakalaking billboard sa EDSA.
 Napapangiti ito habang nakatitig sa mala dyosa nitong ganda.
 He knows the girl way back then. She's a grown up woman now and even more pretty.Ten years have passed already and a lot of things have change.

Pinaandar ni James ang kanyang sasakyan matapos mag sawa ang kanyang mata sa pagtitig sa imahe ng babae sa napakalaking billboard.

Dalawang linggo ng naka uwi si James mula sa Australia and he entend to stay for good. His father didn't go with him  when he choosed to leave the country mas gusto kasi ng ama ang Pilipinas. Kung hindi lang dahil sa napakasalimoot na mundo ng showbiz, he wouldn't leave. But what he did was for the best at sa tingin niya tama ang ginawa niya, yun nga lang may isang tao siyang sobrang na miss.
         
Tanghali na ng makarating si James sa Cavite. He decided to have a short vacation sa lugar ng mama niya bago sumabak sa trabaho. His father is too old na hindi na kayang mag manage ng business nila kaya siya na ang nag take over nito. Isa ito sa rason kung bakit siya umuwi.

Kung totoosin successful na siya sa buhay. He already have a high paying job sa Australia at marami na rin siyang napatunayan sa buhay niya pero para sa kanya may kulang parin at hindi ito ano kundi sino.

Pagkatapos kumain ni James ay nagpasya siyang lumabas muna sandali at magtungo sa simbahan. Balak lang sana niyang mag sindi ng kandila. Isang kaugaliang natutunan niya sa babaeng bumihag ng buong pagkatao niya 10 years ago. Kita ni James na maraming tao sa simbahan pag dating niya.

"Hey, is their a mass today?" tanong niya sa matandang babae na nagtitinda ng kandila.
"ha?" Hindi malaman ng matanda ang isasagot dahil sa accent ng kausap kaya ang dalagitang kasama nalang nito ang sumagot. " No, there's no mass po, ahh taping po taping."

Tumango nalang si James at lumingon sa umpok ng nag uusyosong tao sa harap ng simbahan.

Mataimtim na nagdasal si Devon habang hinihintay niya ang kanyang eksena. Mamaya pa siya kukunan kaya nagpasya siyang mag sindi muna ng kandila. Habang si James ay tapos na sa pagdarasal. Nadaanan uli niya ang mga taong nag uusyoso sa shooting na nangyayari.
Hindi sinasadyang nabangga niya ang isang babae pero nahawakan niya ito bago matumba.

"sorry" paumanhin ni James.
"okey lang po" saka tumakbo ang dalaga para maki osyoso.
Natawa nalang si James sa nangyari. Ganito talaga ang mga tao pag may artista. “I had once experienced na dumugin ng tao” James thought.
 Papalabas din sa mga sandaling iyon si Devon at nag mamadali siya dahil tinatawag na siya ng kanyang PA. Dahil sa pagmamadali nahulog niya ang kanyang wallet na dala.Dali dali niyang pinulot ito at ng aakma na siyang tatayo, nakita niya sa di kalayuan ang lalaking matagal na niyang pinagdarasal na makita muli. "James" sambit ni Devon sa sarili. Ang lakas ng tibok ng puso niya na halos dinig na niya ito. Tumigil ang mundo niya. “Be”.

Biglang tinapik siya ng kanyang PA, "Devon, eksena mo na oi"
Nilingon ni Devon si Grace ang makulit niyang PA. "Sandali lang, ano ba?!" Ngunit wala na si James ng tiningnan uli niya ang kinaroroonan nito.

Tumakbo siya para hanapin ito at para siyang maiiyak na. Humabol naman si Grace sa kanya. "Devon ano ba, mapapagalitan ka ni Direk."

“Grace si James, si James nakita ko.” Niyuyugyog ni Devon si Grace.
Hindi makapagsalita si Grace dahil sa tinuran ni Devon sa kanya.

"Grace kilala mo naman si James diba? please hanapin mo naman o." Pagmamaka awa ni Devon.
“You mean, James.. Robert James Reid?” napalakas ang boses ni Grace.
“Sure ka Devon?” Alam ni Grace na matagal ng gustong makita muli ni Devon si James.
"o sige na basta pumunta kana doon.". Natatarantang sabi ni Grace. Pati siy a naexcite din sa narinig.Hindi niya alam kung saang direksyon siya tutungo.

------------------------------------
"Ano ba ang nangyari sa'yo ha?' Inis na tanong ni Grace. "Ngayon lang kita nakitang napakaraming mali"

Pagkatapos makita ni Devon si James ay hindi na ito mapakali. Naka ilang take ito sa mga eksena niya.

Pabagsak na nakadampa si Devon sa kama at mayamaya narinig na lang ni Grace na umiiyak na ito.

Devon  cry out all her feelings she kept for ten years. Parang gripong sira ang mga mata niya na walang tigil sa pag agos ng mga luha.

"Alam kong si James yun Grace, kahit lumaki na ang katawan niya. Alam ng puso ko siya yun."

Hindi alam ni Grace kung ano ang sasabihin. Alam niya ang pinag daanan ni Devon.
         
Alam ng buong Jaevon Gems ang nangyari at hindi rin naging madali ang nagyari 10 years ago. Ayaw gumana ang pagiging hayuff niya sa panahong ganito. Parang kahapon lang na sumariwa ang mga pangyayari.

Isang fansclub ang nabuo dahil sa loveteam nila James at Devon at kilala ito sa tawag na Jaevon gems.
(Well, i guess you know naman where we all started so I would not elaborate this part)
Itinuring na pamilya ng dalawang bata ang mga fans nila. Hindi lingid sa kaalaman ng gems ang nangyayari. Ipinaglaban nila ang tambalan ng dalawa  sa kabila ng napakadaming detractors nito dahil naniniwala sila sa talento at kakayahan ng dalawa pero minsan dumating sa puntong gusto na nilang sumoko dahil naawa na sila sa dalawa.

Akalain mong tatlong nag uumpugang barko, naiipit na si James at napre pressure. Samantalang si Devon ay di tinitigilan ng mga taong walang ginawa kundi punahin siya. Kung ano ano ang natatanggap na masasakit na salita mula sa mga haters nito.May mga petition na naglabasan sa tanggalin si Devon sa ano mang show na kasali siya. Dumating sa puntong minsan may threat na itong natanggap na layuan si James kung ayaw niyang may mangyari sa kanya. Pilit mang itago ng pamilya, kaibigan at fans ang mga ito nalalaman parin nila.

Kaka umpisa pa lang noon ng youth variety show na ni launch November 29, 2010 na Shoutout. Maganda ang naging impact nito sa tao pero ang detractors ng loveteam nila Jaevon ay pilit binubuwag. Ang daming naglabsang petition to switch loveteam pero pinaglaban ng Gems na manatili sila. Until another youth oriented show came ang Goodvibes. Devon and James were paired at naging maganda din ang response ng tao at unti-unting dumadami ang sumusuporta sa dalawa. Pero ganun parin, hindi tumigil ang iba na buwagin sila. It already brought emotional and physical damage sa kanila and it’s already too much to bear.

James protected Devon pero nakokonsensya siya because he felt he was the reason why Devon hated so much by others. No matter how hard he tried to protect her, still fanwars will not stop and his already full of it.

He thought of only one thing to stop all of it. He did what’s best for everybody especially for Devon.

The Gems knew then that it was coming, (knowing James) but they never thought it would be that soon. Kumalat sa pex thread through private message that James decided to quit and not pursue a career in showbiz. Nagsimula lang ito sa haka-haka until ate Mardy and Ate Jhoy confirmed the news. Parang nag karoon ng lamay sa tinuturing na tahanan ng gems sa PEX, FB site, Twitter at Jaevon webpage. Nakakalungkot kung totoosin. Gems heart broke ito pieces.  Alam ng gems na hindi madali ito para kay James. Pero alam din nila ang rason kung bakit ginawa ito ng binata. Hindi narin kinaya ni James ang stress ng fan wars lalo na ang mga pinag gagawa ng iba niyang fans sa ibang loveteam niya. Naging mahirap para sa Gems na tanggapin ang desisyon ni James pero ganoon pa man nirespeto nila ito.

Tinanggap din ng buo ng management ang gustong mangyari ni James.
Alam ng management ang iringan na nangyayari between fans. They knew the evil scheme other people are putting unto Jaevon.

James onced said to his closest fan and friend, Joric and Dianne bago siya umalis. “Please tell to Jaevon to support Devon always even without me.” “I had a time of my life knowing you guys. Thank you so much.”

Sari saring emotion ang pinag daanan noon ng gems at kahit ng ibang barko nito. Three ships weep for James sudden decision but theirs no stoping him. Magsisi man ang fans huli na. James went back to Australia and have a normal life there.

Napabuntong hininga si Grace sa alaalang yun. She was once a gem and will always be a gem. Kung totoo ngang nagbalik si James then Devon would be happy again. “Panahon na para maging masaya sila”. Grace thought. “I’ts been 10 years, siguro naman naghilum na ang mga sugat na dulot ng mapait na kahapon” (takte napaka H ng linya. Grazieng grazie)

Nilingon niya ang natutulog na Devon na bakas dito ang mga natuyong luha. 

Tapos ng mag taping sila sa araw na iyon. Babalik na sila sa Maynila. Devon wanted stroll around Cavite hoping she would see James.

“I’m going with you” ani Grace

Tumango lang siya. Buong araw nilang linibot ang lugar kung saan nakatira ang pamilya ni James.

Natunton nila ang bahay nito pero sabi ng kapitbahay lumipat na ito sa isang subdivision pero hindi alam kung saan. Nanlumo si Devon sa nalaman, ito lang ang araw na bakante siya. Bumalik sila ng Maynila para ipagpatuloy ang taping nito.

“James when will I see you again.”

Napadaan si James sa simbahan kaya he decided na mag sindi uli ng kandila.

“Seems like theirs no taping today huh?” ngumiti si James sa matanda habang ang matanda ay naiilang dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito.

Tumatakbong lumapit ang isang dalagita. “lola tingnan mo, may autograph ako ni Devon”.

Nagulat si James sa narinig. Tama ba ang dinig niya “Devon”.

“can I see it?” tanong niya sa dalagita at binigay naman ito sa kanya.

“Siya po yung may shooting dito bali isang lingo sila, buti nga eh nakakuha ako ng autograph niya bago sila umalis kahapon.”

“Shit! Damn! Damn!” napamura si James sa narinig mula sa dalagita na siya namang ipinag taka ng dalawa.

“If only I knew then.” Tinitigan niya ang larawan nito.

“Ang ganda niya no?” sabi ng bata sabay kuha sa kanya ng larawan.

Ngumiti lang siya bilang sagot sa dalaga pero ang puso niya di alam kung ano ang gagawin. Kung pumunta lang sana siya at nakiusisa baka magkita pa sila ni Devon. But it would be so unnatural of him.
         
“I can’t take this anymore, I’m getting you back baby.”

That day din bumalik si James sa Maynila na boo na ang pasyang babawiin ang taong pinakawalan niya dati.

“Siguro ngayon wala ng hahadlang”. Sa isip niya.

Nasa veranda noon si Devon nagpapahangin habang binubuklat ang isang lumang magazine ng Star Studio. Ngumiti siya ng makita sa isang pahina ang larawan nila ni James. “masa meets sosyal”

10 years ago - Devon

Nagmamadali si Devon kasama si Joric at Rose Ann pamuntang airport.
Pagkatapos ng taping niya sa Goodvibes ay dalidaling umalis sya para habulin si James. “James hintayin mo ko please”

Pilit nilalabanan niya ng mga luha na nag babadyang tumulo. Ayaw niyang makita ito ng mga kasama. Buti nalang naka supra shoes sya kaya madali sa kanya ang pagtakbo.
         
Hinihingal silang tatlo ng dumating sila sa Airport. Gabi na, 10:15pm ang flight ni James. Naiinis si Devon dahil sa sobrang traffic.

“James huwag ka munang pumasok”

Naki usap sila na pumasok sa loob ng departure area ng airport. Todo ang paki usap nila mabuti at bumigay din ang guard. Kilala niya si Devon dahil paborito ito ng anak niya.

“Naku Devon kanina pa nasa loob si James” kilala din ng gwardiya si James.

Tanging si Devon lang ang nakapasok. Kulang nalang lumipad siya papasok. Ang daming tao. May napatingin din sa kanya minsan may tumatawag.

“Miss, yung flight pa Australia umalis naba?” tanong niya sa isang babae na nakatuka para mag check ng ticket.

“kasama ba kayo doon? Hala naiwanan kayo, 15 minutes na kayong late.”

Parang binagsakan ng kung anong mabigat na bagay ang balikat niya. Tumulo na ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

“Wala man lang ko ka babay sa imo ug sakto.” (hindi man lang ako nakapag paalam sayo)
“wala man lang nako na istorya ako gusto istorya nimo.” (Hindi ko man lang nasabi ang gusto ko sanang sabihin sa iyo.)

Hindi pinansin ni Devon ang mga taong nakatingin sa kanya.

Naging busy kasi siya ng mga nakaraang araw. Simula ng malaman na hindi na magpapatuloy si James sa pag aartista agad ipinareha si Devon kay Sam. Binago ang plot ng Goovibes sunod sunod din ang taping at guesting niya. Naging busy siya sa pag promote ng show tapos may shoutout at workshops pa.

After ng Christmas party na inihanda ng Jaevon gems sa kanila ay kinausap siya ni James tungkol sa plano nito. Pero tumawa lang siya kahit alam niyang seryoso ito. Kilala niya si James alam niyang kailan ito seryoso at kailan hindi.  Nasasaktan siya sa mangyayari at kahit sinabi sa kanya ni James ang rason kung bakit ito aalis ay tawa lang ang naging tugon niya. Hindi man niya aminin pero parang pinipiga ang puso niya. Nagawa pa nga niyang sabihin “ Kung saan ka masaya, eh di supurtaan taka” sabay tawa tapos hindi na sila nag usap pa tungkol doon. Lingid sa kaalaman ng iba mag damag siyang umiyak ng gabing iyon.

“Kung alam ko lang na iyon na pala nag huli nating pag uusap na mahaba haba, eh di sana nilubos ko na.” sa isip ni Devon habang papalabas ng airport. Wala silang commitment. Ni hindi siya nililigawan ni James at hindi rin siya nag aassume. What they have was a special friendship. Alam nila na gusto nila ang isa’t isa but no one dared to cross the bridge between friends and lovers. Kaya para silang hanging bridge buti nalang merong body language.

“I will miss you Be.” “Forever”

Paglabas niya bumulahaw na siya ng iyak. Hindi na niya maitago ang sakit na nararamdaman. Pati si Joric at Rose ann ay umiiyak na rin at nag yakapan silang tatlo.

Nagising si Devon ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Nakatulog pala siya. Pinulot niya ang magazine na nahulog sa sahig ng makatulog siya.

It’s Grace on the other line. “Kyra said she saw James at Patrick’s party. Sana pala pumunta ka nagkita na sana kayo”.
Nanlumo si Devon sa narinig. “Bakit ba hindi tayo pinagtatagpo”. She’s suppose to attend Patrick’s party but something came up so hindi siya nakarating. There are many times na may nagbalita sa kanya na James is in the country. From her closest friends from PBB told her dahil sila mismo nakasama at naka usap nila si James. Some gems also knows it. Pero bakit hindi parin sila nagkikita. She even asked her friends if James happened to mention her name in one of their conversation pero sabi nila hindi daw. Masakit para sa kanyang isipin na baka ayaw na siyang makita ni James. Kahit papano may guilt pa rin siyang nararamdaman dahil somehow hindi itinuloy ni James ang pagiging artista dahil sa kanya and her she is avery successful actress.

Premier night ng movie niya ngayon (ayo kong mag banggit kung sino kasama niya, who knows kung sino 10 years from now.) Nag handa na siya para sa red carpet premier nito.

----------------------------------------------------------------------

Nasa harap ng PBB house si James. Tinitingnan niya ang bahay ni kuya. Hindi niya alam kung bakit napadpad siya doon. Ang alam lang niya nasa harap na siya ng bahay. Ang bahay kung saan nag simula ang lahat. Ang bahay na naging parte na ng buhay niya. Ang bahay  kung saan nakilala niya ang babaeng bumihag sa kanyang puso. The dark skin Filipina.

Gustuhin man niyang magpakita kay Devon, alam niyang busy pa ito dahil sa pelikula niya. “Kunting tiis pa James” wika niya sa sarili.

          Hinawakan ni James ang gate ng bahay. “Good thing your still here”, “you brought me so much memories.”

Wala ng Pinoy Big Brother Edition, matagal na itong nag tapos pero nanatili paring nandoon ang bahay bilang isang remembrance ng nag daang mga edition nito.


10 years ago – James

“It’s up to you dude if that’s your decision” ani Ivan. “But isn’t it unfair for Devon even if we all know that she will get hurt?”

Tahimik lang si James. Nag uusap sila noon ni Bret and Ivan sa dressing room para sa all star Friday episode ng Shoutout.

“You’ve already come this far, you’re gaining more supporters already.”
Tinatapik ni Bret ang balikat ni James. “I’m sure everything will be alright.”

“No Devon is so special to me that I can’t afford to see her getting hurt and also Ann and Tricia is my good friends. I’m pressured dude.”

“But go with flow. This is showbiz. Don’t worry about Devon she’s a tough girl we all know that.” Sambat naman ni Ivan. “And we are all here for her.” “You don’t even have to worry ‘bout sa fans ni Tricia ‘cause it’s our loveteam they support now.

“And dude people may put blame on Devon if you leave.” Pahabol ni Bret.
“They don’t know the reason, it’s only you guys, Devon and the Jaevon knows.”

"But how did she take it" Bret ask
"I guess she didn't take seriously" 

Pero naguguluhan parin si James. Everytime na makikita niya si Devon nalulusaw ang puso niya. He thought of not leaving everytime he sees her. But an incident came that made up his mind. Someone throw an ice cold water to Devon and James saw it himself. Kakapasok palang niya noon sa Grams together with Sam and Inno ng ang eksenang yon mismo ang nadatnan niya. Nag kagulo noon ng sinugod ni Joric ang babaeng nag tapon ng tubig. No one admitted kung kaninong fan ang girl. After the incident James talk to Star Magic and made his decision final.

“This has to stop” he thought.

Napasinghot si James sa ala alang yun. “Bittersweet”.

Successful ang naging premier ng movie ni Devon. Fans were screaming and all praises sa movie. Press and all television executives were impress sa kinalabasan ng movie. Well, afterall she’s now Devon May Seron. One of the sought after leading lady in Philippine showbiz.

The path she took was not easy. It was full of struggles. Yes, others blamed her for James sudden decision to leave showbiz. Ever her, she also blame herself. May guilt feeling siya sa ginawa ni James.  Minsan gusto na niyang sumuko dahil hindi noon matapos tapos ang pang babash sa kanya even now na sikat na siya may haters parin siya pero di na tulad ng dati. Ang dami na niyang sinakripisyo sa buhay niya. Gusto niyang ipaglaban si James noon pero feeling niya masyado pang maaga at kailangan niyang mag focus sa career niya.

After James left. Naging madalang na ang naging communication nila dahil pareho na silang naging busy. They decided to focus on their choosen life. They both thought that they are still young. 

“Maybe, somehow, someday will see each other again if we’re meant to be” – James and Devon thought.

Devon left the party that was set for the whole production after an anticipated success of her movie. Nag dahilan siya na masakit ang ulo nya and she needed a rest. Pero ang totoo pina una na niya ang driver niya at sinabing ihahatid siya ni Grace. She wants to be alone for a while.

She helplessly wander without knowing where to go. Amidst all the success she still feel somethings missing. It's been 3 months, 3 days, 9 hours and 25 minutes since she last saw James in the church. "James hindi mo na ba ako naalala". Bagsak ang balikat niya habang naglalakad. Sa isip niya "Hindi ba siya nanonood ng TV? Eto na ako ngayon James o salamat sa iyo”. Much to her surprise ng tumigil siya sa paglalakad nasa harap na pala siya ng Bahay ni Kuya.  Iniwasan niya ang bahay na ito simula ng mawala si James sa buhay niya. Memories cames back again.

She slowly walk through the main gate and held it tightly. With so much grip, inalog niya ang gate. Parang nabulabog ang buong paligid sa lakas ng boses niya.

“ I hate you James….” “ But I miss you so much”

Iniyak niya ang lahat ng nararamdaman. “Hindi mo na ba ako naaalala? Well salamat sa iyo! Dahil sa iyo naabot ko ang gusto ko”. May halong pagdaramdam niyang sinabi.

“Bakit hindi ka nagpapakita, ang dami kung gustong sabihin sa iyo.”
“Sobrang miss na kita”

Patuloy niyang sigaw. “I love you Jamessss. Pero baka hindi na kita kayang hintayin”.

Hindi makapaniwala si James sa narinig, from the moment he heard the the voice screaming he knew it then that it was her. He heard every single word she said he can’t believe that right next to him is his Devon. Umiiyak at nag susumamong makita siyang muli. Kung alam lang ni Devon kung gaano din siya gustong makita ni James.

“I’ve been dying to see you” bigkas ni James habang hindi parin maka galaw sa kinatatayuan niya.

“You don’t know how much I miss you Devon”. Mahinang sabi niya pero para kay Devon dinig na dinig niya ito.

Unti unting lumingon si Devon sa dereksyon kung saan nagmumula ang boses. Kahit hindi niya masyadong klaro sa kanya ang mukha alam niya kung sino ang nagsasalita. Pinahiran niya ang kanyang mga luha and there sa ilang pulgadang layo, she saw James na naiiyak na rin. Parang tumigil ang mundo nilang dalawa, walang nag salita ni isa man. Ang tibok ng puso nila ay sobrang lakas na halos dinig na nila ito. At biglang may ngiti sa kanilang mga labi na parang na pawi ang ilang taong pangungulila sa isa’t isa.

“Devon”

“James”

Tinakbo ni James ang ilang pulgadang pagitan nila “Oh Devon I miss you like crazy”. Then James kiss Devon with so much passion. Hindi parin makapaniwala si Devon sa nangyayari. Kanina lang sumisigaw siya ngayon nasa harap na niya and he is kissing her. “pak!”

“Ouch what is that for” hinihimas ni James ang brasong hinampas ni Devon habang si Devon ay kinukurot ang sarili. “Baby you’re not dreaming. Don’t tell me you don’t know that I’m already back home”.

“I know, I just couldn’t believe that you’re actually here.” Nagsisimula na namang tumulo ang luha niya. But James immediately hug her.
“ I’m sorry” umiiyak na bigkas ni Devon

“I’m sorry dahil sa akin umalis ka. I’m sorry dahil sa akin hindi natupad ang gusto mo. I’m sorry dahil  hindi ko sinerysoso noon ang sabi mo. I’m sorry sa lahat”

“Baby, there’s nothing to be sorry for”. James then hug her tightly. “I guess what happened was all in the past. I’ve waited 10 years to be with you again. I never loved another. It’s always been you, only you. We’re both grown ups now maybe this time we can be together”. At tiningnan niya si Devon with so much love.
 “I love so much” ang tanging naging sagot ni Devon. And they kiss intensely.

Sa kabilang dako may tatlong taong nag iiyakan sa nasaksihang pangyayari. Joric and Rose Ann are hugging each other while crying. Si Cha naman kahit umiiyak ay nakangiti naman. Hindi sila makapaniwala na darating ang panahong magkikita silang muli. 

(While I was writing this I was listening to the Jaevon MV – The story of James and Devon)

-----------------------------------------------------------------------------

The Buzz: Love Story Unfold – James and Devon Untold Stories Special Edition.

Naging usap usapan sa showbiz ang naging pangyayari. Talk shows and magazine lahat sila ang laman. Since onced naging sikat din si James and Devon is a respected actress. Everybody thought that their story   was like a fairy tale with a happy ending. Happy ending ended ‘coz at the end they still end up each other.

James became a singer as what he always wanted and at the same time manages their business. Devon on the other hand, is still in showbiss but she choose to pick her role already since there are things need to consider na, now that James is in his life.

They got married eventually. They choose to have a solemn and private wedding.

“I love you Baby” James
“I love you Be” Devon. 

Fin

Need ko na siyang tapusin dahil kailangan ko ng magpost for next chapter ng Fated to Love..