Pages

About Me

Sunday, March 20, 2011

Fated to Love - Chapter 22

"Ngayon kompleto na tayo, sisiguraduhin kong babawi ako sa inyo. Sa mga panahong wala ako." Wika ni mang Sonny ang ama ni Devon.
Nasa bahay na sila noon at nag kakakasihayan.
"Yeah lets all drink to that, cheers!" bigkas ni bret ng itinaas niya ang isang baso ng beer at ganoon din ang ginawa ng iba.
Nag inuman ng konti sila Bret, Mang Sonny at James habang ang tatlong babae ay nagkukutkot ng junk foods.
"Sir, I'm offering you to work in the company kung okey lang sa inyo".
Nagulat si Mang Sonny sa sinabi ni James. "Eh, James di naman kaya nakakahiya iyan alam mo naman galing ako sa kulungan"
"Sir I know your good and you came out clean from all the allegations so wala hong problema and besides I've talk this to Lolo nad okey naman sa kanya".
Sumabat naman si Devon "Oo nga pa, sige na doon kana. Iyan din sana ang balak ko, naunahan lang ako."
Inudyukan narin siya ng iba pa kaya napapayag si Mang Sonny "Aba eh, sige na nga, yan din lang namang wala akong gagawin"
"Thank you sir"
"ay naku ako nga dapat mag pasalamat sa iyo" nahihiyang wika ni mang Sonny. "at saka 'wag mo na akog tawaging Sir. Hindi naman ako iba sa inyo. Papa nalang"
Si James naman ang biglang nahiya. Ngayon lang siya may tatawaging papa sa boong buhay niya.
"Alam kong hindi naging maganda ang umpisa ninyo ng anak ko, pero mukhang sa nakikita ko maayos naman kayong dalawa" kinuha ni mang Sonny ang kamay ni Devon at James. "Mga bata pa kayo at marami pa kayong pagdadaanan, sana kaya niyong lampasan iyon ng hindi binibitiwan ang isa't isa."
"Papa, nag dadrama ka eh" pabirong wika ni Devon.
"James" baling si Mang Sonny "Ikaw na bahala sa anak ko ha, pag pasensyahan mo na at wala iyang alam sa buhay pero ito lang ang masasabi ko mabait na bata to."
Naiiyak na si Devon pero pinipigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha.
"I know po, huwag ho kayong mag-alala mahal ko ho si Devon." at tumingin si James  kay Devon at kinidatan ito pero inirapan naman siya nito.
"oyyyy, ang cheezy naman" pambabara ni Bret at siniko naman siya naman si ni Fret.
"ay nako tama na iyan at saka mukhang napaparami na inom niyo. Ligpitin niyo na iyan at mag sipagtulog na" wika ng ina nila "James, inihanda ko na yung isa pangg bakanteng kwarto para sa'yo pasensya kana maliit lang iyon."
Tumango lang si James bilang tugon.
"Bakit hindi ba kayo mag kasama ni Devon matutulog?" Takang tanong ni Mang Sonny
"Kasi sweetheart, alam mo naman diba na"
"Ay naku, pwede naman yung bawiin ang napag usapan at pa'no titibay ang pagsasama nila eh sa pagtulog naman pala magkahiwalay."
Napangiti si James sa sinabi ni Mang Sonny at lalo pa ng kinindatan siya nito.
"Sweetheart hayaan mo na iyang mga bata, halika na miss na kita" hila niya sa asawa at wala na rin itong nagawa pa.
"Naks" tapik ni Bret sa balikat ni James "lakas mo kay Papa ah" tumawa lang ang huli.
"eh kayong dalawa anong balak niyo?" tanong ni Devon kay Bret at Fretzie.
"Ewan" sagot ni Fretz, tila naguguluhan at kinakabahan sa pwedeng mangyari. Baka hindi matanggap ng mga magulang nila. Napansin naman ito ni Devon. "For sure maiintindihan naman nila, don't worry I'm here for the both of you".
"I'm also here" biglang bigkas naman ni James. "Don't worry everything will be alright"
Pagkatapos nilang magligpit ay nagsipasok na sila sa kanya kanyang silid.
"Devon let's talk" wika ni James ng makahiga na sila. Biglang kinabahan si Devon, natatakot siya sa posibleng sabihin ni James.
"I'm sleepy James, pwede bukas nalang" nagkunwari siyang inaantok na. Pero ayaw parin mag paawat nito. "Rica and I are" napapikit si Devon at napahiling na sana ay bingi nalang siya para di nya marinig ang sasabihin nito. "friends, we're okey now." unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata ng marinig ang huliting katagang binitiwan ni James.
"Friends?" taas kilay na tanong ni Devon. "Bakit ganoon, nagising ako na wala ka, tinatawagan kita pero di ka sumasagot at nalaman ko nalang na andoon ka pala sa kanila."
"Baby, I'm sorry please understand gusto ko lang kasi mo na na magkaayos kami"
"Nakita ko kayo sa mall, namimili kayo ng damit kasama yung iba mong mga kaibigan."
"You were there?" tanong ni James "why didn't you call me?
"Hmp, para saan pa. mukhang masaya naman kayo"
Napatawa naman si James. "dapat kasi kasama ka, I've been calling you pero di ka sumasagot at may party after noon pero denideadma mo ako." "Ayaw mong sagotin mga tawag ko"
"Ako rin naman ah, tatlong araw kang wala nag alala ako sa iyo pero deadma karin, out of reach parati phone mo."
"May inasikaso lang ako baby" masuyong hinaplos ni James ang mukha ni Devon at hinalikan ang sintido nito "I miss you"
"Hmp, ewan ko sa iyo. Mukhang hindi naman eh. Ang saya mo nga na wala ako" tumalikod na si Devon kay James pero mabilis na niyakan siay ng huli. "You're not yet convince are you?"
"Naiinis ako sa iyo" Inalis nito ang mga braso ni James na nakapulupot sa kanya. Di masabi ni Devon na nagsisilos siya pero na pansin ito ni James. "Please baby, don't be jealous and I'm sorry"
Hinarap naman ni Devon ito. "Hindi ako nagseselos ano, ang kapal ng mukha mo." Pagdedeny nito.
"I know you are baby" panunudyo ni James at pinisil ang ilong ni Devn "admit it"
"oh how concitied can you get"
"haha, i'm also jelous by" seryong sambit ni James. "Huh? ikaw nag seselos? Kanino naman?" walang maisip si Devon na pwedeng pagselosan ni James.
"masyadong malapit na yata si Sam at Ivan sa iyo"
"what? Oh James they're just being good with me." depensa nito sa sarili
"I don't want someone holding your hands other than me. But I understand that you are just being friend with them. Please, I hope there wouldn't be any third party involvement sa ating dalawa."
"Sabihin mo yan sa sarili mo no. Kasi ako sigirado ako sa nararamdaman ko sa iyo"
"Once and for all, I want to clear this to you that Rica and I are just friends. Nothing else. Did'nt just I told your Dad that I will take care of you and I love you?" Inalis ni James ang natitirang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha ni Devon. "I love you, remember that"
"I love you too." tugon naman ni Devon.

Monday, February 28, 2011

Fated to Love - Chapter 21

Nagmamadali si Sam papasok sa korte kung saan babasahan na ng hatol ang papa ni Devon.
Agad siyang tumabi sa dalaga at pinisil ang kamay upang ipakita ang suporta niya. Nandoon din ang mga kaibigan niya. Full support ito sa kanya. Ang mama naman niya ay napagitnaan nina Bret at Fretzie. Palinga linga siya, may isang tao siyang hinahanap o inaasahan niyang pumunta. Tumawag kasi si James sa kanya ng umagang iyon na pupunta siya sa hearing. Susunduin sana siya nito pero sabi niya sa korte nalang sila mag kita. Kahit may tampo at sakit siyang nararamdaman para sa binata at biglang napawi ito ng tinawagan siya. Nagpadala din ito ng inspiring text messages sa kanya. As usual James is so sweet sa text niya, nag "I miss you at I love you" ito kaya parang kay bilis naglaho panibughong naramdaman niya rito. Malapit ng mag umpisa pero wala pa si James, imbis si James dapat ang nasa tabi niya ay ibang tao ang humahawak sa kamay niya. Sam is always like this, such a good friend. Madalas niyang kasama si Sam sa mga nag daang araw. Kasi naman may production silang gagawin together sa nalalapit na Foundation Day. Magaan din ang loob niya dito.
Samatala si James ay nagmamadaling makahabol pero na stuck siya sa traffic.
"Dammit" napamura si James. Dapat pala nag pahatid na lang siya kanina. Mabuti palang di na niya sinundo si Devon kundi pareho silang late. Tinawagan niya si Devon para ipaalam ang kalagayan niya pero ring lang ito. Naisip ni James na baka masyado lang sigurong nakatoon ang pansin ng dalaga sa hearing kaya di napansin ang pagtawag niya.
Pumasok na ang Judge at nag umpisa na ang proseso hanggang sa pag basa ng hatol.
Hindi makapaniwala si Devon. Tapos na rin ang dagok sa buhay niya. Napawalang bisa ang papa niya sa kasong ibinibintang sa kanya. Sobra siyang masaya at nakalimutan niya wala si James doon. Naiyak din ang mama niya.
"Mga anak, sa wakas mag kakasama na rin tayo" masiglang niyakap ni Mang Berseron ang kanyang mga anak. Pati na rin ang asawa nito.   Pagkatapos ng tagpong iyon ay napagpasiyahan nilang kumain sa labas. Kasama narin ang mga kaibigan nito at ang mga abogado nila. Nag prisinta si Sam na siyang gagastos sa lahat, ayaw sana nito pero mapilit si Sam. Ayaw narin niyang makipagtalo dahil sa panahong iyon ay ang naging concern niya ay ang makitang boo sila ng pamilya niya.
Nasa restuarant na sila ng saka palang maalala ni Devon na tingnan ang kanyang cellphone at nakita nga niyang nakailang beses palang tumawag sa kanya. Agad din niyang binasa ang text nito. Na stuck nga ito sa traffic at ang last na text nito ay malapit na siya. Agad naman niyang tinawagan si James para ipaalam na nasa resto sila at doon nalang sa halip pumunta.
Ayaw na niyang isipin ang nakita niya noong isang araw. Baka mali nga lang ang interpretation niya after all hindi lang naman sila James at Rica ang nandoon. Nandoon din ang tatlo pang kaibigan nito at di lingid sa kaalaman niya na malapit din ang mga ito kay Rica, buhat ng classmates nga sila sa highschool. Ayaw niyang mag over react, masaya na siya ngayon dahil malaya na ang papa niya.
Malapit na sa restaurant si James kung saan nag karoon ng salo-salo. He suddenly bumped  into Rica. Nagulat sila pareho pero agad naka bawi at ng tawanan nalang.
"Sige na pasok kana, baka hinihintay kana ni Devon.  I bet you miss her so much" tinapik ni Rica si James sa braso. Ngumiti lang ang huli "yeah, I really do miss her."
Hinawakan ni Rica ang kamay ni James "You really are crazy about her". Kahit nakangiti ay mapapansin namang malungkot ang mga mata nito. But James did not notice it. He's just so excited to see his Devon.
Nakita naman ni Devon na magkahawak ang kamay nila James at Rica. Tumawag kasi si James na nandoon na siya at humahanap lang ng parking space kaya napag pasiyahan niyang salubungin ito pero iba ang sumalubong sa kanya. Bumalik siya sa loob dahil di niya kayang tagalan ang nasaksihang tagpo.
"O, asan si James?" tanong ni Ivan na nandoon din
"Ah wala pa eh, malapit na daw"
Nakita agad ni James ang kinaruruunan nila pero biglang umarko ang kilay niya ng makitang si Ivan at Sam ang nasa tabi ni Devon. Si Sam sa kanan, si Ivan sa kaliwa. "So where the hell will I sit." Tanong niya sa kanyang sarili. Bumalik na  naman ang inis niya kay Sam at di rin niya mapigilang di mainis din kay Ivan. Bakit andoon din iyon sa tabi ni Devon. Nagseselos siya.
"James" tawag ni Bret ng papalapit na siya. Lumingon naman si Devon at sinalubong ang asawa. Ayaw niyang ipakita na malungkot siya, dahil ayaw niyang masira ang araw na iyon. She'll deal with it later.
Lihim na napamura si James "what the f***" Hindi man lang lumipat ng inuupuan si Ivan at Sam. Bumalik si Devon sa dati na nitong inuupuan at siya bakit siya nasa tabi ni Bret. Nag ngingit ngit siya sa inis sa dalawang lalaki. Si Devon naman ay di alam ang gagawin. Pero binaliwala nalang niya dahil obvious naman na wala ng upuan at ang tanging maluwag nalang ay sa tabi ni Bret. Wala naman ding masama sa nakikita niya.
Okey lang sana kung nasa harap siya ni Devon nakaupo atleast nakikita niya ito pero napagitnaan siya ni Ivan at Bret. "I'm suppose to be beside my wife" bigkas niya sa sarili. Di niya gusto ang kailangan pa niyang tumagilid para lang makita si Devon. "At ano ang sinasabi ni Sam at nakangiti pa ito?" Hindi matiis ni James, madali pa naman siyang mag selos pag dating ka Devon.
Bigla siyang tumayo at lumapit kay Devon na siyang kinagulat ng huli. Tumabi siya sa tabi nito na muntik ng ikinahulog ni Devon dahil napaurong siya. "James, what are you doing?"
"Oh sitting beside my lovely wife"
"Pero.. ano kaba may ibang upuan po" tumayo ito pero pinutol na ni James ang iba pang sasabihin ng bigla niyang kabigin si Devon upang maupo sa kandungan niya. Pulang pula si Devon, tatayo sana siya pero pilit siyang hinawakan ng mahigpit ni James.
"Hayaan mo na kasi" wika ni Joe na nanunukso. As usual ito naman ang pasimuno basta tuksuhan ang usapan Naging tampulan ng tukso tuloy silang dalawa.
"Paano tayo makakain nito aber?"
"Well, susubuan mo ako syempre"
"Tumigil ka nga at nakakahiya"
"Sweetheart, naalala ko tuloy noong nag uumpisa pa tayo" hinawakan ni mang Berseron ang kamay ng asawa saka hinalikan. Naging tampulan narin sila ng tuksuhan pati ang parents ni Lyn na siyang abogado nga nila na nadoon din.
Pero may tatlong tao naman na nag aapoy din sa selos sa mga pangyayari. Pero hanggang doon nalang sila.
Ivan
Sam
Rica na noo'y lihim na nag mamasid sa kanila at umiiyak na ikinubli lang sa makapal na shades.

Saturday, February 26, 2011

Fated to Love - Chapter 20

Tatlong araw na ang nakalipas pero d man lang nagawang tawagan siya ng binata. Nagtatampo na si Devon , dahil walang oras na di niya naiisip si James. Pero si James ba naiisip siya? Madalas niyang tanong sa sarili sa mga nakalipas na araw. Napaisip siya kung ganoon ba kadali nagbago ang nararamdaman ni James para sa kanya ng makita si Rica. Pero baka busy lang ito, 2days na rin kasi itong absent kaya di rin niya ito nakikita sa school. Baka nasa office lang at tinutulungan ang abuelo pero dati namang niyang ginagawa iyon at sa mga panahong iyon ay di man lang nalimutan ng binata na tawagan siya, pero bakit ngayon? Devon don't want to entertain the thought pero di niya maiwasan.
Sinubukan niya itong tawagan pero off ang phone kaya nag text nalang siya para kumustahin at ipaalam na last hearing na ng papa niya sa sa makalawa. Inaasahan niyang makaupunta si James. She really wanted to see him so badly. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Devon ng maramdaman niyang siniko siya ni Eslove. Kanina pa pala siya tinatawag ng kanyang guro. Nasa labas kasi siya nakatingin at malalim ang iniisip kaya di niya narinig ang kanyang professor sa letirature na tinatawag pala siya.
"Mrs. Devon May Seron Reid" kompletong tawag ng professor sa kanya.
"I've been calling you many times but seems your preoccupied with many things, is their something wrong?" tanong guro
"I'm sorry maam, what is the question again"
Inismiran lang siya ng guro at tinanong uli siya, buti nalang alam niya ang sagot kundi tuluyan na siyang mapapahiya.
Natapos na ang kanilang klase pero hindi masyadong nakapag concentrate si Devon . Nag aalala siya kay James dahil wala siyang balita mula rito.
Napag pasyahan niyang tumawag sa opisina baka sakaling nandoon ito at pinapunta ng abuelo. Pero hindi raw ito nagagawi roon, tinanong siya ni Marisa kung bakit di niya alam gayong sila naman ang magkasama. Nagdahilan nalang siya na para di makahalata ang babae, madaldal pa naman ito baka malaman pa ng lolo ni James mahirap na.
Tinawagan uli niya si James pero ring lang ring ang phone nito.
"grrrrrr" gusto ng itapon ni Devon ang kanyang cellphone sa tindi ng inis.
"kung itatapon mo yan, siguruhin mong dito yan babagsak, o di kaya i abot mo na lang sa akin" pabirong wika ni Ino.
"Ano bang problema Devon ?" tanong ni Emman
"wala naman" pag tanggi niya sa mga kaibigan pero ang totoo pinipigilan niyang umiyak dahil sa inis.
"O ano pang tinutunganga natin dito, alis a tayo at kailangan na kaya natin bumili ng gamit para sa presentation natin. Next week na ang foundation day" wika ni Heidi sa kanila. Hindi na sumama ang mga kaibigang lalaki kaya naging girls bonding nila ito.
Inalis muna sa isipan ni Devon ang alalahanin at ipinasyang mag enjoy sa pamimili sa mall. Matagal narin niyang di nakakasama ang mga kaibigan sa mga lakarang ganito, last bonding nila was when they were ni Bali. Sa mga nakaraang buwan kasi si James parati ang naging sentro ng buhay niya.
"Is it James?" tanong ni Lyn "Devon?" tawag niya kay Devon habang nasa dressing room ito.
"Who's with him?" takang tanong ni Heidi ng lumapit ito kay Lyn. "Who's that girl?"
"Guys okey ba 'tong damit ko? How do I look?" tanong ni Devon ng lumabas siya sa dressing room. Walang tugon na narinig mula sa kaibigan at nakita niyang may tinitingnan ito. 
"Hoy, sabi ko.." napatigil si Devon sa sana'y sasabihin niya ng makita si James at Rica. Namimili ng damit si Rica at mukhang masaya sila ni James dahil nag tatawanan ito. 
Inakbayan siya ni Emman "just as I thought so, I smell problem"
"Nasa'n na ang pangako mo noong sinusuyo ako, anong tamis anong lambing binibigkas ng labi mo" mahigpit ang hawak ng mikrupuno ni Devon. After ng masaksihan nila kanina ay agad na hinila niya ang mga kaibigan na umalis doon. Nag madali lang siyang palitan ang damit niya. Nasa isang sosyal na lounge sila. 
"Ngunit bakit nagbago ka, nagbago ang damdamin mo" ibinuhos niya sa kanta ang nararamdaman. Para kasing angkop ang kanta sa sitwasyon niya ngayon.
"Ano ba yan ateng, alam kung masama ang loob mo pero naman ibang level ang kanta mo. Di ko carry. Buhay na ba tayo niyan?" sambit ni Heidi habang kinukuha ang microphone sa kanya. "Pwede kumain ka muna?" 
"Is he cheating on you?" prangkang tanong ni Lyn na agad naman siyang siniko ni Hiedi. "Ano ba, buti na yung diretsong tanong no?"
"It was Rica, yung na ekwento ko sa inyong ex niya"
"So that was her. So why is she here?" 
"Baka naman nag over react ka lang o tayo nag over react sa nakita natin. Maybe they're just going out for good time sake." Saad ni Emman na kanina pa tahimik at parang ina analyze ang nangyayari sa kaibigan.
"Hello, diba Devs, simula noong pumunta ang Ricang yan sa bahay niyo ay naging tahimik si James. Umalis ng di nag paalam, tiwagan mo? di sumagot. 2 days ng wala sa school  at di man lang magawang tawagan ka. Kumusta naman yun aber?" mahabang litanya ni Heidi. "Ito pa ha, di naman lingid sa atin ang story niyo diba? At ngayon magkasama pa sila at mukhang masaya." 
"Tumigil ka nga Heidi, if I know hurt karin dahil nakita mo si Micah na may kasama ring iba. Aminin mo?" Dinilatan ni Emman ang kaibigan. Nandoon din kasi sina Kyle, Micah at Jam na may kasama ding mga babae.
"Pwede ba hindi ako ang may problema dito." 
Agad nilang binalingan si Devon na nanatiling tahimik lang. Naging tahimik din silang apat. Walang nag salita. Maya-maya ay nag aya na si Devon na umuwi na.
"Devon, sis galing dito si James, kaso umalis agad eh" salubong ni Fretzie sa kanya.
Hindi niya alam kung matutuwa siya ng malamang pumunta si James. "Bakit daw?"
"Ha? Anong bakit di ka ba niya tinawagan?" Nagtataka si Fretzie. "Teka nga muna may problema ba kayo?"
"Wala, nalowbat kasi ako eh."  at talaga namang na lowbat siya kaya di niya alam na kanina pa siya tinatawagan ni James. 
"Ganoon ba? Nagmamadali yata siya eh at mukhang bihis na bihis." 
"Sige sis, pagod ako eh, matutulog na ako." Devon cut the conversation short. Ayaw niyang maging matagal makipag usap sa kapatid baka masabi pa niya ang saloobin. Ayaw pa naman niyang mag alala ito.
"Where could he be going?"
Well ayaw niyan isipin kung saan
Papasok na si James sa malaking bulwagan ng sinalubong siya ni Rica. Agad nag beso ang dalawa. "O where's Devon?" Agad tanong ng dalaga ng mapansing walang kasama si James. It's Rica's get together party parang reunion lang ng highschool batch nila.
Sinabi naman nito ang reason bakit wala ang asawa. Oh, how he wanted Devon to be with him para ipakilala sa mga kaklaseng nandoon.

Monday, February 14, 2011

Fated to Love - Chapter 19

"Hi" bati ng isang babae
Nawala ang mga ngiti ni James dahil sa taong nakita niya sa kanyang harapan. Si Devon nama'y nakatingin lang sa kanya. Kilala niya ang babae.
Lumapit ang babae sa kanila, "Hi Devon, I don't think we were introduced before"
Inilahad ng babae ang kanyang palad at tinanggap naman ito ni Devon.
"I'm Rica" pagpapakilala ng babae.
Ngumiti lang ng tipid si Devon habang parang naiilang siya sa tagpong iyon.
"Tama pala ang sabi sa akin ni Sam, you two seems like getting along just fine."
"Ah Devon, halika practice muna tayo" hinila ni Sam si Devon at wala namang nagawa ang huli.
Nasa pool side sina James at Rica noon. Matapos silang iwan ni Sam at Devon ay inaya agad ni James ang babae sa may pool area.
"How are you?" sabay na tanong ng dalawa sa isa't isa. Napangiti nalang ang mga ito.
"Okey, you go first" wika ni James
"I'm okey James, doing fine. Masaya naman ang buhay kahit papano. Ikaw?"
"Well, as you said earlier, I'm doing just fine"
"So how's married life?"
"Still adjusting but I'm getting use to it, it's fun"
Nawala ang ngiti ni Rica sa kanyang narinig mula kay James. "Good, buti at masaya ka" bigkas niya habang may lungkot sa mga mata.
"How are you and Sam?"
Nagulat ang babae sa tanong ni James, "Anong kami ni Sam?"
"I thought you guys are together?" pag aalangang sagot ni James.
"We were never an item. We used to hang out before but it was never us"
Nagulat si James, all along akala niya inagaw ni Sam sa kanya si Rica. Isa ito sa rason kaya inis siya kay Sam noon.
"Sam is so nice, he was their for me noong pinaghihiwalay tayo ng lolo mo at during the times when you got married but it never came to a point na naging kami"
Tahimik lang na nakikinig si James sa dalaga ng maramdaman niyang may humawak sa mga bisig niya.
"I miss you James." wika ni Rica at tuluyan na itong yumakap sa kanya.
Nagulat si James sa tinuran ng babae pero ganoon paman tinugon naman niya ang mga yakap nito.
Ganoong tagpo ang nasilayan ni Devon mula sa terasa. May kung anong kirot siyang naramdaman sa nasaksihan.
"I'm sorry kung dinala ko siya dito" bigkas ni Sam mula sa kanyang likuran.
"She said she wanted to see you both and naisip ko kasi since okey na kayo ni James, it's time na rin siguro na mag karoon ng closure silang dalawa."
Humarap si Devon kay Sam "Okey lang Sam, I understand"
Rica is James ex-girlfriend, ang totoo wala silang closure. They've been friends since highschool at di naglaon naging espesyal ang pagtitinginan nilang dalawa hanggang sa they've become a couple. Noong una hindi nag react ang lolo ni James but ng dumating na sa college sila James ay doon na naki alam ang pamilya nila. Mayaman ang pamilya nila Rica pero di sapat kumpara sa yaman ng mga Montesclaros at dahil sa takot na bumagsak ang negosyo nila, mas pinili na lang ni Rica na sumunod sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hanggang sa ikinasal si James ay hindi na nila nagawang mag usap.
"Sigurado ka ba Devs?" paninigurado ni Sam
Pilit namang pina sigla ni Devon ang sarili. "Oo naman, no kaba"
"Huwag kang mag alalam, James loves you" ngumiti si Sam kay Devon habang ang huli naman isang matipid lang na ngiti.
Iniba nalang ni Sam ang pinag usapan nila para di mailang si Devon. Napapansin kasi nito na parang nababahala ito. Kahit papano naging masaya ang kwentuhan nilang dalawa at ang dalawa naman sa may pool ay masaya ring nag kwentuhan.
"Sigurado ba kayong ayaw niyong mag dinner dito?" tanong ni Devon sa dalawa habang inihahatid nila ni James sa pintuan
"No thank you, need to rest na kasi dumiretso kasi ako dito mula airport" sagot ni Rica
"I guess next time nalang?" pahabol ng babae
"Oo ba, sure" sagot ni Devon.
Si Sam at James naman ay tahimik lang.
"Let's go Sam?" yaya ni Rica
"Okey, bye Devs, James"
Tumango lang si James at kumaway si Devon.
Pag katapos ma wala sa paningin ang mga bisita at binalingan ni Devon si James
"kain na tayo" aya niya rito at sumunod naman si James pero nanatili itong tahimik.
Napansin iyon ni Devon dahil kahit hanggang sa pag kain nila ay tahimik lang ito. Parang wala ito sa sarili at halatang hindi nakikinig sa mga kwento niya.
Hindi pa nangangalahati ng pag kain si James ng bigla itong tumayo.
"Busog na ako, need to rest"
Nagulat si Devon sa sudden change ng mood ni James. Dahil ba ito kay Rica wika ni Devon sa sarili. Hindi na niya ito pinigilan at tinapos nalang niya ang pag kain.
Malalim na ang gabi pero di makatulog si Devon kaya nag pasya itong lumabas. Pupunta sana siya sa may pool pero nakita niya si James doon nakatayo habang may hinahawakan na isang box.
Kahit madilim, sapat na ang liwanag na dala ng mga bituin para makita ni Devon ang lungkot sa mga mata ni James. Gusto sana niya itong lapitan pero nagpasya nalang hayaan muna ang lalaki.
Pag gising ni Devon ay nag taka itong wala na si James, kakaalis lang daw ni James dala ang sarili nitong sasakyan. Tinanong niya ang mga kasambahay kung saan pero wala silang alam.
Tinawagan niya si James pero walang sumasagot.
Nasa loob ng kotse si James ng makitang nag ri-ring ang kanyang phone. Tiningnan lang niya ito hanggang sa di nagtagal ang nagpasyang patayin ang phone at tuluyan na siyang lumabas sa kotse.
"Hi, good morning" bati ni James kay Rica na halatang gulat ng makita ang binata ng binuksan ang gate.
"What are you doing here?" tanong ng dalaga pero di ito sinagot ni James.
"Wala, inviting myself in for breakfast?"
"Bakit poor na ba kayo para dito ka makikain?" birong tanong ni Rica "okey come in"
Samantala, nasa school na si Devon pero walang kahit anino ni James siyang nakita. Tinatawagan niya ito pero walang sumasagot. Nag aalala na siya rito, hindi ito pumasok at kahit mga kaibigan niya ay di alam kung saan.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Sam. Tinawagan niya si Sam para tanungin baka sakaling nasa office ito pero ito may wala ring alam.
"wala naman, hindi ko kasi nakita si James eh, maagang umalis at di nagpaalam."
"actually, after you called me up kanina tinawagan ko si Rica baka kasi alam niya."
Tiningnan ni Devon si Sam
"He's with Rica" pagdadalawang isip na bigkas ni Sam. Ayaw sana niyang sabihin kay Devon pero gusto niyang isipin na wala lang siguro ang pag punta ni James doon.
"Ganoon ba" naging mas matamlay si Devon sa narinig at sa buong araw na iyon nawalan siya ng gana. Kahit sa practice nila ay wala rin itong gana. Naiintindihan naman siya ni Sam kaya hindi siya nito iniwan at pilit siyang pinapasaya.
Nang dumating si James sa kanila ay hinanap niya si Devon, masaya siya sa boong araw na iyon at gusto niyang ibahagi iyon sa asawa, pero sabi ng katulong wala raw ito, doon daw muna ito sa pamilya niya matutulog. Saka lang naalala ni James na off pala ang phone niya. Nang buksan niya ito ay may ilang text na pala ito.

"james, dito muna ako kina mama. want to spend time with them at saka malapit na hatol ni papa i need to be with them. miss them so much kailang nila ako ngayon."

Gustohin mang sunduin ang asawa ay napagpasyahan niya lang sa huli na hayaan muna ito. Marahil miss na niya ng pamilya nito.

Fated to Love - Chapter 18

"Devon" tawag ni Ivan sa kanya.
 "May practice ka ba ngayon, invite sana kita kumain uli sa canteen" 
Madalas yayain ni Ivan si Devon kumain sa canteen at dahil wala naman ito sa dalaga kaya okey lang sa kanya. Minsan napapansin narin niya na iba ang pakikitungo sa kanya ng binata pero ayaw lagyan ng malisya ni Devon, afterall Ivan is such a gentleman and a good guy. 
"You look gorgeous today" 
"Hmp, bola ka na naman, libre mo uli ako ha"
Nasa canteen na sila ng makita ni Ivan sina James na papasok din.
 "Papakilala kita sa friend ko, di pa yata kayo nag me-meet eh"
Kumaway siya kina James at nakita ito ng huli. 
"You mean si James kaibigan mo?" nakangiting wika ni Devon. 
"You know him? Well, can't blame you his kind the famous here but his married"
"Yeah I know" makahulugang ngiti ni Devon.
"Hey baby" bati ni James at humalik siya rito.
Nagulat si Ivan. "You guys know each other?" tanong niya
"Yes, of course, she's my wife." Pagmamalaking sabi ni James. 
Parang natuka ng ahas si Ivan. For the past months na dumaan, nakakatuwang di man nag karoon ng time para ipakilala ng kaibigan ang asawa na sinasabi nito at bakit di man lang sumagi sa isip nia na Reid pala last name ni Devon.
 "Oh Ivan, ang tahimik mo yata?" tanong ni James sa kaibigan ng napansin niya ang pananahimik nito.
"Ah, nothing dude, nagulat lang ako. Anyway let's eat". Tiningnan ni Ivan ang kaibigan at napa iling iling siya sa sarili. Muntikan na talaga pero sayang naunahan na pala siya. Pero pwede namang maging mag kaibigan parin kami sa isip ni Ivan.
Pagkatapos nilang kumain ay nag sipag balikan na sila sa mga klase nila. Si Devon naman ay pumunta sa gym para mag rehearse ng production sa darating na foundation day.
Napangiti si Ivan ng maalala ang pangyayaring iyon habang nilalaro  ang bracelet ni Devon na di pa niya nagagawang isauli.


                                                                  ***


Nasa kwarto sila ni Devon at James, si James nag gigitara habang si Devon nanonood ng palabas sa tv.
"Baby, lets go out" biglang bigkas ni James. 
" Saan naman tayo?"tanong ni Devon habang naka hilatang nanonood ng tv.
"Bike tayo, di ko pa nalibot ang buong subdivision eh at pasyal narin tayo kay Ivan. Nakakabagot kasi dito"
"Nakakatamad naman"
"Sige na, halika na" pilit na anyaya ni James. Nilapag niya ang kanyang gitara sa kama at hinila si Devon. 
"Tinatamad ako eh" wika ni Devon. Pero mapilit parin si James. "Sige na nga, wala naman akong choice" Tumayo si Devon at inayos ang sarili. "Oh halika na?" 
Nasa pinto na si Devon pero si James hindi gumagalaw sa kinatatayuan ."You're wearing shorts" wika ni James na nakakunot ang noo.
"Bakit masama bah" pagtatakang tanong ni Devon.
"Changes it!" mando ni James. "Your wearing short shorts, I don't like it"
"Eh ganito naman ako lagi ah" 
"But not outside, don't want you to wear shorts when your outside. But kung hanggang tuhod okey lang"
"Ganun, may bawal na pala ngayon" padabog na pumunta sa may tokador si Devon
"ang arte naman nito" 
"Huwag ka nang mareklamo, bilisan mo, tawagan ko muna sa Ivan para malaman niya na pupunta tayo sa kanya"
Ayaw sana ni Devon mag bihis pero wala siyang nagawa, masaya rin siya na may taong concern sa kanya. Masarap pala sa feeling ang minsang may mag bawal sa iyo.
Napukaw ang pamumuni muni ni Ivan ng marinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan. Dumungaw siya mula sa terasa at nakita ang dalawang taong kanina'y nasa isip lang niya. 
Kumaway si James at Devon sa kaibigan. Dali dali namang bumaba si Ivan at kinuha ang bisikleta niya. 
Pawisan silang umupo sa may gilid ng kalye. "Napagod ako doon ah" wika ni James habang kinukuha ang inabot na tuwalya ni Devon.
"mag exercise ka kasi para di ka ganyan" bigkas naman ni Ivan na noo'y umiinom ng tubig na binili nila ng mapadaan sa isang tindahan.
Sumabat naman si Devon sa dalawa "oo nga, tamad kasi yan Van, kaya ayan."
 Napansin naman ni Devon na nahihirapan si James na punasan ang likod nito na puno ng pawis kaya kinuha niya ang maliit na tuwalya mula rito at siya na itong nagpunas. 
"Akin na nga yan"
Tiningnan lang sila ni Ivan habang asikasong asikaso naman ni Devon si James. "Ang sweet niyo naman, nang iinggit kayo eh"
"Sorry naman dude, maghanap ka na rin"
Tumawa ng malakas si Ivan "kung pwede nga lang ba na si  Devon, bakit hindi"
"Ano?" tanong ni James habang nakakunot ang noo.
"Itsura mo dude, joke lang"
"Tumigil nga kayong dalawa" saway ni Devon. "Hali na kayo, uwi na tayo pagod na ako eh"
Nasa unahan sila James at Devon magkahawak kamay habang sakay sa kani kanilang mga bisikleta. Sumunod  nalang si Ivan sa kanila.
"I wish I am the one holding your hand"


Inihatid muna nila si Ivan bako sila dumeritso pauwi sa kanila.
Nag uunahan silang pumasok sa bahay ng dumating sila at ng mag kahulihan ay nag kilitian naman. 
"Ehem, ehem" si Sam nasa bahay pala nila at may kasama itong babae.
Nagulat ang dalawang lumingon sa pinanggagalingan ng boses.

Thursday, February 3, 2011

Chapter 17 - Fated to Love

Nagising si James sa sinag ng araw na humahalik sa kanyang pisngi, kinapa niya ang kanyang tabi ngunit wala ang taong gusto niyang masilayan sa umagang iyon. Lumabas siya at nakita niya sa kusina ang babaeng hinahanap na abalang abala sa pagluluto. Lihim niyang pinagmamasdan si Devon na noon ginawang pananggalang ang takip ng kawali upang di matalsikan ng mantika. Nakakatuwa ang itsura nito na animo'y nakikipag-away sa niluluto.

"Ouch" sigaw ni Devon ng matalsikan ng mantika. Dali dali naman dinaluhan ni James at kinuha ang braso nito. Matapos pinadausan ng tubig ay nilagyan niya ito ng ointment.
"Mag ingat ka kasi sa susunod" galit na pagkabigkas ni James pero halatang may pag aalala sa mukha.
"Tsuri, di ko naman sinadya yun no" paliwanag ni Devon na parang bata dahil nagpout ang lips nito at nag puppy eyes pa. Ngumiti nalang si James sa tinuran ng dalaga, he gave her a quick kiss on the lips at siya na ang nagpatuloy nag pagluluto habang inayos nalang ni Devon ang hapag kainan. 
Inaya ni James si Devon na maglakad lakad sa tabing dagat dahil umaga pa naman at di pa masyadong mainit. Magkahawak kamay silang naglalakad at matapos ang ilang minutong katahimikan
"I hope we could this be forever Devon" sabi ni James na siyang ikinangiti naman ng dalaga. 
"Can I call you baby?" nahihiyang tanong ni James habang kinakamot ang ulo niya. 
"Ang gwapo mo talaga" ang tanging nasagot ni Devon na sa pagkakataong iyon ay siya naman ikinapula ng mukha ni James. "Call me whatever you may"
Biglang kinarga ni James si Devon at inikot ikot . 
"Ano ba ibaba mo ako.. ahhhhhhhhhhhhhh" sigaw niya pero nakatawa naman ito at ganoon din si James. 
Ng ibinaba na si Devon matulin naman itong tumakbo pagkatapos ay hinabol naman siya ni James. 

Anong ligaya ang nadarama,
Pag ika'y kasama na puso ko'y walang pangamba
Pangako ko, pag-ibig ko'y iyong iyo
Saan man makarating, ikaw lang ang mamahalin

Parang mga batang paslit na naghabulan sila sa dalampasigan. Nagbabasaan din sila at kung naaabutan naman ni James si Devon kiniliti niya ito o di kaya kinakarga. 

"Jameeeeeeeeeeeeeesssss, ano ba stop in!" sigaw ni Devon dahil basang basa na siya. Tumigil naman ang binata at lumapit ito sa kanya. Bigla niya itong binuhat at dinala sa may malalim na bahagi. Di matigil sa kakasigaw si Devon habang kapit na kapit kay James. Natatakot siya dahil di siya marunong lumangoy.
"Baby, open your eyes. Don't worry I'm here."
Dahil sa sinabi ni James unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nakalubog hanggang balikat ang kanyang katawan sa tubig. "Loko ka 'wag mo ako bibitawan."
"No, I won't leave you and I won't let you go"

Habambuhay, ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lang walang iba
Pangako ko ito, habambuhay

Tinitingnan ni Devon ang mga tala sa langit, naging masaya ang buong maghapon nila. Hindi siya makapaniwalang pwede palang maging ganito kasaya. Isa nalang ang kulang ang makalabas ang papa niya at maging boo uli sila. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Devon. 
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" yumakap si James sa kanya mula sa likod.
"Hindi naman, masaya lang ako"
"Me too" bigkas ni James na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Look! May falling star, wish tayo dali" pinikit ni Devon ang kanyang mga mata at matiim na nag wish habang si James naman ang tiningnan lang siya. 
"Ay ang daya mo, hindi ka nag wish" parang batang bigkas niya.
"Eh ikaw ano ba winish mo?" tanong ni James.
"Wish ko sana makalaya na si Papa at wish ko rin na sana" parang nag isip pa ito
 "hmmm...... secret na lang" biglang nahiya si Devon na sabihin ang isa pa niyan wish.
"Oh come on, bakit may secret? Sige na tell me?" pangungulit ni James habang di parin tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya.
"Ay nako 'wag kang makulit, ikaw nga 'tong hindi na wish"
"I already have my wish" makahulugang wika ni James habang mataman na nakatitig kay Devon. Biglang pinamulahan ito.
"Why are you so beautiful when you blush" saad nito na mas lalo pa tuloy ikinainit ng mukha ni Devon.

Pangako ko'y, pag-ibig koy iyong iyo
Saan man makarating, ikaw lang ang mamahalin

Kinuha niya ang kamay ni Devon at at hinawakan ito. Nakatagpo ang kanilang ring fingers at dinukot ni James ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.  Kinunan niya ito ng larawan at ginawa itong primary. "Isn't cute?"
"Ano ba yan ginawa mo pang primary" 
"Eh sa gusto ko eh" 
"Alam mo, sobrang ganda ng lugar. Payapa at tahimik. Parang walang gulo, sana pag dating ng panahon makayanan ko ring bumili ng isla. " wika ni Devon. 
"When you have an island, what will you name it?"
"Di ko pa alam, pag iisipan ko pa"
At may nabuong plano si James sa isip niya.
"I fell in love with the place, sooo love it" wika ni Devon.
"Yeah and it becomes more lovelier that you're here" hinawai ni James ang iilang hibla ng buhok sa mukha niya.

I love you" mahinang bigkas ni James pero sapat para marinig iyon ni Devon paro tama ba narinig niya o nananaginip lang siya. Kumawala siya sa pagkakayakap nito at hinarap ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

"I said I love you" inulit uli ni James ang sinabi nito kanina to assure Devon na tama ang narinig nito. 
"So?" tanong ni James ng walang salita na lumabas sa bibig nito. James snap his fingers para matauhan ang natulalang babae sa harap niya.

Ngumiti si Devon "Naks, hindi ko 'to inaasahan ah." Sobrang happy siya sa narinig mula sa binatang tinatangi. "Hindi ako naka pag prepare". Para siyang mauubusan ng hangin. 

Bago paman nag ka problema ang pamilya niya sa Cebu nasa Maynila na siya noon dahil doon siya pinag aral ng kanyang tunay na ina. Dahil natural na pala kaibigan madali naman siyang naka pag adjust. Madalas niyang nakikita noon si James sa university, pinagkakaguluhan at pinapantasyahan ng karamihan. May lihim siyang pagtingin dito pero hindi na lumabong dahil mas natoon ang pansin niya sa mga problemang dumating sa buhay niya. Laking gulat na lang niya na ikinakasal na pala siya dito at ngayon sinabi pang mahal siya nito.
"Ah Devon, are you not going to say anything?" pukaw ni James sa kanya na tila naghihintay ng tugon mula sa kanya.

Habambuhay, ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lang walang iba
Pangako ko ito, habambuhay

"I love you too" the three letter word finally came out from her mouth. Mahal din niya ang asawa niya. 
"I know" pabirong saad ni James sabay kindat sa kanya.
"ang yabang" 
At tumawa silang dalawa. Hindi matawaran ang kaligayahang nadarama nila.
"Forever"

Mawalay man sa piling ko, di magaalala,
Pagka't pangako mo tayo habambuhay
Habambuhay, ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lang walang iba
Pangako ko ito... habambuhay


Friday, January 28, 2011

Chapter 16 - Fated to Love

“James pare kumusta ang bakasyon” tanong ni Ivan ng makita si James. Balik eskwela na sila at may ilang subject na magkaklase ang dalawa.
“Okey lang ang saya. Sayang sana sumama ka.”
“Next time James, you know naman I went back to States at saka I’ll drop by na lang din sa bahay mo total iisang place lang naman tayo nakatira.”
Childhood friend sina Ivan at James at kahit nag migrate na sila Ivan sa States naging close parin ang dalawa. Lately, Ivan decided to go back para sa Pilipinas ipagpatuloy ang pag aaral at para matutunang mamuhay mag-isa.
“So how have you been coping up so far? tanong ni James
"Oh great, okey naman madali namang pakisamahan mga tao dito and theirs this girl I met"
"Aba iba ka 'tol my girl agad" sabat ni Jam na noo'y nandoon din kasama si Kyle at Micah
"No I met her before last sem noong nag pa enroll ako, suprisingly we leave lang pala sa isang subdivision, maybe James, you know her"
"I don't know much of our neighbors" 
"Ah well, good thing classmates din kami, I like her" diretsong wika ni Ivan.
"Mukhang may tama ka sa girl na 'to ah" tapik ni Micah sa balikat ni Ivan na nooy para namang nag d-day dreaming. Natawa naman si James sa kaibigan.
                                                  ***
"Hi Devs" bati ni Sam ng pumasok ito sa tambayan ng talents guild. Ang talents guild ay isang grupo ng mag-aarral kung saan  binuboo ng mga talentadong estudyante sa University at isa nga si Devon doon kasama ang mga barkada niya.
"Sam" excited na bati ni Devon. "Buti naman at nakapunta ka."
"Matatanggihan ba naman kita?" Sagot ni Sam na may kalakip na paghawak sa baba ng dalaga.
Pinakilala ni Devon si Sam sa mga kasama niya. Madali namang nakagaanan agad ng loob ni Sam ang mga kasapi ng guild. 
Namangha ang lahat ng sumayaw at kumanta si Sam. Who would have thought that he is such a performer. Halos malaglag naman ang panga ni Devon, alam niyang magaling kumanta si Sam pero she never thought na super galing pala nito lalo na sa pagsasayaw. He's such a pro.
"Bravo, wow naman Sam idol na kita, ang galing mo" puri ni Devon. Sumabat naman si Lyn sa dalawa "naku mukhang may partner kana Devs sa hatawan ah."
"Ay naku Sam, wait 'till you see Devon"
"Tumigil nga kayo" saway ni Devon sa mga kaibigan.
"Well, actually I'm looking forward to that Devs" 
"Okey, kayo na ang partner sa Foundation day natin wala ng aangal, ililista ko na kayo" excited na bigkas ni Emman, siya kasi itong President ng guild. Nagkaroon sila ng meeting sa hapon na iyon para sa gagawing Foundation day at sila nga ni Sam ang partner sa gagawing lyrical dance at may duet din silang dalawa maliban pa sa ilang prod nila na kasama ang iba.
Papalabas na sila ng silid ng makita ni Devon si James sa labas na hinihintay siya. "Oh ano ginagawa mo dito?" 


"Sinusundo ka ano pa ba?" nakangiting bigkas ni James na nakapamulsang nakahilig sa may haligi, habang si Devon naman ay di maalis ang ngiti sa mga labi "Hayyy, bakit ba ang guwapo mo" sa isip niya. 
"Huwag mo akong titigan alam kong gwapo ako." Para namang nababasi ni James ang laman ng isip ni Devon.
"Ang kapal mo ha"
Nag kukulitan sila ng lumapit si Sam"James, andito ka pala?"
"Yeah, sinusundo ko asawa ko" sagot ni James na diniinan ang huling kataga.
Kinuha ni James ang kamay ni Devon habang si Sam ay nakatingin sa kanila na may lungkot sa mga mata. "She's suppose to be mine James" wika ni Sam sa sarili na parang may pagsisi.
                                                            ***
"Saan ba tayo pupunta" tanong ni Devon habang nilalantakan ang pagkain. Nasa restuarant sila naghapunan dahil inabot na sila ng gabi.
" We're going to Pangasinan" nakangiting sagot ni James "Ha, bakit di mo sinabi agad, wala akong damit."
"Pina ayos ko na ang gamit mo kanina kaya 'wag kana mag alala." Napalitan ng excitement ang mukha ni Devon.
  
Nasa Governors Island sila pumunta ang isa sa sa well-developed island. Hindi makapaniwala si Devon na solo nila ang tanyag na Big Brother house na nakatirik sa isla. "Wala bang mga camera dito?" Birong tanong niya habang iginiya ang mga mata sa buong paligid habang si James ang busy sa pag asikaso ng kanilang dalang gamit. Bigla nalang naramdaman ni James ang mga kamay ni Devon sa kanyang beywang. "Salamat ha." Natawa si James sa inasal ng dalaga pero nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa kaibuturan niya. 


"Halika sa labas muna tayo" inaya ni James palabas si Devon. Naka upo sila sa malaking bato na naroon.
"James pwede mag tanong?" 
"What is it?"
"Uhmm, bakit hindi ka tumutol sa kasal natin?" seryosong tanong ni Devon. Ngayon lang siya nag kalakas loob na tanungin ang binata pero feeling niya mali ang pagtatanong niya dahil hindi man lang kumibo ang binata. Bumuntong hininga si James. 
"I don't know, it's true that I don't want to get married but I don't have the guts to say no also." 


"Alam mo, alam ko na hindi ako tunay na anak nila Mama at Papa pero para sa akin sila ang mga magulang ko. When mommy came at nagpakilala sa akin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko until she told me everything kung bakit kailangan niya akong ipa ampon noon." 
Nakita ni James ang lungkot sa mga mata ni Devon kaya lumapit siya rito. 
"Sayang at kulang ang panahon namin para makilala ang isa't isa, huli na dahil mamatay na pala siya." Parang iiyak na siya pero pinipigilan niya at naramdaman yun ni James kaya kinabig niya ito. 


" When lolo told me that I should marry the heir of Montecillo Holdings, para akong mababaliw, ang masama I know lolo is serious about it. Masyado niyang mahal ang companya." Nagsimula na ring mag open up si James. 
"Pero hindi mo naman kailangan diba kasi mayaman na kayo hindi naman kawalan sa inyo kung  hindi mapapa sainyo ang kompanya nila mommy."
"Nope, matagal ng gusto ni lolo mapa sa kanya ang kompanya niyo kung bakit di ko alam at isa pa your mom owns 25% ng share ng company namin.  Isa sa rason kung bakit gusto ni Lolo na makasal tayo para hindi mawala ang chairmanship niya at mawala sa pamilya namin ang pamumuno sa Montesclaros Empire. Swerte mo rin dahil maliban sa mayaman ang totoo mong pamilya, gusto ka rin ni Lolo. Hindi ko pa siya nakita na tumawa talaga maliban lang kung ikaw ang kasama niya." Ngumiti ng pagak si James habang inihagis ang maliit na bato sa dagat.
"Ikaw bakit ka pumayag sa kasunduan?"
"Dahil sa kaso ni Papa. Lahat ng meron kami nawala sa amin. Parang mababaliw na si mama noon kung ano ang gagawin dahil kahit piso walang wala kami. Saka dumating si Mommy and the rest is history." Ayaw ng dagdagan pa ni Devon ang sasabihin dahil masyado ng mahaba pa para ungkatin ang nakaraan. 
"Pareho lang tayo naiipit but you know may mabuti din namang nangyari dahil sa kasal natin" Hinawakan ni James ang kamay ni Devon pero di niya ito tinitingnan. "I have you"
Parang hihihili sa kilig si Devon ng marinig niya ang tatlong katagang iyon. Tama si James, siya may masaya rin. Lumalim na ang gabi kaya nag pasya na silang pumasok sa loob at matulog. 
Hindi parin makatulog si James, hinahaplos niya ang mukha ni Devon na nooy natutulog sa kanyang braso habang si Devon naman ay nakayakap sa kanya. Napakagaan ng loob niya, he never felt like this before. Gusto niya ang ganitong pakiramdam, felt strange and it's magical. Naramdaman niyang mas sumiksik pa si Devon sa kanya kaya he hug her tightly, pero kita parin niya ang mukha ni Devon. Suddenly, James feel the urge to kiss Devon, sobrang lapit na kasi ng mga mukha nila. Without hesitation, he kiss her and to his surprise Devon answered back and they both shared a kiss passionately.