Tatlong araw na ang nakalipas pero d man lang nagawang tawagan siya ng binata. Nagtatampo na si Devon , dahil walang oras na di niya naiisip si James. Pero si James ba naiisip siya? Madalas niyang tanong sa sarili sa mga nakalipas na araw. Napaisip siya kung ganoon ba kadali nagbago ang nararamdaman ni James para sa kanya ng makita si Rica. Pero baka busy lang ito, 2days na rin kasi itong absent kaya di rin niya ito nakikita sa school. Baka nasa office lang at tinutulungan ang abuelo pero dati namang niyang ginagawa iyon at sa mga panahong iyon ay di man lang nalimutan ng binata na tawagan siya, pero bakit ngayon? Devon don't want to entertain the thought pero di niya maiwasan.
Sinubukan niya itong tawagan pero off ang phone kaya nag text nalang siya para kumustahin at ipaalam na last hearing na ng papa niya sa sa makalawa. Inaasahan niyang makaupunta si James. She really wanted to see him so badly. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Devon ng maramdaman niyang siniko siya ni Eslove. Kanina pa pala siya tinatawag ng kanyang guro. Nasa labas kasi siya nakatingin at malalim ang iniisip kaya di niya narinig ang kanyang professor sa letirature na tinatawag pala siya.
"Mrs. Devon May Seron Reid" kompletong tawag ng professor sa kanya.
"I've been calling you many times but seems your preoccupied with many things, is their something wrong?" tanong guro
"I'm sorry maam, what is the question again"
Inismiran lang siya ng guro at tinanong uli siya, buti nalang alam niya ang sagot kundi tuluyan na siyang mapapahiya.
Natapos na ang kanilang klase pero hindi masyadong nakapag concentrate si Devon . Nag aalala siya kay James dahil wala siyang balita mula rito.
Napag pasyahan niyang tumawag sa opisina baka sakaling nandoon ito at pinapunta ng abuelo. Pero hindi raw ito nagagawi roon, tinanong siya ni Marisa kung bakit di niya alam gayong sila naman ang magkasama. Nagdahilan nalang siya na para di makahalata ang babae, madaldal pa naman ito baka malaman pa ng lolo ni James mahirap na.
Tinawagan uli niya si James pero ring lang ring ang phone nito.
"grrrrrr" gusto ng itapon ni Devon ang kanyang cellphone sa tindi ng inis.
"kung itatapon mo yan, siguruhin mong dito yan babagsak, o di kaya i abot mo na lang sa akin" pabirong wika ni Ino.
"Ano bang problema Devon ?" tanong ni Emman
"wala naman" pag tanggi niya sa mga kaibigan pero ang totoo pinipigilan niyang umiyak dahil sa inis.
"O ano pang tinutunganga natin dito, alis a tayo at kailangan na kaya natin bumili ng gamit para sa presentation natin. Next week na ang foundation day" wika ni Heidi sa kanila. Hindi na sumama ang mga kaibigang lalaki kaya naging girls bonding nila ito.
Inalis muna sa isipan ni Devon ang alalahanin at ipinasyang mag enjoy sa pamimili sa mall. Matagal narin niyang di nakakasama ang mga kaibigan sa mga lakarang ganito, last bonding nila was when they were ni Bali. Sa mga nakaraang buwan kasi si James parati ang naging sentro ng buhay niya.
"Is it James?" tanong ni Lyn "Devon?" tawag niya kay Devon habang nasa dressing room ito.
"Who's with him?" takang tanong ni Heidi ng lumapit ito kay Lyn. "Who's that girl?"
"Guys okey ba 'tong damit ko? How do I look?" tanong ni Devon ng lumabas siya sa dressing room. Walang tugon na narinig mula sa kaibigan at nakita niyang may tinitingnan ito.
"Hoy, sabi ko.." napatigil si Devon sa sana'y sasabihin niya ng makita si James at Rica. Namimili ng damit si Rica at mukhang masaya sila ni James dahil nag tatawanan ito.
Inakbayan siya ni Emman "just as I thought so, I smell problem"
"Nasa'n na ang pangako mo noong sinusuyo ako, anong tamis anong lambing binibigkas ng labi mo" mahigpit ang hawak ng mikrupuno ni Devon. After ng masaksihan nila kanina ay agad na hinila niya ang mga kaibigan na umalis doon. Nag madali lang siyang palitan ang damit niya. Nasa isang sosyal na lounge sila.
"Ngunit bakit nagbago ka, nagbago ang damdamin mo" ibinuhos niya sa kanta ang nararamdaman. Para kasing angkop ang kanta sa sitwasyon niya ngayon.
"Ano ba yan ateng, alam kung masama ang loob mo pero naman ibang level ang kanta mo. Di ko carry. Buhay na ba tayo niyan?" sambit ni Heidi habang kinukuha ang microphone sa kanya. "Pwede kumain ka muna?"
"Is he cheating on you?" prangkang tanong ni Lyn na agad naman siyang siniko ni Hiedi. "Ano ba, buti na yung diretsong tanong no?"
"It was Rica, yung na ekwento ko sa inyong ex niya"
"So that was her. So why is she here?"
"Baka naman nag over react ka lang o tayo nag over react sa nakita natin. Maybe they're just going out for good time sake." Saad ni Emman na kanina pa tahimik at parang ina analyze ang nangyayari sa kaibigan.
"Hello, diba Devs, simula noong pumunta ang Ricang yan sa bahay niyo ay naging tahimik si James. Umalis ng di nag paalam, tiwagan mo? di sumagot. 2 days ng wala sa school at di man lang magawang tawagan ka. Kumusta naman yun aber?" mahabang litanya ni Heidi. "Ito pa ha, di naman lingid sa atin ang story niyo diba? At ngayon magkasama pa sila at mukhang masaya."
"Tumigil ka nga Heidi, if I know hurt karin dahil nakita mo si Micah na may kasama ring iba. Aminin mo?" Dinilatan ni Emman ang kaibigan. Nandoon din kasi sina Kyle, Micah at Jam na may kasama ding mga babae.
"Pwede ba hindi ako ang may problema dito."
Agad nilang binalingan si Devon na nanatiling tahimik lang. Naging tahimik din silang apat. Walang nag salita. Maya-maya ay nag aya na si Devon na umuwi na.
"Devon, sis galing dito si James, kaso umalis agad eh" salubong ni Fretzie sa kanya.
Hindi niya alam kung matutuwa siya ng malamang pumunta si James. "Bakit daw?"
"Ha? Anong bakit di ka ba niya tinawagan?" Nagtataka si Fretzie. "Teka nga muna may problema ba kayo?"
"Wala, nalowbat kasi ako eh." at talaga namang na lowbat siya kaya di niya alam na kanina pa siya tinatawagan ni James.
"Ganoon ba? Nagmamadali yata siya eh at mukhang bihis na bihis."
"Sige sis, pagod ako eh, matutulog na ako." Devon cut the conversation short. Ayaw niyang maging matagal makipag usap sa kapatid baka masabi pa niya ang saloobin. Ayaw pa naman niyang mag alala ito.
"Where could he be going?"
Well ayaw niyan isipin kung saan
Papasok na si James sa malaking bulwagan ng sinalubong siya ni Rica. Agad nag beso ang dalawa. "O where's Devon?" Agad tanong ng dalaga ng mapansing walang kasama si James. It's Rica's get together party parang reunion lang ng highschool batch nila.
Sinabi naman nito ang reason bakit wala ang asawa. Oh, how he wanted Devon to be with him para ipakilala sa mga kaklaseng nandoon.
aww. important pa rin si Devon..
ReplyDeletehmp. mejo nawala inis ko kay James. haha