"Cheer up bro" tinapik ni Kyle si James
"How can I be happy when I'm no longer with her" bigkas ni James habang nakatingin sa isang babae na masayang na kikipag kwentuhan sa mga tao.
"James, you made a choice and so was she" sabi naman ni Micah ang isa pa nitong kaibigan.
"Right, I have to face it and deal with it" ang naging sagot ni James sa mga kaibigan.
Siya si Roberto Jaime Monteclaros Reid o mas gusto siyang tawaging Robert James. Apo ng kilalang business tycoon at isa sa pinakamayaman sa Asia. Siya ang nag iisang tagapag mana ng Monteclaros Empire.
Pagod na pagod si Devon pag katapos ng kasal, ikaw ba naman kasi makipag chikahan sa mga taong di man lang nito kilala. Beso dito, tawa doon, picture taking at kung ano-ano pa. Pero di nakaligtas sa paningin niya ang napaka gandang mansion na bumungad sa kanya. “oh my god, dito ako titira?” manghang sambit sa sarili. Nakatayo parin si Devon sa labas ng bahay na manghang mangha sa nakikita habang ang asawa nito ay hindi man lang siya pinansin at pumasok na sa bahay.
“Senyorita, pasok napo kayo kanina pa po nasa loob si senyorito”
“Ha?” lumingon lingon si Devon “Ang mokong na yon, iniwan ako. Sige po kuya” Patakbong pumasok si Devon sa bahay.
“Senyorita ito po ang magiging kwarto niyo, andyan napo ang lahat niyong gamit” pagpapaliwanag ng Mayordoma sa kanya habang nililibot niya ang kabuu-an ng kanyang silid. “Hala, parang buong bahay na naming to ah” “ang laki”. Para siyang batang aliw na aliw sa nakikita.
“ah.. si ano po saan matutulog?” tanong niya sa katulong.
“Sa kabilang kwarto po si Senyorito” sagot ng katulong.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa nalamang hindi pala niya kasama sa iisang kwarto ang asawa.
“Sa nga pala seniorita, sila ang magiging katulong niyo. Si Stephanie at Lourdes”
“ay nako hindi napo, bakit pa ako kailangan ng katulong eh kaya ko po sarili ko.”
“utos ho yan ng seƱor”
Parang naasiwa si Devon na magkakaroon siya ng katulong. Sa tingin niya mas matanda lang siya ng tatlo o dalawang taon sa mga ito. Pero wala siyang magawa kasama na ito sa magiging buhay niya. Hindi pa naman siya sanay na pinag sisilbihan.
***************************
Hindi mapakali si Devon sa soot niyang hills. Tumatakbo siyang papalabas ng bahay “naku maiiwan na ako”.
“Seniorita, kanina pa po kayo hinihintay ni seniorito” pag alalay sa kanya ng kanyang personal bodyguard.
Agad pumasok si Devon sa sasakyan, “good morning” bati niya sa binata pero hindi siya nito pinansin. “Hmm ang taray ng lolo”
Habang nasa sasakyan ay iniisa isa ng sekretaryang si Marisa ang schedule nila sa buong lingo.
“May lunch ho kayo kay Mr. Tan mamaya pagkatapos po ng art exhibit. Tapos po, may interview at pictorial kayo ng 2 o’clock sa lifestyle magazine. Bukas po Maam Devon after ng klase niyo pupunta po kayo sa bank para mag open ng account niyo. Susunod na lang ho kayo kay Sir sa club para sa unang klase niyo ng pangangabayo. In Wednesday night you will be attending a gala …..” at mahaba pang lintanya ni Marisa.
"Haayyy.." Ang naging tugon na lang ni Devon sa sarili.
Lingid sa kaalaman niya lihim siyang painagmamasdan ng asawa na nasa tabi lang niya.