Pages

About Me

Monday, November 22, 2010

Fated to Love

Chapter 01

Do you Devon take...
to be your .....husband?
love ... behold...

Hindi halos marinig at maintindihan ni Devon ang sinasabi ng pari. Para siyang nabibingi at parang may malakas na ugong siyang naririnig. Gusto niyang umatras sa kasalang ito pero paano ang mga magulang niya. Para sa kanya gagawin niya lahat para lang sa kinagisnang magulang at sa pamilyang pinapahalagahan.

"kung hindi lang kailangan" bulong niya sa sarili. "Infairness ang gwapo ng mokong na to".

Nag hihintay na ng sagot ang pari pero wala paring maitugon si Devon.

"Say no" bulong ni James sa sarili "say no please".

Muli nagtanong ang pari at ang mga tao ay nagsimula ng magtaka.
"Bahala na, this is for the best" nagpapakatatag na sabi ni Devon sa sarili habang pilit tinatago ang namumuong luha sa mata.

"Yes father"

Parang nabunutan ng tinik ang mga taong nandoon sa kasal.
Habang may isang taong pilit umaasa na baka magbago ang isip ni Devon. Pero siguro ito na talaga ang tadhana nilang dalawa. Bakit kasi wala siyang lakas na ipaglaban ang gusto niya.
Natapos na ang kasal, pilit ngumiti si Devon sa mga tao. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na tama ang ginawa niya.
Siya si Devon May Berseron, 18 years old. Bata pa kung totoosin para magpakasal pero kailangan niya itong gawin para sa mga magulang. Malaki ang utang na loob niya dito na kahit hindi siya tunay na anak ay minahal at inaruga parin siya. Inampon siya ng mag-asawang Berseron sa pag aakalang hindi na ito magkakaanak pa. Hindi  kilala ni Devon ang tunay na mga magulang nito dahil mula ng isilang siya ay agad siyang kinuha ng mag asawa.Ang alam lang niya isa itong batang dalagang ina. Lingid sa kaalaman niya lihim siyang pinasusubaybayan ng kanyang tunay na ina.
Kaya ito siya ngayon kasal sa isang taong hindi niya lubos na kilala dahil pinagkasundo siya nito bago ito namatay.

Lumapit si Fretzie sa kanya na umiiyak. "hindi ko alam kung mag ko congratulate ba ako o condolence sa iyo".

"Ano kaba sis, okey lang ako".

"Nag aalala lang ako sa magiging buhay mo, hindi ka naman kasi dapat nag pakasal eh"

"I made my desicision at isa na ako ngayong Mrs..." naputol ang pag uusap nila ni Fretzie ng lumapit dito si Bret na para ring naiiyak. Feeling hopeless si Bret dahil siya itong lalaki sa pamilya pero wala siyang magawa.

"Ano ba, wag niyo nga akong dramahan ng ganito" at nag yakapan ang tatlo. Habang si James ay nakatingin lang sa kanila na pilit din nagpapakita ng kakatagan sa sinapit.

"Basta pag sinaktan ka ng lalaking yan, makakatikim talaga yan sa akin. Alam mo namang ikaw ang bestfriend sister ko diba" sabi uli ni Fretzie habang umiiyak.

Si Fretzie ang nag iisang anak ng mag asawang Berseron. Una nilang inampon si Devon dahil akala nila hindi na sila magkakaanak pa pero pag kalipas ng ilang buwan ay nabuntis ang ginang at yun nga ay naging si Fritzie. Isang taon lang ang tanda ni Devon kay Fretzie at naging malapit sa isa't isa ang dalawa. Bestfriend-Sister ang turingan nila.

Si Bret naman ay isa ring ampon ng mag-asawa. Nakita nila itong palaboy laboy sa kalsada na umiiyak. May dala itong bag kung saan may damit sa loob at  birth certificate. Ineport ng mag asawa sa pulis at ganoon din sa DSWD ang tungkol kay Bret pero lumipas na lang ang ilang buwan at wala parin itong makuhang lead kaya nag desisyon ang mag asawa na ampunin nalang ito. Hindi na nila pinalitan ng pangalan si Bret kaya siya lang ang may ibang apelyedo.

Naidaos ang reception ng maayos. Ang kasal ay naging napaka inggrande. Maraming reporter, mga malalaking personalidad sa politika, entertainment at iba pa. Sa hindi nakaka alam ng totoo akala mo masaya ang bagong kasal pero doon sa mga taong alam ang nangyari, nararamdaman nila ang bigat ng damdamin na dinadala ng dalawang taong parang pinag sakluban ng langit.

No comments:

Post a Comment