Nagulat si Devon ng madatnang may cake sa mesa. Break time nila ng magkakaibigan kaya tumambay muna sila sa canteen. Pero mas lalo niyang ikinagulat ng mag chorus ang mga kaibigan ng batiin siya ng
“Happy monthsary”
Humalakhak naman siya ng tawa dahil hindi niya inaasahan ng babatiin siya ng mga kaibigan. Ni siya nga hindi niya naalala at malamang pati asawa niya ganun din.
“Don’t tell me nakalimutan mo na isang buwan kanang kasal?” Tanong ni Heidi sa kanya habang ini islice ang cake. “Wala bang celebration sa inyo? Diba ang mayayaman nag si celebrate ng mga ganitong okasyon tapos dinner sa mga five star hotel?”
“Naku, hindi uso sa amin yun.” Sagot ni Devon habang nilalantakan ang chocolate cake. “Alam niyo naman yung story diba.?”
“Pero seriously Devs, hindi ba kayo nag kikibuan ni James? Kasi dito hindi kayo nag uusap, tapos parang hindi kayo magkakilala. Ano ba naman yan.”
“Eh mukha kasi siyang masungit eh. Nag-uusap lang kami pag kailangan. Pag nasa bahay nakakulong naman yan parati sa room niya at minsan nagtatrabaho siya sa kompanya ng lolo niya. So hindi kami nagkakasalubong niyan. Pag kumakain kami hindi rin kami nagkikibuan.” Mahabang paliwanag niya sa mga kaibigan.
Hindi naman nakatiis si Emman na magsalita na rin . “So asan na yung friendly and lively na kaibigan namin? Alam kung hindi madali sa iyo ang lahat pero why don’t you try na ikaw ang unang pumansin sa kanya, malay mo maging friends kayo afterall you’ll be spending a lifetime together pwera nalang kung maisipan niyong ipa annul ang kasal niyo which I believe na hindi mangyayari hanggat buhay ang lolo ni James.”
Lumapit naman si Lyn sa kanya. “Tama, kaya yan ang magiging misyon mo ngayong sem-break natin ang maging malapit kay sungit pero super gwapong si James. Huwag mo muna masyadong alalahanin ang papa mo si daddy na ang bahala doon.”
“Go Devon we’ll support you.” Panunudyo ni Heidi at Emman at sabay na nagtawanan.
“Ay ewan ko sa inyo. May problema pa kaya ako no hangga’t hindi naaayos ang kaso ni papa wala akong panahon makipag kaibigan sa mokong na iyon. Baka mapahiya pa ako. Super galit kaya yan sa akin dahil hindi ako umurong sa kasal naming eh sa anong magagawa ko kesa makulong ang papa ko habang buhay.”
Habang nagsasalita si Devon ay bigla naman lumapit si Joe at nilagyan ng icing ang mukha niya. “Ah Joeee… Nakakainis ka!” singhal niya sa kaibigan. Pero hindi lang siya ang nilagyan ng icing ni Joe kundi pati narin ang iba. “Masyado kayong serious”
Imbis na mainis hinablot nalang ni Devon ang icing kay Joe at inihagis ito sa mukha niya. Nagtawanan silang lahat pero si Joe hinabol sila at tuluyan na silang naghahabulan sa loob ng canteen.
Hinihingal si Devon sa kakatakbo kaya tumigil muna ito. “Loko-loko talaga ang lalaking yun.” Pinapahiran niya ng tissue ang icing na nasa mukha at buhok niya. Narinig niya ang boses ni Joe kaya agad naman siyang tumakbo uli para magtago pero nabundol niya ang isang lalaki.
“Sorry” sabay nilang bigkas sa isa’t isa.
Nagkatinginan silanng dalawa ng lalaki at magsasalita pa sana siya ng marinig na naman ang boses ng mga kaibigan. Kaya tumakbo uli siya hindi niya namalayang nahulog pala ang bracelet niya.
Agad namang napansin ito ng binata kaya pinulot niya ito. Pero hindi na niya maaninag ang direksyong tinakbo ng dalaga. Tiningnan nalang niya ang bracelet at nakita niya ang pangalang naka ukit dito.
“Ivan” bumaling ang tingin ni Ivan ng mabusisan ang ang taong tumawag sa kanya.
nabitin aketch next pls,.,.,.,. cno kaya yung lalake
ReplyDeletenahu-hurt talaga ako sa situation nila devon & james... agree ako sa suggestion nila emman... para atleast they can be friends (& eventually lovers!! hahaha)
ReplyDeleteexcited much ako sa mga twist... sa pagdating ni sam & ivan.. pano kaya mababago ng mga taong to ang buhay nila???
so looking forward to the next chapters....
HAPPY NEW YEAR!!
@ bianca: kaway2! lagi tayong nagkikita sa mga FF sites... tayo na ang certified FF adik!! hahaha... happy new year din syo ;)
si pat na lang ang kulang..
ReplyDeletekumpleto na ang lalaki sa buhay ni devon, ai mali! barkada ni devon pala :P
HAPPY NEW YEAR!! :)
-- iwantkimchi
next na sana....
ReplyDeletekakabitin eh...