Chapter 04 –
“Mama” “Papa” tumatakbong umiiyak si Devon patungo sa mga magulang. “Kumusta po kayo? Sorry at ngayon lang po ako naka punta? Yakap niya ang kanyang ina.
“Anak kumusta ka naman doon sa mansyon? Yung asawa mo hindi ka ba sinasaktan?” Tanong ng ina habang hinahaplos ang kamay niya.
“waa..mama, papa..” bumulahaw ng iyak si Devon na naging dahilan ng pag alala ng mga magulang nito.
“Anak anong problema ha?” Naiiyak na rin ang kanyang ina.
“wala po mama okey lang po ako. Sobrang miss ko lang kayo.” Tugon niya sa kanyang ina.
“Anak, nahihiya ako sa iyo, sinakripisyo mo ang iyong buhay para sa akin” biglang sabat ng kanyang ama.
“Sigurado ka bang ayos ka lang ha?” yakap yakap siya ng kanyang ama. “Pangarap ko pa naman noon na kapag ikinasal kayo ni Fretzie ako ang mag hahatid sa inyo sa altar pero wala ako noong araw ng kasal mo.” Umiiyak na wika ng kanyang ama. “ Patawarin mo ako anak ha ng dahil sa akin napilitan ka tuloy mag asawa. Ang baby ko, ang bata bata mo pa.”
“Papa huwang naman po kayong ganyan at huwag niyo pong isipin yun. Basta ang mahalaga papa makakalabas rin kayo dito at magkakasama narin tayo.” Sagot niya sa kanyang ama. “Mahal na mahal ko po kayo kaya gagawin ko lahat para sa inyo.”
“Yung asawa mo anak hindi ka ba sinasaktan?” tanong uli ng kanyang ama.
Umiling si Devon. “Hindi po papa, hindi nga kami nagkikibuan nun eh, nag uusap lang ho kami pag kailangan.” Pagpapaliwanag niya sa mga magulang. “Huwag ho kayong mag alala sa akin, kaya ko po sarili ko.” At nagyakapan silang tatlo sakto naman pagdating nila Fretzie at Bret.
“Devooonnn” Sabay tawag at yakap sa kanya ang dalawang kapatid.
Maraming dalang pagkain si Devon para sa ama nito. Nasa kulungan ang kanyang ama dahil nakulong ito ng mapagbintangan nagnanakaw ng pera sa kompanyang pinagtratrabahuan. Nabunton kay Mr. Berseron lahat ng paratang kaya siya ang nakulong. Ito ang isa rason kung bakit nagpakasal si Devon para matulungan ang ama nito sa kaso. Masyadong makapangyarihan ang may ari ng kompanya at pinagtutulungan rin siya ng mga kasamahan nito sa trabaho na madiin sa kaso. Baon din sila sa utang dahil kinuha ng kompanya ang mga naipundar na ari arian ng mag asawa. Ang tanging natira na lamang ay ang kanilang bahay. Hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap. Isa silang larawan ng simple at masayang pamilya. Pero nasubok nga ang kanilang pamilya dahil sa nasangkutang kaso ng ama.
Inilapag ni Lourdes ang dalang mga pagkain sa mesa at pinakilala naman siya ni Devon sa mga magulang at kapatid nito. Kinalimutan muna nila ang problema at masayang nagsalo salo sa dala niyang pagkain.
Pagkatapos nilang bumisita sa presento ay nag pasyang mamasyal muna sila ni Fretzie habang si Bret at ang kanilang ina ay pupunta muna sa abogado at may aasikasuhin di umano.
“Alam mo hindi ko alam kung tama ba na maging masaya sa panahon ngayon. Awang awa na ako kay mama, parati na lang siyang umiiyak.” Sabi ni Fretzie habang nag lalakad sila sa isang mall.
“Pasensya kana ha wala ako sa bahay.” Nakayukong sagot ni Devon
“hahaha.” Maikling tawa ni Fretzie “Alangan namang sa bahay ka tumira no may asawa kana kaya at saka malaki na ang sinakripisyo mo para sa pamilya natin kaya ‘wag kang ganyan.”
Ngumiti si Devon “pansin ko lang kanina pa tayo nagda dramahan eh, mugto na yung mata ko. Ang mabuti pa bili nalag tayo ng frozen yougurt.”
Humanap sila ng pwede nilang bilhan ng makakain at nag pasyang libutin ang buong mall hanggang mapagod.
Nasa Topman shop sila ng napansin ni Devon na sinisiko siya ni Fretzie habang busy siya sa paghahanap ng damit. Nilingon niya si Fretzie.
“Si James oh” turo ni Fretzie habang si James ay nasa di kalayuan lang kasama ang mga kaibigan.
“Fretz pretend nalang tayo na di natin siya nakita” ibinalik ni Devon ang damit at hinila ang kapatid palabas. “halika na”
Papalabas na sila noon ng napansin sila ni Kyle “James si Devon yun oh.”
Lumingon naman si James sa itinurong direksyon ng kaibigan. Blanko ang kanyang reaction.
“Hanep, hindi ba kayo friends?” tanong ni Jam sa kanya. Umiling lang si James sabay ng maikling sagot nito.
“No”
Gabi na ng makauwi si Devon mula ng umalis siya kaning umaga. Pina una na niyang umuwi si Lourdes at pagkatapos mag malling at sa kanilang bahay muna siya tumambay at doon narin nag hapunan. Nag pasundo nalang ito sa driver.
“Hinanap ho kayo ni senyorito” Balita sa kanya ni Steffi.
Nagtaka naman siya kung bakit siya hinahanap ng asawa. “aba himala.”
“Sige steff pupuntahan ko nalang siya.” Sagot niya sa katulong.
“ay senyorita nagpapahinga na yata siya, pinapasabi po niya na sa sususnod ‘wag daw po kayong mag papagabi sa pag uwi” biglang tugon sa kanya ni Steffi
“ha? Gabi na ba? Over naman ang isang yun alas otso pa naman.” Buntong hininga niya. “Ah okey sige Steffi magpapa hinga na rin ako. At paki usap uli please talaga pwede ate devon nalang? Naasiwa talaga ako sa senyorita.”
Ngiti lang ang naging tugon sa kanya ni Steffi. Matagal na niya itong sinasabihan silang dalawa ni Lourdes na ate Devon o Devon nalang ang itawag sa kanya. Pero matigas parin ang ulo at hanggang ngayon senyorita parin ang tawag sa kanya.
naaawa ako sa situation ni devz :((
ReplyDeletenice story talaga... keep it coming...
i lyk d story... pra syang princess hours..
ReplyDeletewaaaahhhh!!! next chapter...
ReplyDeletedemanding mode aketch.. :)
kaylan ang post ng next chapter?
ReplyDeleteNEXT CHAPTER PLS,.,.,.,. :)
ReplyDelete