Pages

About Me

Monday, December 27, 2010

Chapter 5 - Fated to Love

Chapter 5


“Ano kaba James bakit ka nagkakaganyan”? Tanong ng lolo ni James, si senyor Lucas

“I’m miserable, I don’t know why it’s happening to me” ani James

“This is for your own good Roberto, and you know that” sagot ng kanyang lolo.

Alam ni James na galit na ang kanyang lolo dahil sa pagtawag sa kanya ng Roberto.

“You send her away, and now she has a different life with someone else” mahinang tugon nito.

“Hindi ko gusto ang babaeng yun at alam mo yun!” galit na tono ng kanyang abuelo “tandaan mo ako parin ang masusunod at hindi kung sino lang na babae ang mapupunta sa iyo”

Ayaw ng senyor nito sa girlfriend niya dati dahil hindi daw ito makakatulong sa kanyang kinabukasan. Buong buhay ni James lahat nalang ang lolo niya ang nag didisisyon. Kung totoosin mabibilang lang ang kanyang mga ginawa para sa sarili niya. Mahal niya ang kanyang lolo kaya ayaw niya itong masaktan kaya sinusunod niya lahat ng gusto nito kahit sarili niyang kaligayahan ay mawala.

“Mag bihis ka, may board meeting mamaya. Kailangang maging visible ka sa companya at kailangan mong matutunan ang lahat ng pasikot sikot doon. Alam mong wala na akong maasahan kundi ikaw lang.” Habilin ng kanyang lolo habang papalabas ng pinto. Napabuntong hininga nalang si James.

Matalino si James at madali niyang natutunan ang pamamalakad sa kompanya. He was 16 when he started working in the company as office assistant. Nagsimula siya sa pinakamababang pwesto saka siya umangat. Hindi nga lang siya full-time na nagtratrabaho dahil nag aaral parin siya. Gusto kasi ng kanyang lolo na maranasan niya kung pa’no mag umpisa at gusto ng senyor na matutunan ni James makitungo sa mga empleyado.

Hindi niya alam ni Devon kung saan pupunta. Kanina pa niy hinahanap ang conference room kung saan may board meeting. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang pumunta, kung totoosin wala naman siyang alam sa mga meeting meeting na yan. “Nakakainis na ha, asan ba? Ba’t ba kasi ang laki ng building na’to.”

Nasa practice siya ng kanta ng bigla nalang siyang tinawagan ni Marisa na kailangan daw niyang pumunta sa opisina ng asawa. Ayaw sana niyang pumunta pero wala siyang nagawa, kaya iniwan nalang niya ang kanilang practice.

Napatigil si Devon sa isang silid kung saan naka awang ang pinto. May naririnig siyang nag tatawanan at sinilip niya ito dahil pamilyar sa kanya ang isang boses. Nakita niya si James na nakikipagkulitan sa dalawang janitor at sa dalawa pang staff. Parang lumundag ang puso niya sa nakita at ang tanging nabigkas niya ay “James”. Sa isip niya “hindi kita nakitang ngumiti o tumawa mula noong” buntong hininga niya at sinilip niya uli ito. Nagulat pa siya ng biglang tumawa ng malakas si James na waring may pinag uusapan sila ng mga kasama nito na nakakatawa. Ngumiti nalang siya sa nasaksihan “masaya akong nakikita kitang tumatawa kahit hindi ako ang dahilan ng pagtawa mo.” at umalis na din siya.

Tapos na ang meeting at nag pasya na siyang umuwi. Sa dalawang oras na meeting na iyon kahit isa wala siyang naintindihan. Tinanong siya minsan ng isang director kung ano ang ma isa suggest niya, sa laking gulat niya kung ano ano nalang ang naisagot niya dahilan kung bakit parang parang naupos na kandila sa hiya ang asawa. Napasabunot si Devon sa kanyang buhok ng maalala ang ng yari. “Nakakahiya talaga”.

Natatanaw ni James si Devon at natatawa ito sa nakikita niya. Gusto na niyang tumawa kanina ng malakas sa nangyari sa meeting pero pinigilan niya. “If things would have been different Devon”. Nangingiting bigkas niya habang tinitingnan si Devon na noo’y papasok na sa elevator. Para itong baliw na kinakausap ang sarili.
Biglang may tumawag kay James dahilan upang mawala ang ngiti niya. Si Sam ang karibal niya sa lahat ng bagay. Minsan sila naging magkaibigan pero nabago lahat ng inagaw ni Sam ang babaeng gusto ni James.

“Sino tinitingnan mo?” tanong ni Sam

Biglang tumayo si James “What do you want”?

Saktong papasara pa lang ang elevator noon kaya nakita ni Sam si Devon. Biglang nag iba din ang timpla ng mukha ni Sam.

Nakatalikod pa rin si Sam noon ng pinagmasdan siya ni James. Pinsang buo niya si Sam sa ina. Unlike him purong Pilipino si Sam. Kahit hindi nag sasabi si Sam alam ni James na galit ang pinsan nito sa kanya dahil nag seselos ito sa atensyong ibinibigay ng lolo nito sa kanya. Mahal din ng kanilang lolo si Sam, tulad niya pinagtrabaho din si Sam sa kompanya nila at nag umpisa din ito bilang office assistant. Sila lang ang natitirang apo ng senyor pero mas vocal ang lolo nila na kay James ipapamamahala ang kompanya. 

2 comments:

  1. naiimagine ko yung hiya moment ni devon!! hahaha...

    bakit ganun reaction ni sam pagkakita kay devon?? may nakaraan ba cl???

    sana may next chapter na...

    ReplyDelete