Chapter 03
Sa bawat event na dinadaluhan nila wala ng ginawa si Devon kundi ngumiti at kumaway. Dalawang lingo ng ganito ang buhay niya. Na mimiss na niya ang mga kaibigan, kapatid at ang kanyang mga magulang. Gabi gabi siyang tumatawag sa pamilya niya at madalas umiiyak ang kanyang ina. Sa school naman medyo nag iba ang pakikitungo sa kanya ng mga kaibigan. Pano ba naman kasi hindi na siya tulad ng dati na parating naka jeans at shirt lang. Ang sneakers niya ay napalitan na ng sandals o stilleto. Puro signature clothes na rin ang sinusoot niya. Pero para sa kanya ang anyo lang ang nag iba pero siya parin si Devon walang nag bago.
Uuwi na sana siya ng makita niya ang kanyang mga kaibigan sa tambayan nila.
“kuya sandali lang po” pagpapa alam niya sa kanyang bodyguard.
“hoy, kumusta?” tapik ni Devon kay Inno ngunit hindi siya pinansin.
“Pierro pare.. bago yata t-shirt natin ngayon ah”
“guys lipat na lang tayo” biglang sambit ni Heidi
“oy, bakit ba? Naiinis na ako sa inyo ha. Ilang araw niyo na akong hindi pinapansin”. Naiinis na bigkas ni Devon sa mga kaibigan habang ang mga ito ay isa isang nagligpit ng gamit.
Sumunod siya sa mga kaibigan ng biglang hinila siya ni Lynn at kunwaring sinakal siya. Nag sipaglapitan naman ang iba para makipagkulitan na.
“Ang gara mo na kasi ngayon, nakakahiya ng lumapit sa’yo at isa pa may body guard kapa” sambit ni Heidi.
“oo nga Devs hindi na tayo ka level” dagdag ni Lynn na sinang ayunan lang ni Emman na nooy tahimik lang sa tabi.
Biglang umiyak si Devon dahil sa sinabi ng mga kaibigan. “ Ano ba ako parin naman to ah, ako parin ang dating si Devon. Sana naman wag niyo naman akong ituring na iba. Friends pa rin tayo”
“Ang o.a mo, wag ka ngang umiyak.” Sabi ni Heidi sabay hampas sa kanya. Biglang lumapit ang bodyguard niya sa pag aakalang sasaktan si Devon.
“ai kuya okey lang po ako” biglang sabi niya sa dalawang lalaki.
“tama na nga ang drama, group hug” nag open arms si Joe para sa mga kaibigan at nag unahan sila para sa group hug habang nagtatawanan.
Sa di kalayuan naman ay tanaw ni James si Devon at ang mga kaibigan nito. He can hear their laughter at mga kantiyawan nila.
“Ang saya nila oh, mga makukulit talaga ang mga yan, gumaganda si Devon ah” sambit ni Jam habang nakatingin kay James.
Biglang tumayo si James sabay tiklop sa librong binabasa. Naiinis siya sa nakikita.
“O where are you going James?” Kyle ask.
“I’m going home”
Nagtaka naman si Jam at Micah kung bakit bigla nalang uuwi si James, dahil ang alam nila ayaw nitong mag babad sa bahay nito.
Nilingon ni uli ni James si Devon. “ How could she be happy?”
bitin teh pero very nice. more please. thanks!
ReplyDeletewow finally may continuation na!! i really like this story... more please ;)
ReplyDeletesalamat.. hehehe.. shukran
ReplyDelete