Agad siyang tumabi sa dalaga at pinisil ang kamay upang ipakita ang suporta niya. Nandoon din ang mga kaibigan niya. Full support ito sa kanya. Ang mama naman niya ay napagitnaan nina Bret at Fretzie. Palinga linga siya, may isang tao siyang hinahanap o inaasahan niyang pumunta. Tumawag kasi si James sa kanya ng umagang iyon na pupunta siya sa hearing. Susunduin sana siya nito pero sabi niya sa korte nalang sila mag kita. Kahit may tampo at sakit siyang nararamdaman para sa binata at biglang napawi ito ng tinawagan siya. Nagpadala din ito ng inspiring text messages sa kanya. As usual James is so sweet sa text niya, nag "I miss you at I love you" ito kaya parang kay bilis naglaho panibughong naramdaman niya rito. Malapit ng mag umpisa pero wala pa si James, imbis si James dapat ang nasa tabi niya ay ibang tao ang humahawak sa kamay niya. Sam is always like this, such a good friend. Madalas niyang kasama si Sam sa mga nag daang araw. Kasi naman may production silang gagawin together sa nalalapit na Foundation Day. Magaan din ang loob niya dito.
Samatala si James ay nagmamadaling makahabol pero na stuck siya sa traffic.
"Dammit" napamura si James. Dapat pala nag pahatid na lang siya kanina. Mabuti palang di na niya sinundo si Devon kundi pareho silang late. Tinawagan niya si Devon para ipaalam ang kalagayan niya pero ring lang ito. Naisip ni James na baka masyado lang sigurong nakatoon ang pansin ng dalaga sa hearing kaya di napansin ang pagtawag niya.
Pumasok na ang Judge at nag umpisa na ang proseso hanggang sa pag basa ng hatol.
Hindi makapaniwala si Devon. Tapos na rin ang dagok sa buhay niya. Napawalang bisa ang papa niya sa kasong ibinibintang sa kanya. Sobra siyang masaya at nakalimutan niya wala si James doon. Naiyak din ang mama niya.
"Mga anak, sa wakas mag kakasama na rin tayo" masiglang niyakap ni Mang Berseron ang kanyang mga anak. Pati na rin ang asawa nito. Pagkatapos ng tagpong iyon ay napagpasiyahan nilang kumain sa labas. Kasama narin ang mga kaibigan nito at ang mga abogado nila. Nag prisinta si Sam na siyang gagastos sa lahat, ayaw sana nito pero mapilit si Sam. Ayaw narin niyang makipagtalo dahil sa panahong iyon ay ang naging concern niya ay ang makitang boo sila ng pamilya niya.
Nasa restuarant na sila ng saka palang maalala ni Devon na tingnan ang kanyang cellphone at nakita nga niyang nakailang beses palang tumawag sa kanya. Agad din niyang binasa ang text nito. Na stuck nga ito sa traffic at ang last na text nito ay malapit na siya. Agad naman niyang tinawagan si James para ipaalam na nasa resto sila at doon nalang sa halip pumunta.
Ayaw na niyang isipin ang nakita niya noong isang araw. Baka mali nga lang ang interpretation niya after all hindi lang naman sila James at Rica ang nandoon. Nandoon din ang tatlo pang kaibigan nito at di lingid sa kaalaman niya na malapit din ang mga ito kay Rica, buhat ng classmates nga sila sa highschool. Ayaw niyang mag over react, masaya na siya ngayon dahil malaya na ang papa niya.
Malapit na sa restaurant si James kung saan nag karoon ng salo-salo. He suddenly bumped into Rica. Nagulat sila pareho pero agad naka bawi at ng tawanan nalang.
"Sige na pasok kana, baka hinihintay kana ni Devon. I bet you miss her so much" tinapik ni Rica si James sa braso. Ngumiti lang ang huli "yeah, I really do miss her."
Hinawakan ni Rica ang kamay ni James "You really are crazy about her". Kahit nakangiti ay mapapansin namang malungkot ang mga mata nito. But James did not notice it. He's just so excited to see his Devon.
Nakita naman ni Devon na magkahawak ang kamay nila James at Rica. Tumawag kasi si James na nandoon na siya at humahanap lang ng parking space kaya napag pasiyahan niyang salubungin ito pero iba ang sumalubong sa kanya. Bumalik siya sa loob dahil di niya kayang tagalan ang nasaksihang tagpo.
"O, asan si James?" tanong ni Ivan na nandoon din
"Ah wala pa eh, malapit na daw"
Nakita agad ni James ang kinaruruunan nila pero biglang umarko ang kilay niya ng makitang si Ivan at Sam ang nasa tabi ni Devon. Si Sam sa kanan, si Ivan sa kaliwa. "So where the hell will I sit." Tanong niya sa kanyang sarili. Bumalik na naman ang inis niya kay Sam at di rin niya mapigilang di mainis din kay Ivan. Bakit andoon din iyon sa tabi ni Devon. Nagseselos siya.
"James" tawag ni Bret ng papalapit na siya. Lumingon naman si Devon at sinalubong ang asawa. Ayaw niyang ipakita na malungkot siya, dahil ayaw niyang masira ang araw na iyon. She'll deal with it later.
Lihim na napamura si James "what the f***" Hindi man lang lumipat ng inuupuan si Ivan at Sam. Bumalik si Devon sa dati na nitong inuupuan at siya bakit siya nasa tabi ni Bret. Nag ngingit ngit siya sa inis sa dalawang lalaki. Si Devon naman ay di alam ang gagawin. Pero binaliwala nalang niya dahil obvious naman na wala ng upuan at ang tanging maluwag nalang ay sa tabi ni Bret. Wala naman ding masama sa nakikita niya.
Okey lang sana kung nasa harap siya ni Devon nakaupo atleast nakikita niya ito pero napagitnaan siya ni Ivan at Bret. "I'm suppose to be beside my wife" bigkas niya sa sarili. Di niya gusto ang kailangan pa niyang tumagilid para lang makita si Devon. "At ano ang sinasabi ni Sam at nakangiti pa ito?" Hindi matiis ni James, madali pa naman siyang mag selos pag dating ka Devon.
Bigla siyang tumayo at lumapit kay Devon na siyang kinagulat ng huli. Tumabi siya sa tabi nito na muntik ng ikinahulog ni Devon dahil napaurong siya. "James, what are you doing?"
"Oh sitting beside my lovely wife"
"Pero.. ano kaba may ibang upuan po" tumayo ito pero pinutol na ni James ang iba pang sasabihin ng bigla niyang kabigin si Devon upang maupo sa kandungan niya. Pulang pula si Devon, tatayo sana siya pero pilit siyang hinawakan ng mahigpit ni James.
"Hayaan mo na kasi" wika ni Joe na nanunukso. As usual ito naman ang pasimuno basta tuksuhan ang usapan Naging tampulan ng tukso tuloy silang dalawa.
"Paano tayo makakain nito aber?"
"Well, susubuan mo ako syempre"
"Tumigil ka nga at nakakahiya"
"Sweetheart, naalala ko tuloy noong nag uumpisa pa tayo" hinawakan ni mang Berseron ang kamay ng asawa saka hinalikan. Naging tampulan narin sila ng tuksuhan pati ang parents ni Lyn na siyang abogado nga nila na nadoon din.
Pero may tatlong tao naman na nag aapoy din sa selos sa mga pangyayari. Pero hanggang doon nalang sila.
Ivan
Sam
Rica na noo'y lihim na nag mamasid sa kanila at umiiyak na ikinubli lang sa makapal na shades.