Pages

About Me

Friday, January 28, 2011

Chapter 16 - Fated to Love

“James pare kumusta ang bakasyon” tanong ni Ivan ng makita si James. Balik eskwela na sila at may ilang subject na magkaklase ang dalawa.
“Okey lang ang saya. Sayang sana sumama ka.”
“Next time James, you know naman I went back to States at saka I’ll drop by na lang din sa bahay mo total iisang place lang naman tayo nakatira.”
Childhood friend sina Ivan at James at kahit nag migrate na sila Ivan sa States naging close parin ang dalawa. Lately, Ivan decided to go back para sa Pilipinas ipagpatuloy ang pag aaral at para matutunang mamuhay mag-isa.
“So how have you been coping up so far? tanong ni James
"Oh great, okey naman madali namang pakisamahan mga tao dito and theirs this girl I met"
"Aba iba ka 'tol my girl agad" sabat ni Jam na noo'y nandoon din kasama si Kyle at Micah
"No I met her before last sem noong nag pa enroll ako, suprisingly we leave lang pala sa isang subdivision, maybe James, you know her"
"I don't know much of our neighbors" 
"Ah well, good thing classmates din kami, I like her" diretsong wika ni Ivan.
"Mukhang may tama ka sa girl na 'to ah" tapik ni Micah sa balikat ni Ivan na nooy para namang nag d-day dreaming. Natawa naman si James sa kaibigan.
                                                  ***
"Hi Devs" bati ni Sam ng pumasok ito sa tambayan ng talents guild. Ang talents guild ay isang grupo ng mag-aarral kung saan  binuboo ng mga talentadong estudyante sa University at isa nga si Devon doon kasama ang mga barkada niya.
"Sam" excited na bati ni Devon. "Buti naman at nakapunta ka."
"Matatanggihan ba naman kita?" Sagot ni Sam na may kalakip na paghawak sa baba ng dalaga.
Pinakilala ni Devon si Sam sa mga kasama niya. Madali namang nakagaanan agad ng loob ni Sam ang mga kasapi ng guild. 
Namangha ang lahat ng sumayaw at kumanta si Sam. Who would have thought that he is such a performer. Halos malaglag naman ang panga ni Devon, alam niyang magaling kumanta si Sam pero she never thought na super galing pala nito lalo na sa pagsasayaw. He's such a pro.
"Bravo, wow naman Sam idol na kita, ang galing mo" puri ni Devon. Sumabat naman si Lyn sa dalawa "naku mukhang may partner kana Devs sa hatawan ah."
"Ay naku Sam, wait 'till you see Devon"
"Tumigil nga kayo" saway ni Devon sa mga kaibigan.
"Well, actually I'm looking forward to that Devs" 
"Okey, kayo na ang partner sa Foundation day natin wala ng aangal, ililista ko na kayo" excited na bigkas ni Emman, siya kasi itong President ng guild. Nagkaroon sila ng meeting sa hapon na iyon para sa gagawing Foundation day at sila nga ni Sam ang partner sa gagawing lyrical dance at may duet din silang dalawa maliban pa sa ilang prod nila na kasama ang iba.
Papalabas na sila ng silid ng makita ni Devon si James sa labas na hinihintay siya. "Oh ano ginagawa mo dito?" 


"Sinusundo ka ano pa ba?" nakangiting bigkas ni James na nakapamulsang nakahilig sa may haligi, habang si Devon naman ay di maalis ang ngiti sa mga labi "Hayyy, bakit ba ang guwapo mo" sa isip niya. 
"Huwag mo akong titigan alam kong gwapo ako." Para namang nababasi ni James ang laman ng isip ni Devon.
"Ang kapal mo ha"
Nag kukulitan sila ng lumapit si Sam"James, andito ka pala?"
"Yeah, sinusundo ko asawa ko" sagot ni James na diniinan ang huling kataga.
Kinuha ni James ang kamay ni Devon habang si Sam ay nakatingin sa kanila na may lungkot sa mga mata. "She's suppose to be mine James" wika ni Sam sa sarili na parang may pagsisi.
                                                            ***
"Saan ba tayo pupunta" tanong ni Devon habang nilalantakan ang pagkain. Nasa restuarant sila naghapunan dahil inabot na sila ng gabi.
" We're going to Pangasinan" nakangiting sagot ni James "Ha, bakit di mo sinabi agad, wala akong damit."
"Pina ayos ko na ang gamit mo kanina kaya 'wag kana mag alala." Napalitan ng excitement ang mukha ni Devon.
  
Nasa Governors Island sila pumunta ang isa sa sa well-developed island. Hindi makapaniwala si Devon na solo nila ang tanyag na Big Brother house na nakatirik sa isla. "Wala bang mga camera dito?" Birong tanong niya habang iginiya ang mga mata sa buong paligid habang si James ang busy sa pag asikaso ng kanilang dalang gamit. Bigla nalang naramdaman ni James ang mga kamay ni Devon sa kanyang beywang. "Salamat ha." Natawa si James sa inasal ng dalaga pero nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa kaibuturan niya. 


"Halika sa labas muna tayo" inaya ni James palabas si Devon. Naka upo sila sa malaking bato na naroon.
"James pwede mag tanong?" 
"What is it?"
"Uhmm, bakit hindi ka tumutol sa kasal natin?" seryosong tanong ni Devon. Ngayon lang siya nag kalakas loob na tanungin ang binata pero feeling niya mali ang pagtatanong niya dahil hindi man lang kumibo ang binata. Bumuntong hininga si James. 
"I don't know, it's true that I don't want to get married but I don't have the guts to say no also." 


"Alam mo, alam ko na hindi ako tunay na anak nila Mama at Papa pero para sa akin sila ang mga magulang ko. When mommy came at nagpakilala sa akin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko until she told me everything kung bakit kailangan niya akong ipa ampon noon." 
Nakita ni James ang lungkot sa mga mata ni Devon kaya lumapit siya rito. 
"Sayang at kulang ang panahon namin para makilala ang isa't isa, huli na dahil mamatay na pala siya." Parang iiyak na siya pero pinipigilan niya at naramdaman yun ni James kaya kinabig niya ito. 


" When lolo told me that I should marry the heir of Montecillo Holdings, para akong mababaliw, ang masama I know lolo is serious about it. Masyado niyang mahal ang companya." Nagsimula na ring mag open up si James. 
"Pero hindi mo naman kailangan diba kasi mayaman na kayo hindi naman kawalan sa inyo kung  hindi mapapa sainyo ang kompanya nila mommy."
"Nope, matagal ng gusto ni lolo mapa sa kanya ang kompanya niyo kung bakit di ko alam at isa pa your mom owns 25% ng share ng company namin.  Isa sa rason kung bakit gusto ni Lolo na makasal tayo para hindi mawala ang chairmanship niya at mawala sa pamilya namin ang pamumuno sa Montesclaros Empire. Swerte mo rin dahil maliban sa mayaman ang totoo mong pamilya, gusto ka rin ni Lolo. Hindi ko pa siya nakita na tumawa talaga maliban lang kung ikaw ang kasama niya." Ngumiti ng pagak si James habang inihagis ang maliit na bato sa dagat.
"Ikaw bakit ka pumayag sa kasunduan?"
"Dahil sa kaso ni Papa. Lahat ng meron kami nawala sa amin. Parang mababaliw na si mama noon kung ano ang gagawin dahil kahit piso walang wala kami. Saka dumating si Mommy and the rest is history." Ayaw ng dagdagan pa ni Devon ang sasabihin dahil masyado ng mahaba pa para ungkatin ang nakaraan. 
"Pareho lang tayo naiipit but you know may mabuti din namang nangyari dahil sa kasal natin" Hinawakan ni James ang kamay ni Devon pero di niya ito tinitingnan. "I have you"
Parang hihihili sa kilig si Devon ng marinig niya ang tatlong katagang iyon. Tama si James, siya may masaya rin. Lumalim na ang gabi kaya nag pasya na silang pumasok sa loob at matulog. 
Hindi parin makatulog si James, hinahaplos niya ang mukha ni Devon na nooy natutulog sa kanyang braso habang si Devon naman ay nakayakap sa kanya. Napakagaan ng loob niya, he never felt like this before. Gusto niya ang ganitong pakiramdam, felt strange and it's magical. Naramdaman niyang mas sumiksik pa si Devon sa kanya kaya he hug her tightly, pero kita parin niya ang mukha ni Devon. Suddenly, James feel the urge to kiss Devon, sobrang lapit na kasi ng mga mukha nila. Without hesitation, he kiss her and to his surprise Devon answered back and they both shared a kiss passionately.

Friday, January 21, 2011

Chapter 15 - Fated to Love

"Mga apo kumusta ang bakasyon" salubong ng senyor sa kanila pag dating nila. Nandoon din si Sam sa bahay nila. "Okey po lolo ang saya saya" sagot ni Devon na halatang super happy sa bakasyon nila. Bumati narin si James sa abuelo at sa pinsan kahit na nairita ito ng makita niya na andoon ito sa kanila. 
"Devon mag kwento ka sa nangyari doon ano ginawa niyo?" lumapit si Sam kay Devon at hindi ito nakaligtas sa mga mata ni James. "O Devs pasalubong ko, huwag mong sabihin na nakalimutan  mo?"
"Ay naku ikaw pa syempre meron ka"
"Nakabili ka pala?" nagtaka si James dahil hindi niya napansin na bumili ito.
"Sir handa na po ang tanghaIian" 
"O siya tamang tama ang dating niyo at kakain na tayo"
"Halika Devs kwentuhan mo ako" hinila ni Sam si Devon at kumulo naman ang ulo ni James.


After ng nilang kumain, hinanap ni James si Devon dahil bigla na lang ito nawala ayon pala nakita niyang masayang nakikipag kwentuhan kay Sam. Lalapit sana siya pero tinawag siya ng lolo niya. 
"Mukha yata nagbago ihip ng hangin ah" wika ni Sam "I see you two are okey"
"Oo, buti nga eh"
"well i'm happy for you" 
"Salamat Sam"
"Why I find it hard to believe that your happy for us?" sambulat ni James sa usapan ng dalawa. "But anyway, thank you kung ganoon."
"Sam halika na uwi na tayo. Sige iho, iha tutuloy na kami. Magpahinga na kayo."
"Sige Devs uwi na kami. See you at school. " Pagpapaalam ni Sam at tinapik ang balikat ni James ng madaanan ito. "Insan ikaw din"
"Bakit ba mainit ang dugo mo kay Sam?" 
"Many reasons but I don't want to talk about it" Hinawakan ni James ang baywang ni Devon at niyayang pumunta sa music room.
-----------------
Hindi makatulog si James pakiramdam niya parang may kulang parang ang luwang yata ng higaan niya. Kinakapa kapa niya ang kanyang tabi pero bakante eto. Kahit sandaling nag sama sila ni Devon matulog, iba na ang pakiramdam niya parang may kulang. Ang dali niyang nakasanayan na makatabi ito. Inilagay niya ang unan sa tabi niya baka sa isip niya makakatulog siya pero ilang sandali palang di na naman siya mapakali. Funny pero hinahanap niya ang mga mahihinang sipa ni Devon, ang kamay na minsan dumadapo sa mukha niya. Ang ulo nito na kung saan saan na pupunta. Naalala niya kung gaano ka cute ni Devon pagtulog ito at kahit sobrang likot matulog hindi siya naiinis kundi na aamuse siya. Minsan noong nasa hotel pa sila, nagising nalang siya dagil maramdamang may mabigat sa tiyan niya yun pala ginawang unan ito ni Devon. Napangiti nalang siya at mas lalong na amuse ng may narinig siyang mahinang hilik ang dalaga. 
"Arrrhhhhh" tumayo si James at nagpasyang lumabas at mag pahangin sa veranda. Nang pag dating niya doon nagulat siya ng makita na nandoon din si Devon.
"You're still awake?" tanong niya rito.
Lumingon naman ito sa kanya "Hindi ako makatulog eh."
Umupo si James sa rocking chair na nandoon na malapit sa kinatatayuan ni Devon " come sit with me." 
"Hmmm nag imbeta ka pa, isa lang ang kasya diyan no"
"No kasya tayo" at biglang hinila niya ang dalaga para maupo sa tabi niya. Pero dahil sa magalaw dahil rocking chair nga nawala sa balanse si Devon noong uupo na sana siya pero maagap na nahawakan siya ni James pero yun nga nasa kakatwa silang ayos. Nakakandong siya kay James.  Ang lakas ng tibok ng puso ni Devon at ganoon din si James. Parang huminto ang pag ikot ng mundo nila at tila hindi maalis ang mga titig nila sa bawat isa.  Naaasiwa man si Devon pero tila na magnet siya sa mga mata ni James. "I miss you" biglang nasambit ni James. Nag taka si Devon kung bakit yun ang nasabi ni James "Miss? buong araw naman tayo nagkikita ah". Ngumiti lang si James dahil kahit siya nagulat sa sinabi. Basta alam niya miss niya ang dalaga dahil madali niyang nakasanayan nasa tabi niya ito. Dahil wala siyang maitugon sa dalaga sa tanong nito, niyakap na lang niya ito ULI. "Ah James hindi ako makahinga." Pilit kumakawala si Devon sa pagkakayap sa kanya. "Ugali mo talaga mang akap na lang bigla no?"
Niluwang naman nito pero nakayakap parin ito. Tinitigan uli ni James si Devon and this time hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong mukha at bumaba ang kanyang tingin sa mga labi ni Devon. Hinawakan niya ang baba ng dalaga at unti unting inilapit nito ang kanyang mukha. Napapikit si Devon, alam niya ang mangyayari.
"Ahem" tila nauubong putol ng mayordomo sa dalawa. Biglang nagulat ang mga ito kaya napatayo ang sila. 
"James, Devon bakit gising pa kayo?" Tanong ng matanda
"Ah kasi ano, kasi po" nauutal na sambit ni Devon. Hinawakan naman ni James ang kamay niya  "Bakit hindi ba pwedeng mag kasarilinan kami ng asawa ko." Matigas na tanong ni James.
"Pero James" 
"Tayo na Devon, matulog na tayo." Hinila na ni James si Devon " Goodnight po" 
"Bakit mo naman sinagot ng ganoon si Manong"
"Storbo" sa isip ni James.
Nang nasa pintuan na sila ng silid ni James hindi na nagdalawang isip ito na na imbitahan si Devon. "I'm not sleepy yet, ahmm dito ka na matulog"
Natawa si Devon pero hindi siya nag dalawang isip pumayag. Imbes matulog na, nagkwentuhan pa ang dalawa at nagkantahan. 
----------------------------------
Hinahanap nila Lourdes at Steff ang kanilang senyorita pero di nila makita. Nandoon sina Bret, Fretzie at ang mommy nila para dalawin si Devon . Maaga silang pumunta para maisabay na nila si Devon papuntang presento pero wala daw ito ayon sa katulong, tiyempo namang dumating din ang senyor.
  Nagising si James dahil may kumakatok sa pintuan ng kanyang silid, madaling araw na sila nakatulog dahil buong gabi silang nag kwentuhan ni Devon . Napangiti siya dahil sa mga nakakatawang mga kwento at karanasan sa buhay ng dalaga. Sa isip niya sadyang masayahin ito. Binuksan niya ang pinto at nabungaran niya ang kanyang lolo kasama si Mrs. Berseron at huli na ng mapagtanto niya dahil nakita na nila na nandoon si Devon sa kwarto niya. Biglang bumagsak sa sahig ang ginang dahil na himatay ito.
Parang nauupos na kandila sa hiya si Devon . Nahihiya siya sa nangyari, tiningnan niya si James pero parang kalmado lang ito di tulad niya na di alam ang sasabihin. Nasa tabi niya si Fretzie at si Bret naman pinapakalma ang ina.
“Diba maliwanang ang usapan na hindi muna kayo mag tatabi hanggat wala pa kayo sa tamang edad?” wika ng ginang ng mahimasmasan ito.
Sumabat naman ang senyor “James magpaliwanang ka, parte yan ng kasunduan.”
“Eh kasi po, wala naman po kasi nangyari”
“Tumahimik ka Devon ! Hindi ikaw ang tinatanong” galit na bigkas ng mama niya.
“We use to sleep together since we’re in Bali ” sagot ni James na mas lalong ikinagulat nila maliban kay Fretzie at Bret. Sa isip ng dalawa masyadong nag over react ang matatanda.
“I mean, we sleep in the same room not sleep as.. you know, sleep magkatabi lang..share ganoon” nauutal niyang paliwanag na kulang nalang batukan ang sarili dahil sa sinabi.
“Mama, lolo wala po kaming ginagawang masama” dagdag ni Devon .
Hindi alam ni James kung bakit ba nagpapaliwanang sila, dahil kung totoosin wala silang ginagawang masama. Alam niya ang limitation niya.
Naging mahaba pa ang paliwanangan at ganoon pa rin ang ending hindi pa rin pwede magsama ang dalawa.

Chapter 14 - Fated to Love

         Marami pa silang pinuntahan na mga lugar at nakapag shopping narin sila para sa pasalubong. Mula ng nagkasundo ang dalawa naging iba narin ang pakikitungo nila sa isa't isa. Naging malapit sila at si James parating naka aalalay kay Devon. Tulad na lang ng sumakay sila ng elepante, mula palang sa pag akyat hanggang bumaba naka alalay na si James. Ilang beses rin nadulas si Devon ng mag caving sila at si James kahit pinipigilan at kunyari pinapagalitan ang dalaga halata namang alalang alala ito. Nandoon parin ang kulitan at minsang asaran pero hindi na nila ito seneseryoso lahat parang naging biro nalang. Ang lahat ng pag babago ay hindi nakaligtas sa mata ng mga kaibigan. 

"Why do girls always love shopping" iritang tanong ni James ng minsang mamili sila ng pasalubong.
"Ano ka ba wala naman kasi nag pumilit na sumama ka, andyan naman sina Emman, chu doon ka sa mga kaibigan mo." Pagtataboy ni Devon kay James. "Ayoko, I'll stay here with you." Tugon ng huli.
"Eh ayaw pala eh, tapos nagrereklamo."
Hindi nalang umimik si James at sumunod nalang siya kay Devon. Siya rin ang taga approve sa mga pinamili ng dalaga. 
"James okey na ba to?" tanong ni Devon ng lumabas sa dressing room.
"Is that the.... last.. dress... you" parang bumagsak ang panga ni James ng makita si Devon. " Gosh, you're amazing". Bulaslas ng binata na di mapigilan ang paghanga. Ang saleslady naman ay kinilig.
"Loko, laway mo.. hahahahaha." sa nakitang reaction kay James alam na niya bagay sa kanya ang damit.
"Sir your girlfriend is beautiful" wika ng isang babae na nandoon din na namimili.
"Yeah, I never thought she could be so beautiful." " Ah and fyi she's not my girlfriend she's my wife."
Nagulat ang babae. "Well, you two look young to be married?
"Yeah we are but weird though, I find it cute" wika ni James sabay kindat at natawa nalang ang babae.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" tanong ni Devon ng makalabas sa dressing room. "Halika na magbabayad na ako"
"You're pretty" sambit ni James na kahit mahina dinig na dinig naman ito ni Devon. 
"Tse, baka ma inlove ka sa akin"
"I think I am" mahinang sabi ni James sa masamang palad yun pa ang di narinig ng dalaga.

"Teka sandali, last na'to. Hindi pa ako nakabili para kay Sam"
Biglang nag iba ang mood ni James ng marinig ang pangalan ng pinsan. "Masyado ka nang maraming bitbit"
"hmp, kaya kong bitbitin lahat."
"Mayaman na si Sam kaya na niyang bumili para sa kanya, kaya halika na gutom na ako" kinuha ni James ang kaliwang kamay ni Devon. 
"O ayan hindi mo narin kaya mag bitbit pa dahil occupied na kamay mo." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Hindi naman mapigilan ni Devon ang mangisay sa kilig dahil sa ginawa ni James kaya kinagat nalang niya ang kanyang labi para maitago ito. 
------------------------------------

           Nasa isang yacht sila na ni-rentahan ni Kyle para sa huling dalawang araw nila bago bumalik sa school.
"aba himala mukhang nag kahiwalay yata kayo ngayon" bigkas ni Lyn kay Devon habang hinahanda nila ang kanilang pagkain kasama sina Heidi at Emman.
"Buti at maayos na kayo, big help talaga tong bakasyon na to" dagdag ni Heidi.
"Eh buti ikaw hindi nakasunod sa iyo si Micah." Tanong ni Devon kay Heidi
"Hay, yung timang na yun. Kainis lang"
"Hmp kunwari kapa, gusto mo naman"
"di ah"
Umiiling iling nalang si Devon.
"So close na kayo no, matutuwa ang Senyor nito." parang excited pa na bigkas ni Emman. Siya itong halatang kinikilig sa kaibigan. Super happy siya sa progress ng dalawa.
"Anong close hindi kami close ha, kahit pa sabihing friends na kami hindi parin kami close no"
"ai naku indenial ka teh...mag tigil ka nga" bara ni Heidi at sumabat na din si Lyn "naku hindi kayo close pero para namang may mighty bond, grabe te ang lagkit sobrang dikit. Hindi mapaghiwalay"
"tse tumigil nga kayo"
"Speaking of"

"Devon" tawag ng papalapit na si James kasama ang iba. "Halika"
"Saan tayo"
"Basta"
"ooyyy gustong mag solo" 
Dinilatan nalang ni Devon si Joe.
Pumunta sila sa may dulo ng yate. "May sasabihin ka?" tanong ni Devon
"Wala" nagkaroon ng konting katahimikan.
Devon stretch out her arms at tumingala sa langit. "Ang ganda naman, ang daming stars." Hindi niya alam na tinititigan siya ni James. "Damn, why I couldn't take my eyes off her". Kaya naman hindi nakatiis si James.
"Devon" mahinang tawag nito at masuyong niyakap ang dalaga. Nagtaka si Devon
"may problema ba James?"
"No nothing I just want to hug you" 
"Okey." "Ano ba tong lalaking to bigla nalang nangyayakap" sa isip niya. Pero sobrang lakas ng tibok ng puso niya.
Kumalas si James sa pagkakayakap at iginiya si Devon para sumayaw. Bigla kasing napalitan ang tugtog to sweet music.
"Naiiyak ako sa kanila" sini shake hands pa ni Emman ang kamay niya. Kilig na kilig ang mga kaibigan kabang naka silip sa kanila.
"Heidi tayo din" pangungulit ni Micah " Tse"
"Pwede ba Heids , sagutin mo na nga yan ng matigil na" 
"Ai Lyn salamat sa iyo nang gatong ka pa".

Nag simulang magsayaw ang dalawa na parang hindi na makadaan ang hangin sa sobrang dikit nila. Ramdam ang bawat kataga sa kanta.

"It's Gonna Be Love"

It's gonna be me baby
It's gonna be you baby
Time I've been patient for so long
How can I pretend to be so strong?

 Pinaikot ni James si Devon sa kanyang kamay.

Looking at you baby
Feeling it too baby
If I’m asking you to hold me tight 
then it’s gonna be all right

At dinadaan nalang sa ngiti ang kaba na nararamdaman

It’s gonna be Love
It’s gonna be great 
It’s gonna be more then I can take
It’s gonna be free
It’s gonna be real
It’s gonna change everything I feel 
It’s gonna be sad 
It’s gonna be true
It’s gonna be me baby
It’s gonna be you baby
It’s gonna be...Its gonna be Love
Time am I restless or a fool?
How can you pretend to be so cruel?
Maybe it’s me baby
Maybe it's true baby
Maybe it's everything were dreaming of
We waited long enough

At tuluyan ng nag yakap ang dalawa na ramdam ang bawat kataga ng kanta...

Saturday, January 15, 2011

Chapter 13 - Fated to Love

     Malalim na ang gabi pero masaya paring silang nag kukwentuhan at parang walang balak matulog . Tawa sila ng tawa sa mga jokes ni Joe. May mga iilang foreigner din sa paligid. Napansin ni Devon na wala si James kaya hinanap niya ito. Nakita niya itong naglalakad sa may tabing dagat na parang ang lalim ng inisip, kaya naman nag excuse siya sa mga kaibigan para puntahan ito.

    “Anong drama at nandito ka?” Tanong niya ng mahabol si James pero hindi ito sumagot, bagkos patuloy lang sa paglalakad. Tinanong niya uli ito pero wala paring sagot, kaya bago siya mainis na naman ay nagpasya na lang siyang iwan ito. “Hmp, bahala ka nga?”

      Pero bago paman siya tuluyang makatakbo pabalik sa mga kaibigan at bigla siyang hinawakan ni James sa braso. “Don’t go, just stay.” Nahihiwagaan si Devon sa kinilos ni James dahil mukha atang naging mabait. Nilingon niya ito at nakita niya ang lungkot sa mga mata ni James. “May problema ba ito?” Tanong niya sa kanyang sarili.

      “James, your squeezing my arm” sambit ni Devon ng maramdaman ang mahigpit na pagkahawak ni James sa kanyang braso. Bumalik si James sa paglalakad pero this time kasabay na niya si Devon . Walang mga salita na lumabas sa kanilang mga bibig, tahimik silang naglalakad at nagpapakiramdaman. Tahimik silang dalawa ang tanging ingay lang na maririnig ay ang tawanan ng mga tao sa paligid. Napansin ni Devon na napapalayo na sila sa mga kaibigan. 
“James, I think we need to go back.” Mahina niyang mungkahi “Halika na” at hinihila niya si James.

Biglang naramdaman ni Devon ang mainit na dibdib ni James sa kanyang likod. Naka back hug ito sa kanya. “James, teka sandali” naiilang niyang sabi.
“Can we atleast stay like this for a while.” Pakiusap ni James na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ayaw sana ni Devon dahil naiilang siya at baka may makakita sa kanila, pero sa isang banda gusto niya ang yakap na iyon. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan at dama niya ang init na hatid ng yakap na iyon. Nanatili sila sa ganoon ayos ng ilang minuto.

“James kailangan na nating bumalik”. Mungkahi uli niya. Sumunod naman ito sa kanya at niluwangan na nito ang pagkakayakap sa kanya.

Nagsimula na silang maglakad pabalik, ng malapit na sila sa mga kaibigan nagsalita si James.
“ Devon , can we be friends?” Humarap ito sa kanya at inilahad nito ang kanyang kamay.
Ngumiti si Devon sa tanong na iyon ni James “Why not James” at inabot ang kamay sa binata. Tiyempo namang yun ang eksenang nasaksihan ng makulit na si Joe “Oi ano yan? HHWW – Holding hands while walking kayo ha?”

“Tumigil ka nga” Saway ni Devon na biglang nag blush buti nalang hindi halata dahil madilim, pero naka hawak kamay parin sila ni James. "Gabi na matulog na tayo". Nag ligpit na sila ng mga gamit pero bago matapos ay sinabi ni Joe na morning the night nalang sila pero hindi pumayag ang iba kasi inaantok na. Kaya gumawa na naman ng kalokohan si Joe, kinuha niya ang tubig sa cooler at inihagis ang tubig sa kanila. Buti bago pa nagawa yun eh, nakatakbo na sila. Hawak kamay sina James at Devon na tumatakbo pabalik sa hotel hanggang sa makapasok sila sa kanilang suit. "Lokong Joe yun, ang kulit talaga" tawa ng tawa parin silang dalawa.

"I like the way you laugh" parang wala sa sariling pinuri ni James si Devon, all eyes siya sa dalaga. “It’s like a music” Naiilang uli si Devon sa titig sa kanya kaya isang matamis na ngiti na lang ang tugon niya dito. Wrong move para kay Devon dahil mukhang namagnet ito sa kanya. Hinawakan ni James ang mukha niya, nagtitigan silang dalawa at ang lakas ng kabog ng dibdib ni Devon.

“It’s late matulog na tayo” at binaba ni James ang kanyang kamay. 
“Tama, matulog na nga tayo.” Sagot ni Devon na nauutal.

Hindi mapakali si James, hindi siya makatulog. Ilang gabi na silang magkasama ni Devon at totoo nga ang sinasabi nila. Mahirap sa isang lalaki na may makasamang babae matulog. Lalaki lang siya. Hindi niya lang alam ilang gabi na ring di makatulog si Devon. Sa kaibuturan ng kanilang mga puso may pag ibig na umuusbong. 

Sabi ko na nga ba
Kapwa'y mayroong pag-ibig na lihim
Pagka't sa tuwing magtatama ang ating paningin
Umiiwat ako't di makatagal at ika'y nauutal
Hindi ba't tanda iyan ng nagmamahal

Kung alam mo nga lang
Na kaytagal na kitang pangarap
Ang sabi ko sa puso ko
Ikaw lang talaga

Ang nais na makasama
Ngayon at kailan pa man
Kung hindi ikaw
Huwag na lang sana

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa iyo sinta
Sabi ko na nga ba, iba pag nagmahal

Akala ko nung una, malabo ang mga bagay sa atin
'Di ko inaasam-asam
Na ako'y mahal mo rin
Dahil kung kani-kanino ko pa
Nalalaman ang damdamin mo sa akin, sinta.

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa 'yo sinta
Sabi ko na nga ba, iba 'pag nagmahal


Friday, January 14, 2011

Chapter 12 - Fated to Love

"Ahhhh" Sakit ng katawan ko. Inunat unat ni Devon ang kanyang katawan.  Ganoon din si  James. Magkasabay silang nagtungo sa restuarant kung saan ang mga kaibigan. "Ano bang nangyari at para kayong nabugbog dyan at masakit yang buong katawan nyo?" Nagtatakang tanong ni Emman.
"Kasalanan kasi ng isa dyan! Hindi nga ako makapag lakad ng maayos ang sakit kaya ng balakang ko." Sagot ni Devon.
Hindi naman mapigilan ni James na patulan ang parinig niya. "Bakit yung likod ko masakit din naman ah. Kinalmot mo siguro." 
"Hindi kita kinalmot no, ikaw tong na una. Kung saan saan napupunta yang kamay mo."
"What the heck!" 
Nag umpisa namang mag bangayan ang dalawa at ang mga kaibigan ay palipat lipat ng tingin sa kanila. "Hep hep" awat ni Joe "ang aga aga pa'y mag aaway na kayo?" Tumayo si Joe at pumagitna sa kanila. "Nag uumpisa pa nga lang ang getting to know each other stage niyo  ganyan na kayo". Inakbayan si James at Devon "may nangyari kagabi no?" Malisyosong tanong ng kaibigan na nababanaag ang malisyosong ngiti nito. Dinilatan naman siya ng mga kaibigang babae.
"Pare, tagala?! Congrats pare" kantiyaw ni Jam sabay tapik sa balikat ni James. Sumabay na din sa ito sa kantiyaw ni Joe at nag appear pa ang mga ito.
Biglang tayo si Devon "tama ka Joe, may nangyari talaga! Grrr ayokong maalala." Hindi naman niya maiwasang mamula dahil naa lala uli ang eksena kanina pag gising niya.
"Ang kamay sa ibabang bahagi ng kanyang puson ang kanyang binti nasa bandang itaas na hita ni James, na kung tutuusin malapit na niya masagi ang masilang bahagi nito."
"woooooooooooooooooooo....sabi ko na nga ba eh" Dugtong uli ni Joe. Naki buyo narin ang ibang mga lalaki.
"Will you guys stop it? Ang dudumi ng mga utak niyo." Bulyaw ni James. "Nothing happened! and you" biglang hila kay Devon para maupo uli "Stop talking nonsense baka ano pa isipin nila".
Sasabat pa sana si Devon pero dumating na ang mga pagkain nila kaya nag iba ang aura niya. Matakaw kasi ito sa pag kain. After nilang mag breakfast ay nag tungo na sila sa mga tourist spots ng Bali.
Kahit nasa tour hindi parin matigil tigil ang panganagntiyaw ng mga kaibigan sa kanila. Himala namang hindi naghihiwalay ang dalawa kahit na mas madalas namang mag asaran at mag hampasan lang. 
Pagod pero masaya ang mag hapong tour nila. Parang bata si Devon na amaze na amaze sa nakikita nito.  Si James naman, di maiwasang di mapansin ang pagiging bubbly niya. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalaga at napapansin ito ng mga kaibigan nila. Nadadala ni Devon ang ibang turista na kasama nila. Sa likas na pagiging masayahin nito lahat ng tao nadadala niya. 
-----------------------------------
"So ano na kaganapan sa inyong dalawa?" Tanong ni Lyn habang nag iihaw ng hotdog. Silang  apat na babae lang ang naiwan sa tabi ng dagat habang ang mga lalaki ay nag swimming. Napag kasunduan nila na mag camp fire noong gabing iyon. 
"Maliban sa mag hampasan at mag asaran uhmm wala na." Sagot ni Devon habang nginunguya ang pagkain.
"Oi progress na yun ha" Tumabi si Emman dala ang hotdog na iihawin. "Hindi niyo napapansin pero unconsciously palagi kayong dikit ha, kahit nga sabihin nating nagaasaran lang kayo."
"Hindi naman, hindi kami close niyan. Wala lang yun." 
"Kunwari kapa, pero kilig ka naman." Sambit ni Heidi bitbit ang gitara. "Ang cute niyo ngang tingan eh." "Uyyyyyyyyyyy, madedevelop na yan." 
Nagkatuksuhan na silang mag kaibigan ng siya namang pag dating ng mga lalaki.
"Sinong madedevelop Di? Tanong ni Jam kay Heidi. "Ikaw? madedevelop sa akin?"
"Hmp, asa ka? Ayoko sa mayabang."
Umupo na ang mga lalaki, si Jam tabi kay Heidi kahit ayaw nito sa kanya. Mag kaharap naman si James at Devon. Nag kantahan sila gamit ang gitara. Isa isa silang kumanta, na kahit si Lyn, Joe at Heidi na 'di marunong ay napa kanta narin. 
"O ikaw naman mag gitara Devs" bigkas ni Emman sabay abot sa gitara.
"Hindi ako marunong, ano ba.!" dinilatan niya ang kaibigan
"Kunwari kapa"
Nahihiya si Devon kasi simula ng bumalik sa ang mga lalaki sa pag swi-swimming at maupo kasama nila, napapansin niyang hindi hinihiwalay ni James ang tingin sa kanya. Feeling niya para siyang malulusaw sa titig nito. "Eto na naman ang tingin niya na nakakamatay" sabi niya sa sarili.
"Maruno kaba? The last thing I remember was you broke my guitar" biglang salita ni James.
Naalala naman niya ang ang nangyari sa music room. Kaya bigla siyang napapayag na mag gitara dahil she remember na sinabihan siya nitong di marunong.
"Pwede mag request?" Tanong ni Emman at pumayag naman siya. "Yung themesong mo" 
"Ha? eh ba't yun" Alam ni Devon na sinasadya ng kaibigan na ipakanta sa kanya ang isa sa themesong niya. Nabanggit kasi niya dati na pag may papakasalan o makikita na niya ang "the one" niya, yun ang magiging song niya. "Hindi pwede yun". 
"Sige na" Siya naman ang dinilatan ng kaibigan. Nang uudyok naman ang iba ka napapayag naman siya nito kaya nag simula na siyang tumugtog.
"Kainis" Sabi niya sa sarili.
Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda

Hindi maiwasan ni James na matulala at mas lalong pa siyang tumitig sa kaharap
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Para itong dyosa sa likod ng ng munting usok ng apoy.
Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Matiim namang nakamasid ang mga kaibigan nila. Minamatyagan nina Lyn, Emman at Kyle si James.
Si Jam naman kinukulit si Heidi. Si Joe at Micah tumayo nag nag sayaw sa likod ng sweet.

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na love parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para akin ikaw parin
Ang pinagwapong papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda 

http://www.youtube.com/watch?v=tCsFDEIk_W4&feature=player_embedded#!

Friday, January 7, 2011

Chapter 11 - Fated to Love

“Ha? Sa Bali po?” excited na wika ni Devon sa senyor. “Wow”
“Tama, since sem-break niyo naman sa susunod na linggo kaya pwede kayong mag bakasyon muna.”
“Pero kasi po lolo may court hearing po kasi si papa.”
“I know iha. I’ve talk to your parents already at pumayag naman sila. May isang linggo ka pa naman para maka dalaw.”
“I thought lo magtratrabaho ako this break.”
“Oh don’t worry James, what’s the hurry apo. Kailangan mo ring mag saya kasama si Devon.” ani ng matanda. “And besides Sam is here.”
“Yeah don’t worry James, gusto ko nga sana sumama eh. Kaso need to be in the office. Pero kung ayaw mo talagang pumunta ng Bali eh di ako nalang ang sasama kay Devs.”
How James hated Sam calling Devon Devs na parang ang close nito sa kanya. Sasagot sana siya pero bigla namang nag salita ang Senyor. “Ay naku Sam kailangan kita sa office kaya hindi ka pwedeng umalis.”
“I know lolo, kung makalusot lang naman” nakangiting tugon ni Sam habang naka akbay kay Devon na nkangiti din sa kanya.
Lihim namang nakatingin sa kanila si James.
----------------------------------------------------
“Surprise” Laking tuwa ni Devon ng makita ang mga kaibigan sa paliparan. “Sasama kayo”.
“oo obvious ba.” Sagot ni Heidi "Na shock nga kami ng sinabi na kasama kami sa bakasyon niyo tapos all set na daw and all, gulat diba? amazing."
“Sayang wala yung iba kasi may raket daw.” Dugtong ni Lyn.
Niyakap naman ni Devon ang mga kaibigan dahil sa excitement. Isang pilipina ang nag asikaso sa kanila ng makarating sila sa tinutuluyang resort. Na shock sina James at Devon ng malaman na mag kasama sila sa isang room. 
"Yan ho ang nakalagay sa reservation niyo Maam, bakit ho aren't you married couples?"tanong ng receptionist sa dalawa.
"Pero kasi bakit ganoon Ms, hindi kasi talaga pwede eh pwede bang kumuha nalang ako ng ibang room o kaya sa kanila nalang ako sa friends ko." paliwanag ni Devon.
"Naku mam fully book na ho ang hotel wala na hong available." Nagtataka ang babae bakit ayaw ni Devon na mag kasama sila ni James. 
Sumabat naman si Emman "Ano bang problema Devon, walang namang masama kasi mag asawa naman kayo."
"yeah, exciting to, goodluck pare" pangaasar ni Micah sabay akbay kay Heidi, pero agad naman siyang sinikmuraan nito. "Close?"
"Sige na wag kang maarte Devon, puno na ang hotel wala kang choice." Itinulak ni Emman si Devs kay James. Dinilatan naman niya ang kaibigan. Alam niya na sa isip ng mga ito tinutukso siya.
------------------------
"O my god... I can't actually believe that you're doing this." bulyaw ni lyn kay Micah, Jam at Joe. Nasa labas silang ng pintuan ng room nila James at Devon. "You're eavesdropping!".
"Ano ba 'wag kang maingay Lyn. Mahuli pa tayo  nito eh." Bara ni Joe sa kaibigan. Sina Joe, Micah at Jam ay idinikit ang mga tenga sa pintuan samantalang sina Heidi, Lyn, Emman at Kyle ay nakatayo sa likod. "Pag nahuli tayo nila lalo na si James, patay tayo." Sagot uli ni Lyn.
"Hali na nga kayo. ano ba?!!!" Hinila na nila ang tatlo palayo sa room ng mag asawa.
"Teka ano ba... naman oh ang kj niyo talaga." pahabol na wika nila joe, jam at micah.


Tapos ng mag shower si Devon. Kinakabahan siya simula pa kanina. They'll be sharing bed. Naki usap siya sa mga kaibigan na doon matulog sa room nila pero pinalayas siya ng mga ito.  Pina alala pa sa kanya yung usapan nila na dapat maging close sila ni James at dapat umpisan niya ngayong break. Sa isip niya pa'no naman sila maging close kaya?


Pag labas niya naka higa na si James at nanunuod ng TV. Hindi sila nag iimikan. Nakatayo lang si Devon. Iniisip niya kung sa sofa o sa bed siya matutulog. But on the second thought bakit siya  sa sofa, dapat si James. Biglang siyang dumampa sa kama at hinila ang kumot kay James. "Move over there." Mando niya kay James. Nilingon siya nito "You mean on the couch?"
"Oo saan pa nga ba?" sarkastikong sagot niya. "Alangan namang tabi tayo matulog no."
Tumawa ng malakas si James. "Why, are you worried? Are you thinking that I might gonna do something to you?"
Agad namang namula si Devon pero hindi masyadong halata dahil sa ilaw.
"If you want ikaw ang matulog doon?" tinuro ni James ang sofa. 
"At bakit ako aber?" mataray niyang sagot sabay pamiwang nito. 
"'cause I'm not gonna sleep on that couch." Pinatay na ni James ang ilaw sabay hila ng kumot.
Nag ngingitngit si Devon sa inis "ano ako baliw?" kinuha niya ang mga unan sa sofa at inilagay sa kama. Pinagitna niya ang mga ito sa kanila. "What are you doing?" Tanong ni James ng sumikip bigla. "Well as you can see nilagyan ko ng unan dito sa gitna, alangan naman ako ang matulog sa sofa no" "at 'wag kang lalagpas dito malilintikan ka sa akin." 
"Huh! In your dreams you're not my type." Tumalikod na si James para matulog na. Ganun din si Devon pero napansin niyang wala siyang kumot kaya hinila niya yung kumot kay James. 
"What the..." nainis si James kaya hinablot niya sa dalaga ang kumot. Gumanti naman ito kaya hinila naman niya pabalik sa kanya hanggang sa naghilahan na sila ng kumot. Mahinang sinipa ni Devon si James dahil sa inis pero gumanti ito ng itulak niya ito gamit ang paa pero buti nalang hindi nahulog si Devon. Nagtutulakan sila gamit ang kanilang mga paa at nag hihilahan ng kumot. Nawala na rin ang mg unan sa gitna. Hindi na nakatiis si Devon sa inis niya ay kumuha siya ng unan at tinabunan ang mukha ni James. Nagpupumiglas naman ito ng maka hila ito ng isa pang unan na hinampas niya kay Devon. Gumanti ng hampas naman ang dalaga hanggang ang lahat ng unan ay isaisang hinahamapas sa isa't isa. Para silang mga bata na nag aaway, hampasan dito, hampasan doon, hilahan at kung ano pa. Hanggang sa mapagod ang dalawa at na upo sa bawat dulo ng kama. Nang marelax na agad tumayo si James para mag tawag ng room service. Napunit kasi ang mga unan at kumot kaya pinapalitan nila ito at ichacharge nalang daw sa kanila ang damage. Nag request narin siya ng isa pang kumot para tig iisa sila ni Devon. Natulog naman sila dahil pareho silang napagod sa nangyari trying hard na di masagi ang bawat isa. 


Sabay na nagising silang dalawa. Napansin ni Devon ang ang kamay ni James ay nasa puson niya samantalang ang paa naman niay ay nakadantay sa paa binti ni James. "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa..." pareho nilang sigaw.



Thursday, January 6, 2011

Chapter 10 - Fated to Love

Linggo walang pasok at maagang nagising si James dahil sa ingay na likha sa labas. Dinig na dinig mula sa kanyang silid ang malakas na tawanan na nagmumula sa may swimming pool na bahagi ng bahay. Kilala niya ang boses na iyon. Lumabas siya sa terasa para tingnan, their she saw Devon with her siblings Fretzie and Bret.

Maaliwas ang mukha ni Devon and for the first time doon lang niya napansin ang maganda nitong mukha. Isang linggo na silang hindi nagkikita ng dalaga. Umaga pa kasi umaalis na ito kaya wala siyang naririnig na maingay na katabi sa kotse, madalas kasing kinakausap nito ang driver at ang bodyguard. Pag dating naman sa school hindi niya ito nakikita sa tambayan nilang magbabarkada. Pag gabi naman hindi siya sinasaluhan sa pag kain. Much to his surprise saka lang niya napansin na miss pala niya ang ingay nito. Madalas kasi naririnig niya ang malakas na tawa nito, mga nakakatawang kwento  at mga kulitan nito sa mga kasambahay. Kahit hindi sila nag iimikan at madalas mag pansinan ni   Devon hindi naman ibig sabihin hindi niya nakikita at naririnig. He sometimes caught himself laughing alone on her silly jokes and her laughter that echoes the entire house that seems like enticing and tempting. Now that he heard Devon laughing naging magaan ang kanyang pakiramdam.

Napansin naman ito ni Fretzie na nakatingin si James sa kanila. “Nagising yata si James, masyado yatang malakas ang tawa mo.”

“Bayaan mo nga yan. Paki alam ko jan.” Tugon ni Devon kay Fretzie pag katapos lingunin si James.

“Nag away ba kayo?” tanong ni Bret
“hay! Hindi naman hindi ko lang talaga siya gusto at saka pwede ‘wag natin siyang pag usapan. Nasisira araw ko.”

Nadismaya si James ng makitang nakasimangot si Devon ng nilingon siya nito. “Baka na inis ng makita ako.” Wika niya sa sarili.

Naasiwa si Devon dahil alam niyang nakatingin sa kanya si James hindi parin kasi ito umaalis sa terasa at sabi ni Fretzie sinusundan siya ng tingin ng binata. Sumisimple din niyang tinitingnan ito kung totoo ngang nakatingin ito sa kanya at  totoo nga dahil nag tatama ang kanilang mga mata.

Na ko conscious na si Devon at naiinis siya dahil pakiramdam niya may mali na naman siyang ginawa. Kaya inaya nalang sila Fretzie at Bret sa kanyang silid.

“Pa’no niyo sasabihin kay mama at papa ang tungkol sa inyo?” seryosong tanong ni Devon kay Bret
Tahimik namang ang dalawa. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nilam, si Fretzie at Bret ay may relasyon bilang mag kasintahan. Si Devon lang ang nakaka alam ng totoong namamagitan sa kanila. Hindi naman talaga kasi sila mag kapatid. Simula’t sapol hindi magkapatid ang turingan nila.

“Sa tingin mo ba our parents would not freak out pag nalaman nila?” sagot ni Bret. “Hindi pa tamang panahon Dev, masyado pang maraming problema at ayaw naming ni Fretzie maka dagdag. Kaya naman naming itago after all mag kasama naman kami sa bahay.“

“Huwag mo kaming intindihin kahit papano mag kasama kami diba. Ayaw ko munang isipin ang magiging reaksyon nila mama at papa.” Dagdag ni Fretzie.

Hapon na ng umalis ang dalawa. Pinahatid ito ni Devon at nag padala din siya ng pag kain para sa ina. Gusto sana niyang sumama pero sabi ni Bret sa susunod nalang pag okey na sila ni James.

“Senyorita kanina pa po tawag ng tawag si senyorito Sam” inaabot ni Lourdes ang phone kay Devon . Sakto namang nan doon din si James.

“Oh Sam, bakit ka napatawag?” Masiglang tanong niya. “Okey sure susunduin mo ako?”  “OO sige magbibihis lang ako. Sige bye.”  Tumakbo si Devon sa kanyang silid at nagmamadaling mag bihis. Hindi niya alam na andoon si James at napakuyom ng marinig ang usapan nila.

Umalis si Devon dahil inimbitahan siya ni Sam kumain sa labas. Si James naman hindi mapakali maya’t maya mag tatanong kung umuwi naba ang dalaga.

“Do you know that it’s not good to look at that you’re going out with another guy while you’re married?” Mainit ang ulo ni James ng sinalubong si Devon pag uwi nito.

Tinaas naman ni Devon ang kanyang kamay at nag palm face siya “Well, wala namang makaka alam. I don’t have a ring and besides it’s your cousin that I’m with so what’s the big deal?” sabay talikod niya.

“Still it’s not good to look at. Ayoko ko lang na masira ang pangalan ko.”
“The hell with your precious name.”  Hinubad ni Devon ang isang pares ng kanyang sapatos at binato kay James.
“Damn” haplos ni James sa kanyang ulo. “What did you do that for?” Pero binilatan lang siya ng dalaga habang mabilis na tumakbo at dahil doon hinabol din niya ito. Para silang batang naghahabulan mula sa unang palapag ng bahay hanggang sa ika apat. Hanggang sa mapagod sila. Pinakiramdaman ni Devon kung nasa malapit lang ba si James ng matantong parang wala naman ay dahan dahan siyang lumabas sa pinag tataguan nito, bitbit ang isang pares pa ng sapatos upang hindi makalikha ng ingay. Ng malapit na siya sa kanyang silid laking gulat niya ng may biglang humila sa kanya. Sisigaw sana siya pero natakpan ang kanyang bigbig ng taong humila sa kanya. James kiss her.

“Now we’re even” sambit ni James at tumakbo ng mabilis papasok sa kanyang silid habang si Devon at nakatulala.

Tuesday, January 4, 2011

Chapter 09 - Fated to Love

"Nakaka inis.. grrrr.. Nakakainis ka talaga...Akala mo kung sino. Akala niya gusto ko ring magpakasal sa kanya palibhasa kasi wala siyang alam. Ang kapal lang talaga ng mukha." galit na sambit ni Devon sa sarili habang sinisipa niya ang lata. Pagkatapos ng tagpo kanina ay umalis siya na humahagulgul ng iyak. Minsan na nga lang sila mag usap ni James ganoon pa ang nangyari. Pinahiran niya ang kanyang luha at dahil maaga pa naisipan niyang pumunta muna sa clubhouse para mag pahangin. Natuon ang pansin niya sa isang pamilya na masayang kumakain sa isang kainan doon. Naalala niya tuloy ang pamilya niya. Gusto sana niya itong tawagan pero hindi niya dala ang kanyang cellphone. Naiyak nalang siya ng maalala niya ang mga ito.

"You're too beutiful to cry."
Nagulat si Devon.
"Hi" Bati ni Ivan.
Nahiya naman si Devon sa itsura niya kaya dali daling inayos ang sarili.
"Use this" Inabot ni Ivan ang panyo niya. " Sige na"
Nahihiyang kinuha ni Devon ang panyo nito.
" I saw you crying kaya lumapit ako, okey lang ba.?"
"Uhmm" Tumango si Devon .
"They're pretty nice" Bigkas ni Ivan.
"Huh?" Tanong niya.
Ngumiti uli si Ivan na tumingin sa kanya na siya niyang ikinailang.
"That family you were looking at" Tugon ng binata. "Diba tinitingnan mo sila kanina kaya ka umiyak.?"
Ngumiti ng pakla si Devon saka nagsalita. " Miss na miss ko na sila."
"Where's your family? Are you not with them?"
Umilingin naman si Devon . "Mahabang storya eh"
"Well, I'm willing to listen." Sabi ni Ivan habang tinitingnan mga kabataang naglalaro. "Would you like something to eat?"
"Ay no thank you." Tanggi niya sa binata.
"I won't take no for an answer." Sabay tayo ni Ivan "Come on" Paanyaya niya.
"No"
"Don't worry I won't harm you and by the way I'm Ivan." Inilahad nito ang kamay niya.
Ngumiti naman si Devon . Kahit ngayon lang niya ito nakita ay magaan agad ang loob niya dito. Ang bait kasi ng mukha.
" Devon " inilahad din niya ang kanyang kamay.
"So? Are you coming? Baka mag iiyak ka lang dito."
"Sige na nga, bast libre mo ako ha."
Dahil lagpas alas singko na ay itinuloy nalang nila sa hapunan ang pag kain nila.
"Matagal ka naba dito sa subdivision?" Tanong ni Ivan sa kanya.
"Uhmm mga more than a month pa lang. Ikaw?"
"Well, kakalipat ko lang. I came from States my family leaves their already. I find this place kasi nice to live with at para narin malapit sa kaibigan ko."
"Ikaw lang mag-isa? Bakit ka pa pumunta dito kung andoon pala sa States ang family mo."
"Well, let's say I'm finding my own destiny?"
"Talaga lang ha at sa Pinas mo pa hahanapin destiny mo."
Marami pa silang napag kwentuhang dalawa tungkol sa mga buhay nila. Madali silang nagkagaanan ang loob. Nalaman din nila na pareho sila ng school na papasukan. Ivan will start studying sa school nila Devs. Natuwa naman si Devon na may magiging bago siyang kaibigan.
"You know you look familiar." Wika ni Ivan.  "I think I saw you somewhere."
“Marami naman akong kamukha masyado kasing common fezlak ko”
“Huh” Fezlak?
Tumawa si Devon dahil nangunot ang noo ni Ivan. “wala salitang kanto lang.”

Hindi narin nagsalita si Ivan ngumiti nalang ito pero iniisip parin niya kung saan niya ito nakita .
After nilang mag dinner ay nag laro sila. Gabi na pero hindi sila nagpaawat. Parang nagbalik sa pagkabata si Devon. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Parang matagal na silang magkakilala ni Ivan.

Habang naglalaro nakita ni Devon ang mga bodyguard nila ni James. "Tiyak hinahanap na nila ako". Tiningnan niya ang kanyang relo at nakitang malapit ng mag alas otso. Bigla niyang hinila si Ivan. Ayaw pa niyang umuwi.
"Why somethings wrong?" Tanong ni Ivan habang tumatakbo sila ni Devon palabas. Nagtaka man nung una pero sumunod nalang siya sa dalaga.
"Wala lang gusto ko lang tumakbo, okey bah." Sagot niya rito at nagkatawanan naman silang dalawa.
------------------------------------
"Wala pa po si senyorita" anunsyo ni Steff. Nagsalita rin ang mayordomo na hindi daw nakita ng mga guwardiya si Devon sa buong subdivision.

Naka tayo si James sa terasa at nakatingin sa labas. Dinig niya ang ang sinabi ng katulong.  Malapit na mag alas nuwebe at wala pa ang dalaga. Tinawagan narin nila ang pamilya ni Devon pero hindi nila sinabi na nawawala siya. Hindi kumikibo si James, hindi man niya aminin pero nag aalala siya kay Devon. Nalaman niya na wala rin itong phone na dala at ang ikinababahala pa niya pag nalaman ito ng lolo niya tiyak susugod iyon sa kanila ng wala sa oras. Naiinip na siya sa kakahintay. He was sorry for what he did and for those harsh words na sinabi niya.
"Where the hell are you?" sa isip ni James
"Alam mo ang gaan ng loob ko sa'yo?" pag amin ni Devon kay Ivan at ngumiti naman ang huli
"Pareho lang tayo."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Nilanghap ni Devon ang hangin. "I need to go home na." Sabay tayo niya dahil nakaupo sila sa may gilid ng kalsada.
"I'll walk you home." Pag presenta ng binata.
"Nope, no need gusto ko muna maglakad lakad mag isa."
"But it's too dangerous gabi na. I just can't let you go home like that." Ivan insisted
"hahahaha.. Malapit lang ang bahay namin nakita mo yang bobong na yan?" turo niya sa isang bahay "diyan ako nakatira, kaya there's no need na ihatid ako" pag sisinungaling niya.
"Ikaw nga diyan baka malayo pa bahay mo bago kapa naman dito baka ikaw ang maligaw niyan?"Biro niya. "Sige na okey lang ako."
Ayaw sana pumayag ni Ivan pero naramdaman niyang parang gusto ng dalaga na mapag isa muna kaya hinayaan nalang niya ito total naman nasa unahan lang naman daw ang bahay nito.
"You sure?"
Tumango si Devon
"Okey goodnight and thank you."
"Ikaw din, bye."
"Devon" Tawag uli ni Ivan "I'll see you around."

Naghiwalay na silang dalawa. Mag isang naglakad si Devon pauwi sa bahay nito pero napansin niyang parang sa ibang block siya napunta. Ang totoo hindi niya pa nalibot ang buong subdivision, eh pa'no ba naman hatid sundo siya ng kotse at hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon malibot ang lugar. Bigla siyang kinabahan dahil madilim na ang bahaging iyon. Sira kasi ang isang poste nito. "Mukhang dapat pala nag pahatid nalang ako." Bumalik siya sa kanyang dinaanan kanina. "Sa kanan, sa kaliwa o diretso." Iniisip niya kung saan ang daan pauwi.
--------------------------------
Pauwi na si Sam ng nakita niya si Devon. Malayo palang napansin na niya ito noong una akala niya namalikmata lang siya pero ng malapit na siya sa kinatatayuan ng dalaga ay agad niyang napagtanto na si Devon nga. "What is she doing here at this time?"

Huminto si Sam sa harap mismo ni Devon na siya namang ikinabahala ng huli. Natakot siya baka kung sino eto o baka pick-apin siya. Pero nawala ang kaba niya ng makitang si Sam ang bumaba sa kotse. "Devon, what are you doing here?"
"Sam, buti andito ka"
"Gabi na ah, bakit andito ka? Si James kasama mo? Bakit mag isa ka lang?"
"Teka teka hinay hinay lang ang daming tanong mahina ang kalaban."
Natawa naman si Sam sa tugon niya.
"Mahabang kwento pero parang naliligaw yata ako."
"Ha? Eh bakit kasi andito ka pa bakit hindi ka sinundo?"
"Naiwan kasi phone ko eh"
"I'll drop you home, come on." Hinila ni Sam si Devon at sumunod nalang siya.
"Nag away ba kayo?" Tanong uli si Sam
"Oe eh pero huwag nalang nating pag usapan" pag iiwas niya.
Iniba nalang ni Sam ang usapan nila hanggang sa makarating sila sa mansyon.

"Senyorito andyan na po si senyorita"  balita ng isang katulong kay James. Agad itong bumaba.
"Salamat Sam ha sa paghatid"
"No problem, dapat kasi laging dala mo phone mo para matawagan  mo ako pag kailangan mo ng sundo buti nalang napadaan ako doon." Paalala ni Sam
Narining naman yun ni James habang papalapit siya sa mga ito. "Saan ka galing?" Walang ka imo imosyong tanong niya.
Napalingon ang dalawa. "Hi James" bati ni Sam sa pinsan. "Hinatid ko lang si Devon, nadaanan ko kasi siya habang pauwi."
 "Sige Sam tatandaan ko yang sinabi. Salamat talaga. Matutulog na ako."
"Sige goodnight Devs. Alis na rin ako. James, sige insan." kumaway si Sam bago tuluyang umalis.
Nilagpasan ni Devon si James na parang wala itong nakita.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Saan ka galing?"
"Diyan lang nag pahangin"
"Uli uli huwag lalabas kung saan saan. Paano kung napahamak ka?"
Bumuntong hininga si Devon.
"Bakit ba ang dami mong bawal. Walang mangyayari sa aking masama kaya ko ang sarili ko."
Tuluyan ng umalis si Devon at dumiretso na sa kanyang silid. Masyado na siyang pagod para maki pag away.
Tiningnan nalang ni James ang papa;ayong dalaga. "Sorry" Sa isip niya but he's too proud to admit.

Monday, January 3, 2011

Chapter 08 - Fated to Love


Asan na ba yon.?" Hinahalungkat ni Devon ang kanyang drawer. Hinahanap niya ang kanyang bracelet. Nasa bahay na siya ng mapansin niyang wala ang kanyang bracelet.  Ang akala niya sa bahay niya ito naiwala kaya boong silid ay hinalungkat na niya.

"Senyorita, ano ho bang hinahanap niyo?" Tanong sa kanya ni Steffanie ng maabutan siyang nagahahanap sa kanyang cabinet.

"Nawawala ang bracelet ko, alam ko suot ko lang yun kanina eh bigay pa naman yun ni papa." paliwanang niya ka Steff at tinulungan na rin siya nito. Hinalungat na nila ang buong silid pero walang bracelet silang nakita at lahat na ng kasambahay ay tumulong narin sa paghahanap. Mula sa sasakyan, sa gate, sa patio, sa sala at lahat na pero wala parin, hind kasi niya ito namalayan na nahulog ito ng naghahabulan sila ng mga kaibigan.

 Maiyak iyak na si Devon ng hindi parin makita ang bracelet niya. Masyado itong mahalaga sa kanya dahil isa itong heirlom ng pamilya na sinadyang pinaukitan ng papa niya ng kanyang panagalan.. Bigay ito ng kanyang papa, mula pa raw ito sa kanyang lola. "Naku patay ako kay papa nito."

Hanggang sa wala ng choice si Devon kundi pasukin ang music room ng bahay.

"Ah senyorita." pag aalangan tanong ni Steffi . "Nakapasok na ho ba kayo rito?"

"Ha eh kasi" napakamot sa ulo ang dalaga.

Walang nagawa si Devon kundi sabihin ang totoo. Pinagbawalan kasi ni James ang kahit sino man ang pumasok sa silid na iyon.

"Eh senyorita diba bawal ho pumasok dito?" Nasa may pintuan na sila.

"Oo alam ko, pero pumapasok kasi ako dito eh. Huwag kang maingay ah." Sabay senyas kay Steff. "Tapos kanina kasi dito ako dumiretso pag katapos ng klase kasi may nirecord akong kanta so baka andito yung bracelet ko diba."

"Eh kung nandito yun makikita naman siguro yun pag lilinisan itong silid." nagsimula na silang maghanap.

"Eh di mas lalo kung dapat makuha ang bracelet dahil malalaman ni James na pumapasok ako dito. Sige na bilisan natin habang wala pa siya."

Wala ng nagawa si Steff kundi sumunod sa senyorita niya. "hay naku senyorita mukhang wala ho dito. Labas na ho tayo."
"Ikaw ba Steff nakapasok na dito?" 
"Hindi pa po, may nakatuka kasi na maglinis dito at saka dapat alam yun ni senyorito."
"Hmm, ano ba kasi meron dito at ganoon nalang siya ka damot na 'wag papasukan."

"Yung mga kaibigan lang ho niya ang nakakapasok dito yung tatlong guwapo ho na classmates din niya at saka yung isa pa pala nakalimutan ko lang pangalan niya guwapo din yun." saka lang napansin ni Steff na nakatingin at nangingiti si Devon sa kanya na siya naman niyang kinahiya.

"Tama guwapo nga sila pero sino naman yung isa.?" Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paghahanap.
"Senyorita, tara na po." Tawag uli ni Steff.
"Sandali lang." Gumapang gapang pa si Devon sa kakahanap at ng mapagod ay tumayo narin ito. "Ang mamahal siguro ng mga ito no"? Bigkas niya habang hinahaplos ang mga instrumento na nasa silid na iyon.

Kinuha ni Devon ang isang gitara "Ang ganda naman nito." "Mahal siguro to" at agad niyang pinatugtog ang gitara at kumanta siya.

"Wow senyorita ang ganda pala ng boses niyo?" manghang sambit ni Steff. "Siguro ang cute niyong tingnan ni senyorito pag sabay kayong tumugtog."
"Naku yan eh kung magiging friends kami." sagot ni Devon kay steff habang binabalik ang gitara ng biglang.

"oh my gosh" gulat na sambit niya at si napatili naman ang katulong ng isa isang natumba ang mga gitara. Hindi na nailagay ng maayos ni Devon ang gitara ng ibinalik niya ito sa dating pinaglagyan. Magkakasunod sunod kasi ito ng pag ka ayos kaya ng natumba ang isa nag sisunuran naring ang iba na nasa likod nito.

Biglang kinabahan si Devon pati narin ang katulong at nag tinginan silang dalawa. Dali daling inayos nila ito. "Naku relax relax". Isa isa nilang inayos ang mga ito ng may narinig na boses.
"What the hell are you two doing here?!" Nagulat si Devon at Steff ng marinig ang matigas na boses ni James. At dahil doon ang patapos na sana nilang pag aayos ay natumba uli.

Kadarating lang ni James kasama ng mga kaibigan niya ng maabotan niya ito sa music room.
Hindi halos makalingon si Devon habang si James ay pasugod na lumapit sa kanila.
"what the f**" nagulat si Devon sa tinuran ni James. "Shit Shit!" Paulit ulit na bigkas ni James. Dahil sa takot walang ni isang salita na lumabas sa bibig niya. Lilingon hindi ang ikinilos ni Devon.
"Who give you the right to come here? and what have you done?" Sigaw ni James sa kanya ng makita nitong nagkalat ang mga instrumeto.
"Ah eh.. uhmm ahhh" ang tanging bigkas ni Devon.
"James relax pare" bigkas ni Jam.
Pinulot ni James ang isang gitara at mas lalo itong nagalit ng makitang naputol ang string nito.
"See? Sinira mo to."
Napaatras si Devon dahil inilapit ni James ang gitara sa mukha ng una. "Eh hindi ko naman sinasadya. I'm sorry."
"Sorry, do you know how much this is?" pasigaw na  wika ni James sabay hawak ng braso ni Devon. "Para kang ignorante. Hindi makukuha sa isang sorry ang ginawa mo."
Tuluyan ng naiyak si Devon dahil sa sinabi ni James at dahil narin sa nahiya siya sa mga kaibigan nito.
"Sobra ka naman. Akala mo ba sinadya ko yun." Mahina niyang tugon. " Sorry na, papalitan ko nalang." 
"Huh sa tingin mo kaya mo itong palitan?"
"Gitara lang naman yan ah."
"Lang, this is not just a mere guitar Devon at hindi lang dahil dito ang ikinagagalit ko. Unang una wala kang karapatang pumasok dito hindi porke dito ka nakatira at asawa kita ay may karapatan ka ng pumasok kung saan saan."
"James" tawag ng butler ng makita niya hatak ni James ang braso ni Devon. "Anong nangyayari dito?"
"Why is she here?" Tanong ni James habang hindi inaalis ang galit na titig kay Devon.
"Hindi ko alam na pumasok pala si Devon dito." Saka napansin si Steff. " ar bakit karin nandito.?
"Eh kasi po, kasi may hinahanap po kami ni senyorita." Takot na paliwanag ng dalaga.
"Huwag niyo siyang tanungin isinama ko lang naman siya dito." Sabat ni Devon. "Nawawala kasi yung bracelet ko kaya nakarating kami dito sa pag hahanap."
"And what makes you think na andito yung walang kwentang bracelet mo?" 
Agad namang sinabi ni Devon ang totoo kung bakit sila nakarating sa silid na iyon.
"Aray." Sigaw ni Devon ng mas lalong hinigpitan ni James ang hawak sa braso niya. Inawat naman siya ng mga kaibigan. "Pumapasok ka pala dito".

"Sorry talaga"

 Malumanay namang nagsalita ang matandang katiwala. "Devon sige na bumalik kana sa silid mo at mag uutos na lang ako hanapin ang bracelet mo dito tutal mukhang kailangan din tong ayusin. Sige na iha, Steff ihatid mo  na ang senyorita mo."

Pinahiran ni Devon ang kanyang luha. Pero hindi paman siya nakalabas nang muling nag salita si James.

"Wala ka ng ginawa kundi manira ng buhay. My life was perfectly all right until you came along. Palibhasa kasi may pera kang makukuha kaya atat kang mag pakasal dinahilan mo pa ang pagkakulong ng papa mo. Diba mayaman ka naman ngayon bakit hindi mo palitan yang walang kwenta mong bracelet ng hindi ka nag hahalungkat kung saan saan at  nakakasira ka pa ng gamit. Bastard."

The last word was so mean. Sa lahat ng pwedeng sabihin ni James yun pa. Galit na humarap si Devon pero hindi naitago nito ang mga luha niya na parang sirang gripo na umaagos.

"Oo na mali ako ng pumasok ako dito. Mali na ako ng pinakialaman ko ang gamit mo. Kaya nga sorry diba. Humihingi ako ng tawad. Pero hindi ko matanggap yung mga huling sinabi mo. Bakit sa tingin mo ba gusto kong dalhin ang apeliyedo mo. Huwag mong idamay ang pamilya ko dito. Kung nagtitiis ka pwes pareho lang tayo". Pinahiran niya ang kanyang mga luha dahil nanlalabo na ang kanyang paningin.
"Ang sakit mong mag salita ng dahil lang sa gitarang yan." Binigyan niya ng diin niya ang salitang "lang". Akala mo kung sino ka at hindi lang basta bracelet yun. Mahalaga pa yun sa buhay mo! Tama ka mayaman na ako, kaya kong punooin ang bahay na to ng gitara mo." Mahabang salita ni Devon " at wala karing karapatang tawagin akong bastardo." sabay sipa niya sa isa pang gitara na nasa sahig at tuluyan na itong tumakbo palabas. Hinabol naman siya ni Steff.

Nagulat naman si James sa nakita niyang pag iyak ni Devon. Hindi niya akalain na matindi pa la itong umiyak. 
Hindi siya sanay na may nakikitang umiiyak sa harap niya. Para naman siyang natauhan sa mga sinabi niya rito. Napatingin siya sa mga kaibigan at sa matandang mayordomo. Para siyang nahiya sa inasal niya at nagpakita naman ng dis gusto ang mag ito sa ginawa niya.

 "James, hindi ko akalaing masasabi mo yun." Bigkas ng matanda. "Masyadong masakit ang sinabi mo." 

Hindi naman siya umimik. Nag over react lang talaga siya sa nangyari. Nasanay kasi siyang sinusunod ang gusto at utos niya. Sa bahay lang naman na iyon siya ang nasusunod at sa bahay na iyon siya malaya. Sa kanyang lolo lang naman kasi siya hindi makapag react at makapag reklamo. Pero si Devon ito lang ang nangahas na pumasok sa silid na iyon. Kung tutuusin pwede namang palitan ang nasira niyang gitara kaya lang masyado siyang nagpadala sa inis niya kay Devon.