Pages

About Me

Saturday, January 15, 2011

Chapter 13 - Fated to Love

     Malalim na ang gabi pero masaya paring silang nag kukwentuhan at parang walang balak matulog . Tawa sila ng tawa sa mga jokes ni Joe. May mga iilang foreigner din sa paligid. Napansin ni Devon na wala si James kaya hinanap niya ito. Nakita niya itong naglalakad sa may tabing dagat na parang ang lalim ng inisip, kaya naman nag excuse siya sa mga kaibigan para puntahan ito.

    “Anong drama at nandito ka?” Tanong niya ng mahabol si James pero hindi ito sumagot, bagkos patuloy lang sa paglalakad. Tinanong niya uli ito pero wala paring sagot, kaya bago siya mainis na naman ay nagpasya na lang siyang iwan ito. “Hmp, bahala ka nga?”

      Pero bago paman siya tuluyang makatakbo pabalik sa mga kaibigan at bigla siyang hinawakan ni James sa braso. “Don’t go, just stay.” Nahihiwagaan si Devon sa kinilos ni James dahil mukha atang naging mabait. Nilingon niya ito at nakita niya ang lungkot sa mga mata ni James. “May problema ba ito?” Tanong niya sa kanyang sarili.

      “James, your squeezing my arm” sambit ni Devon ng maramdaman ang mahigpit na pagkahawak ni James sa kanyang braso. Bumalik si James sa paglalakad pero this time kasabay na niya si Devon . Walang mga salita na lumabas sa kanilang mga bibig, tahimik silang naglalakad at nagpapakiramdaman. Tahimik silang dalawa ang tanging ingay lang na maririnig ay ang tawanan ng mga tao sa paligid. Napansin ni Devon na napapalayo na sila sa mga kaibigan. 
“James, I think we need to go back.” Mahina niyang mungkahi “Halika na” at hinihila niya si James.

Biglang naramdaman ni Devon ang mainit na dibdib ni James sa kanyang likod. Naka back hug ito sa kanya. “James, teka sandali” naiilang niyang sabi.
“Can we atleast stay like this for a while.” Pakiusap ni James na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ayaw sana ni Devon dahil naiilang siya at baka may makakita sa kanila, pero sa isang banda gusto niya ang yakap na iyon. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan at dama niya ang init na hatid ng yakap na iyon. Nanatili sila sa ganoon ayos ng ilang minuto.

“James kailangan na nating bumalik”. Mungkahi uli niya. Sumunod naman ito sa kanya at niluwangan na nito ang pagkakayakap sa kanya.

Nagsimula na silang maglakad pabalik, ng malapit na sila sa mga kaibigan nagsalita si James.
“ Devon , can we be friends?” Humarap ito sa kanya at inilahad nito ang kanyang kamay.
Ngumiti si Devon sa tanong na iyon ni James “Why not James” at inabot ang kamay sa binata. Tiyempo namang yun ang eksenang nasaksihan ng makulit na si Joe “Oi ano yan? HHWW – Holding hands while walking kayo ha?”

“Tumigil ka nga” Saway ni Devon na biglang nag blush buti nalang hindi halata dahil madilim, pero naka hawak kamay parin sila ni James. "Gabi na matulog na tayo". Nag ligpit na sila ng mga gamit pero bago matapos ay sinabi ni Joe na morning the night nalang sila pero hindi pumayag ang iba kasi inaantok na. Kaya gumawa na naman ng kalokohan si Joe, kinuha niya ang tubig sa cooler at inihagis ang tubig sa kanila. Buti bago pa nagawa yun eh, nakatakbo na sila. Hawak kamay sina James at Devon na tumatakbo pabalik sa hotel hanggang sa makapasok sila sa kanilang suit. "Lokong Joe yun, ang kulit talaga" tawa ng tawa parin silang dalawa.

"I like the way you laugh" parang wala sa sariling pinuri ni James si Devon, all eyes siya sa dalaga. “It’s like a music” Naiilang uli si Devon sa titig sa kanya kaya isang matamis na ngiti na lang ang tugon niya dito. Wrong move para kay Devon dahil mukhang namagnet ito sa kanya. Hinawakan ni James ang mukha niya, nagtitigan silang dalawa at ang lakas ng kabog ng dibdib ni Devon.

“It’s late matulog na tayo” at binaba ni James ang kanyang kamay. 
“Tama, matulog na nga tayo.” Sagot ni Devon na nauutal.

Hindi mapakali si James, hindi siya makatulog. Ilang gabi na silang magkasama ni Devon at totoo nga ang sinasabi nila. Mahirap sa isang lalaki na may makasamang babae matulog. Lalaki lang siya. Hindi niya lang alam ilang gabi na ring di makatulog si Devon. Sa kaibuturan ng kanilang mga puso may pag ibig na umuusbong. 

Sabi ko na nga ba
Kapwa'y mayroong pag-ibig na lihim
Pagka't sa tuwing magtatama ang ating paningin
Umiiwat ako't di makatagal at ika'y nauutal
Hindi ba't tanda iyan ng nagmamahal

Kung alam mo nga lang
Na kaytagal na kitang pangarap
Ang sabi ko sa puso ko
Ikaw lang talaga

Ang nais na makasama
Ngayon at kailan pa man
Kung hindi ikaw
Huwag na lang sana

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa iyo sinta
Sabi ko na nga ba, iba pag nagmahal

Akala ko nung una, malabo ang mga bagay sa atin
'Di ko inaasam-asam
Na ako'y mahal mo rin
Dahil kung kani-kanino ko pa
Nalalaman ang damdamin mo sa akin, sinta.

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa 'yo sinta
Sabi ko na nga ba, iba 'pag nagmahal


3 comments:

  1. ate, bat ang ikli?.. hehe
    next chap na te :D:D

    thank you ate Kath.. :*

    ReplyDelete
  2. next chapter,.,.,. excited na talaga ako sa susunod na kabanata

    ReplyDelete