"Mga apo kumusta ang bakasyon" salubong ng senyor sa kanila pag dating nila. Nandoon din si Sam sa bahay nila. "Okey po lolo ang saya saya" sagot ni Devon na halatang super happy sa bakasyon nila. Bumati narin si James sa abuelo at sa pinsan kahit na nairita ito ng makita niya na andoon ito sa kanila.
"Devon mag kwento ka sa nangyari doon ano ginawa niyo?" lumapit si Sam kay Devon at hindi ito nakaligtas sa mga mata ni James. "O Devs pasalubong ko, huwag mong sabihin na nakalimutan mo?"
"Ay naku ikaw pa syempre meron ka"
"Nakabili ka pala?" nagtaka si James dahil hindi niya napansin na bumili ito.
"Sir handa na po ang tanghaIian"
"O siya tamang tama ang dating niyo at kakain na tayo"
"Halika Devs kwentuhan mo ako" hinila ni Sam si Devon at kumulo naman ang ulo ni James.
After ng nilang kumain, hinanap ni James si Devon dahil bigla na lang ito nawala ayon pala nakita niyang masayang nakikipag kwentuhan kay Sam. Lalapit sana siya pero tinawag siya ng lolo niya.
"Mukha yata nagbago ihip ng hangin ah" wika ni Sam "I see you two are okey"
"Oo, buti nga eh"
"well i'm happy for you"
"Salamat Sam"
"Why I find it hard to believe that your happy for us?" sambulat ni James sa usapan ng dalawa. "But anyway, thank you kung ganoon."
"Sam halika na uwi na tayo. Sige iho, iha tutuloy na kami. Magpahinga na kayo."
"Sige Devs uwi na kami. See you at school. " Pagpapaalam ni Sam at tinapik ang balikat ni James ng madaanan ito. "Insan ikaw din"
"Bakit ba mainit ang dugo mo kay Sam?"
"Many reasons but I don't want to talk about it" Hinawakan ni James ang baywang ni Devon at niyayang pumunta sa music room.
-----------------
Hindi makatulog si James pakiramdam niya parang may kulang parang ang luwang yata ng higaan niya. Kinakapa kapa niya ang kanyang tabi pero bakante eto. Kahit sandaling nag sama sila ni Devon matulog, iba na ang pakiramdam niya parang may kulang. Ang dali niyang nakasanayan na makatabi ito. Inilagay niya ang unan sa tabi niya baka sa isip niya makakatulog siya pero ilang sandali palang di na naman siya mapakali. Funny pero hinahanap niya ang mga mahihinang sipa ni Devon, ang kamay na minsan dumadapo sa mukha niya. Ang ulo nito na kung saan saan na pupunta. Naalala niya kung gaano ka cute ni Devon pagtulog ito at kahit sobrang likot matulog hindi siya naiinis kundi na aamuse siya. Minsan noong nasa hotel pa sila, nagising nalang siya dagil maramdamang may mabigat sa tiyan niya yun pala ginawang unan ito ni Devon. Napangiti nalang siya at mas lalong na amuse ng may narinig siyang mahinang hilik ang dalaga.
"Arrrhhhhh" tumayo si James at nagpasyang lumabas at mag pahangin sa veranda. Nang pag dating niya doon nagulat siya ng makita na nandoon din si Devon.
"You're still awake?" tanong niya rito.
Lumingon naman ito sa kanya "Hindi ako makatulog eh."
Umupo si James sa rocking chair na nandoon na malapit sa kinatatayuan ni Devon " come sit with me."
"Hmmm nag imbeta ka pa, isa lang ang kasya diyan no"
"No kasya tayo" at biglang hinila niya ang dalaga para maupo sa tabi niya. Pero dahil sa magalaw dahil rocking chair nga nawala sa balanse si Devon noong uupo na sana siya pero maagap na nahawakan siya ni James pero yun nga nasa kakatwa silang ayos. Nakakandong siya kay James. Ang lakas ng tibok ng puso ni Devon at ganoon din si James. Parang huminto ang pag ikot ng mundo nila at tila hindi maalis ang mga titig nila sa bawat isa. Naaasiwa man si Devon pero tila na magnet siya sa mga mata ni James. "I miss you" biglang nasambit ni James. Nag taka si Devon kung bakit yun ang nasabi ni James "Miss? buong araw naman tayo nagkikita ah". Ngumiti lang si James dahil kahit siya nagulat sa sinabi. Basta alam niya miss niya ang dalaga dahil madali niyang nakasanayan nasa tabi niya ito. Dahil wala siyang maitugon sa dalaga sa tanong nito, niyakap na lang niya ito ULI. "Ah James hindi ako makahinga." Pilit kumakawala si Devon sa pagkakayap sa kanya. "Ugali mo talaga mang akap na lang bigla no?"
Niluwang naman nito pero nakayakap parin ito. Tinitigan uli ni James si Devon and this time hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong mukha at bumaba ang kanyang tingin sa mga labi ni Devon. Hinawakan niya ang baba ng dalaga at unti unting inilapit nito ang kanyang mukha. Napapikit si Devon, alam niya ang mangyayari.
"Ahem" tila nauubong putol ng mayordomo sa dalawa. Biglang nagulat ang mga ito kaya napatayo ang sila.
"James, Devon bakit gising pa kayo?" Tanong ng matanda
"Ah kasi ano, kasi po" nauutal na sambit ni Devon. Hinawakan naman ni James ang kamay niya "Bakit hindi ba pwedeng mag kasarilinan kami ng asawa ko." Matigas na tanong ni James.
"Pero James"
"Tayo na Devon, matulog na tayo." Hinila na ni James si Devon " Goodnight po"
"Bakit mo naman sinagot ng ganoon si Manong"
"Storbo" sa isip ni James.
Nang nasa pintuan na sila ng silid ni James hindi na nagdalawang isip ito na na imbitahan si Devon. "I'm not sleepy yet, ahmm dito ka na matulog"
Natawa si Devon pero hindi siya nag dalawang isip pumayag. Imbes matulog na, nagkwentuhan pa ang dalawa at nagkantahan.
----------------------------------
Hinahanap nila Lourdes at Steff ang kanilang senyorita pero di nila makita. Nandoon sina Bret, Fretzie at ang mommy nila para dalawin si Devon . Maaga silang pumunta para maisabay na nila si Devon papuntang presento pero wala daw ito ayon sa katulong, tiyempo namang dumating din ang senyor.
Nagising si James dahil may kumakatok sa pintuan ng kanyang silid, madaling araw na sila nakatulog dahil buong gabi silang nag kwentuhan ni Devon . Napangiti siya dahil sa mga nakakatawang mga kwento at karanasan sa buhay ng dalaga. Sa isip niya sadyang masayahin ito. Binuksan niya ang pinto at nabungaran niya ang kanyang lolo kasama si Mrs. Berseron at huli na ng mapagtanto niya dahil nakita na nila na nandoon si Devon sa kwarto niya. Biglang bumagsak sa sahig ang ginang dahil na himatay ito.
Parang nauupos na kandila sa hiya si Devon . Nahihiya siya sa nangyari, tiningnan niya si James pero parang kalmado lang ito di tulad niya na di alam ang sasabihin. Nasa tabi niya si Fretzie at si Bret naman pinapakalma ang ina.
“Diba maliwanang ang usapan na hindi muna kayo mag tatabi hanggat wala pa kayo sa tamang edad?” wika ng ginang ng mahimasmasan ito.
Sumabat naman ang senyor “James magpaliwanang ka, parte yan ng kasunduan.”
“Eh kasi po, wala naman po kasi nangyari”
“Tumahimik ka Devon ! Hindi ikaw ang tinatanong” galit na bigkas ng mama niya.
“We use to sleep together since we’re in Bali ” sagot ni James na mas lalong ikinagulat nila maliban kay Fretzie at Bret. Sa isip ng dalawa masyadong nag over react ang matatanda.
“I mean, we sleep in the same room not sleep as.. you know, sleep magkatabi lang..share ganoon” nauutal niyang paliwanag na kulang nalang batukan ang sarili dahil sa sinabi.
“Mama, lolo wala po kaming ginagawang masama” dagdag ni Devon .
Hindi alam ni James kung bakit ba nagpapaliwanang sila, dahil kung totoosin wala silang ginagawang masama. Alam niya ang limitation niya.
Naging mahaba pa ang paliwanangan at ganoon pa rin ang ending hindi pa rin pwede magsama ang dalawa.
I repeated chapter 13-15 several times I love this FF :D When will the next Chapter be?
ReplyDeletei lily lily luv it....,,.
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa next na
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa next na
ReplyDelete