Pages

About Me

Monday, January 3, 2011

Chapter 08 - Fated to Love


Asan na ba yon.?" Hinahalungkat ni Devon ang kanyang drawer. Hinahanap niya ang kanyang bracelet. Nasa bahay na siya ng mapansin niyang wala ang kanyang bracelet.  Ang akala niya sa bahay niya ito naiwala kaya boong silid ay hinalungkat na niya.

"Senyorita, ano ho bang hinahanap niyo?" Tanong sa kanya ni Steffanie ng maabutan siyang nagahahanap sa kanyang cabinet.

"Nawawala ang bracelet ko, alam ko suot ko lang yun kanina eh bigay pa naman yun ni papa." paliwanang niya ka Steff at tinulungan na rin siya nito. Hinalungat na nila ang buong silid pero walang bracelet silang nakita at lahat na ng kasambahay ay tumulong narin sa paghahanap. Mula sa sasakyan, sa gate, sa patio, sa sala at lahat na pero wala parin, hind kasi niya ito namalayan na nahulog ito ng naghahabulan sila ng mga kaibigan.

 Maiyak iyak na si Devon ng hindi parin makita ang bracelet niya. Masyado itong mahalaga sa kanya dahil isa itong heirlom ng pamilya na sinadyang pinaukitan ng papa niya ng kanyang panagalan.. Bigay ito ng kanyang papa, mula pa raw ito sa kanyang lola. "Naku patay ako kay papa nito."

Hanggang sa wala ng choice si Devon kundi pasukin ang music room ng bahay.

"Ah senyorita." pag aalangan tanong ni Steffi . "Nakapasok na ho ba kayo rito?"

"Ha eh kasi" napakamot sa ulo ang dalaga.

Walang nagawa si Devon kundi sabihin ang totoo. Pinagbawalan kasi ni James ang kahit sino man ang pumasok sa silid na iyon.

"Eh senyorita diba bawal ho pumasok dito?" Nasa may pintuan na sila.

"Oo alam ko, pero pumapasok kasi ako dito eh. Huwag kang maingay ah." Sabay senyas kay Steff. "Tapos kanina kasi dito ako dumiretso pag katapos ng klase kasi may nirecord akong kanta so baka andito yung bracelet ko diba."

"Eh kung nandito yun makikita naman siguro yun pag lilinisan itong silid." nagsimula na silang maghanap.

"Eh di mas lalo kung dapat makuha ang bracelet dahil malalaman ni James na pumapasok ako dito. Sige na bilisan natin habang wala pa siya."

Wala ng nagawa si Steff kundi sumunod sa senyorita niya. "hay naku senyorita mukhang wala ho dito. Labas na ho tayo."
"Ikaw ba Steff nakapasok na dito?" 
"Hindi pa po, may nakatuka kasi na maglinis dito at saka dapat alam yun ni senyorito."
"Hmm, ano ba kasi meron dito at ganoon nalang siya ka damot na 'wag papasukan."

"Yung mga kaibigan lang ho niya ang nakakapasok dito yung tatlong guwapo ho na classmates din niya at saka yung isa pa pala nakalimutan ko lang pangalan niya guwapo din yun." saka lang napansin ni Steff na nakatingin at nangingiti si Devon sa kanya na siya naman niyang kinahiya.

"Tama guwapo nga sila pero sino naman yung isa.?" Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paghahanap.
"Senyorita, tara na po." Tawag uli ni Steff.
"Sandali lang." Gumapang gapang pa si Devon sa kakahanap at ng mapagod ay tumayo narin ito. "Ang mamahal siguro ng mga ito no"? Bigkas niya habang hinahaplos ang mga instrumento na nasa silid na iyon.

Kinuha ni Devon ang isang gitara "Ang ganda naman nito." "Mahal siguro to" at agad niyang pinatugtog ang gitara at kumanta siya.

"Wow senyorita ang ganda pala ng boses niyo?" manghang sambit ni Steff. "Siguro ang cute niyong tingnan ni senyorito pag sabay kayong tumugtog."
"Naku yan eh kung magiging friends kami." sagot ni Devon kay steff habang binabalik ang gitara ng biglang.

"oh my gosh" gulat na sambit niya at si napatili naman ang katulong ng isa isang natumba ang mga gitara. Hindi na nailagay ng maayos ni Devon ang gitara ng ibinalik niya ito sa dating pinaglagyan. Magkakasunod sunod kasi ito ng pag ka ayos kaya ng natumba ang isa nag sisunuran naring ang iba na nasa likod nito.

Biglang kinabahan si Devon pati narin ang katulong at nag tinginan silang dalawa. Dali daling inayos nila ito. "Naku relax relax". Isa isa nilang inayos ang mga ito ng may narinig na boses.
"What the hell are you two doing here?!" Nagulat si Devon at Steff ng marinig ang matigas na boses ni James. At dahil doon ang patapos na sana nilang pag aayos ay natumba uli.

Kadarating lang ni James kasama ng mga kaibigan niya ng maabotan niya ito sa music room.
Hindi halos makalingon si Devon habang si James ay pasugod na lumapit sa kanila.
"what the f**" nagulat si Devon sa tinuran ni James. "Shit Shit!" Paulit ulit na bigkas ni James. Dahil sa takot walang ni isang salita na lumabas sa bibig niya. Lilingon hindi ang ikinilos ni Devon.
"Who give you the right to come here? and what have you done?" Sigaw ni James sa kanya ng makita nitong nagkalat ang mga instrumeto.
"Ah eh.. uhmm ahhh" ang tanging bigkas ni Devon.
"James relax pare" bigkas ni Jam.
Pinulot ni James ang isang gitara at mas lalo itong nagalit ng makitang naputol ang string nito.
"See? Sinira mo to."
Napaatras si Devon dahil inilapit ni James ang gitara sa mukha ng una. "Eh hindi ko naman sinasadya. I'm sorry."
"Sorry, do you know how much this is?" pasigaw na  wika ni James sabay hawak ng braso ni Devon. "Para kang ignorante. Hindi makukuha sa isang sorry ang ginawa mo."
Tuluyan ng naiyak si Devon dahil sa sinabi ni James at dahil narin sa nahiya siya sa mga kaibigan nito.
"Sobra ka naman. Akala mo ba sinadya ko yun." Mahina niyang tugon. " Sorry na, papalitan ko nalang." 
"Huh sa tingin mo kaya mo itong palitan?"
"Gitara lang naman yan ah."
"Lang, this is not just a mere guitar Devon at hindi lang dahil dito ang ikinagagalit ko. Unang una wala kang karapatang pumasok dito hindi porke dito ka nakatira at asawa kita ay may karapatan ka ng pumasok kung saan saan."
"James" tawag ng butler ng makita niya hatak ni James ang braso ni Devon. "Anong nangyayari dito?"
"Why is she here?" Tanong ni James habang hindi inaalis ang galit na titig kay Devon.
"Hindi ko alam na pumasok pala si Devon dito." Saka napansin si Steff. " ar bakit karin nandito.?
"Eh kasi po, kasi may hinahanap po kami ni senyorita." Takot na paliwanag ng dalaga.
"Huwag niyo siyang tanungin isinama ko lang naman siya dito." Sabat ni Devon. "Nawawala kasi yung bracelet ko kaya nakarating kami dito sa pag hahanap."
"And what makes you think na andito yung walang kwentang bracelet mo?" 
Agad namang sinabi ni Devon ang totoo kung bakit sila nakarating sa silid na iyon.
"Aray." Sigaw ni Devon ng mas lalong hinigpitan ni James ang hawak sa braso niya. Inawat naman siya ng mga kaibigan. "Pumapasok ka pala dito".

"Sorry talaga"

 Malumanay namang nagsalita ang matandang katiwala. "Devon sige na bumalik kana sa silid mo at mag uutos na lang ako hanapin ang bracelet mo dito tutal mukhang kailangan din tong ayusin. Sige na iha, Steff ihatid mo  na ang senyorita mo."

Pinahiran ni Devon ang kanyang luha. Pero hindi paman siya nakalabas nang muling nag salita si James.

"Wala ka ng ginawa kundi manira ng buhay. My life was perfectly all right until you came along. Palibhasa kasi may pera kang makukuha kaya atat kang mag pakasal dinahilan mo pa ang pagkakulong ng papa mo. Diba mayaman ka naman ngayon bakit hindi mo palitan yang walang kwenta mong bracelet ng hindi ka nag hahalungkat kung saan saan at  nakakasira ka pa ng gamit. Bastard."

The last word was so mean. Sa lahat ng pwedeng sabihin ni James yun pa. Galit na humarap si Devon pero hindi naitago nito ang mga luha niya na parang sirang gripo na umaagos.

"Oo na mali ako ng pumasok ako dito. Mali na ako ng pinakialaman ko ang gamit mo. Kaya nga sorry diba. Humihingi ako ng tawad. Pero hindi ko matanggap yung mga huling sinabi mo. Bakit sa tingin mo ba gusto kong dalhin ang apeliyedo mo. Huwag mong idamay ang pamilya ko dito. Kung nagtitiis ka pwes pareho lang tayo". Pinahiran niya ang kanyang mga luha dahil nanlalabo na ang kanyang paningin.
"Ang sakit mong mag salita ng dahil lang sa gitarang yan." Binigyan niya ng diin niya ang salitang "lang". Akala mo kung sino ka at hindi lang basta bracelet yun. Mahalaga pa yun sa buhay mo! Tama ka mayaman na ako, kaya kong punooin ang bahay na to ng gitara mo." Mahabang salita ni Devon " at wala karing karapatang tawagin akong bastardo." sabay sipa niya sa isa pang gitara na nasa sahig at tuluyan na itong tumakbo palabas. Hinabol naman siya ni Steff.

Nagulat naman si James sa nakita niyang pag iyak ni Devon. Hindi niya akalain na matindi pa la itong umiyak. 
Hindi siya sanay na may nakikitang umiiyak sa harap niya. Para naman siyang natauhan sa mga sinabi niya rito. Napatingin siya sa mga kaibigan at sa matandang mayordomo. Para siyang nahiya sa inasal niya at nagpakita naman ng dis gusto ang mag ito sa ginawa niya.

 "James, hindi ko akalaing masasabi mo yun." Bigkas ng matanda. "Masyadong masakit ang sinabi mo." 

Hindi naman siya umimik. Nag over react lang talaga siya sa nangyari. Nasanay kasi siyang sinusunod ang gusto at utos niya. Sa bahay lang naman na iyon siya ang nasusunod at sa bahay na iyon siya malaya. Sa kanyang lolo lang naman kasi siya hindi makapag react at makapag reklamo. Pero si Devon ito lang ang nangahas na pumasok sa silid na iyon. Kung tutuusin pwede namang palitan ang nasira niyang gitara kaya lang masyado siyang nagpadala sa inis niya kay Devon. 

1 comment:

  1. kala ko sasampalin cya ni devon... feel n feel ko yung scene! hahaha...

    nice chapter! sana may next na.... ;)

    ReplyDelete