Pages

About Me

Tuesday, January 4, 2011

Chapter 09 - Fated to Love

"Nakaka inis.. grrrr.. Nakakainis ka talaga...Akala mo kung sino. Akala niya gusto ko ring magpakasal sa kanya palibhasa kasi wala siyang alam. Ang kapal lang talaga ng mukha." galit na sambit ni Devon sa sarili habang sinisipa niya ang lata. Pagkatapos ng tagpo kanina ay umalis siya na humahagulgul ng iyak. Minsan na nga lang sila mag usap ni James ganoon pa ang nangyari. Pinahiran niya ang kanyang luha at dahil maaga pa naisipan niyang pumunta muna sa clubhouse para mag pahangin. Natuon ang pansin niya sa isang pamilya na masayang kumakain sa isang kainan doon. Naalala niya tuloy ang pamilya niya. Gusto sana niya itong tawagan pero hindi niya dala ang kanyang cellphone. Naiyak nalang siya ng maalala niya ang mga ito.

"You're too beutiful to cry."
Nagulat si Devon.
"Hi" Bati ni Ivan.
Nahiya naman si Devon sa itsura niya kaya dali daling inayos ang sarili.
"Use this" Inabot ni Ivan ang panyo niya. " Sige na"
Nahihiyang kinuha ni Devon ang panyo nito.
" I saw you crying kaya lumapit ako, okey lang ba.?"
"Uhmm" Tumango si Devon .
"They're pretty nice" Bigkas ni Ivan.
"Huh?" Tanong niya.
Ngumiti uli si Ivan na tumingin sa kanya na siya niyang ikinailang.
"That family you were looking at" Tugon ng binata. "Diba tinitingnan mo sila kanina kaya ka umiyak.?"
Ngumiti ng pakla si Devon saka nagsalita. " Miss na miss ko na sila."
"Where's your family? Are you not with them?"
Umilingin naman si Devon . "Mahabang storya eh"
"Well, I'm willing to listen." Sabi ni Ivan habang tinitingnan mga kabataang naglalaro. "Would you like something to eat?"
"Ay no thank you." Tanggi niya sa binata.
"I won't take no for an answer." Sabay tayo ni Ivan "Come on" Paanyaya niya.
"No"
"Don't worry I won't harm you and by the way I'm Ivan." Inilahad nito ang kamay niya.
Ngumiti naman si Devon . Kahit ngayon lang niya ito nakita ay magaan agad ang loob niya dito. Ang bait kasi ng mukha.
" Devon " inilahad din niya ang kanyang kamay.
"So? Are you coming? Baka mag iiyak ka lang dito."
"Sige na nga, bast libre mo ako ha."
Dahil lagpas alas singko na ay itinuloy nalang nila sa hapunan ang pag kain nila.
"Matagal ka naba dito sa subdivision?" Tanong ni Ivan sa kanya.
"Uhmm mga more than a month pa lang. Ikaw?"
"Well, kakalipat ko lang. I came from States my family leaves their already. I find this place kasi nice to live with at para narin malapit sa kaibigan ko."
"Ikaw lang mag-isa? Bakit ka pa pumunta dito kung andoon pala sa States ang family mo."
"Well, let's say I'm finding my own destiny?"
"Talaga lang ha at sa Pinas mo pa hahanapin destiny mo."
Marami pa silang napag kwentuhang dalawa tungkol sa mga buhay nila. Madali silang nagkagaanan ang loob. Nalaman din nila na pareho sila ng school na papasukan. Ivan will start studying sa school nila Devs. Natuwa naman si Devon na may magiging bago siyang kaibigan.
"You know you look familiar." Wika ni Ivan.  "I think I saw you somewhere."
“Marami naman akong kamukha masyado kasing common fezlak ko”
“Huh” Fezlak?
Tumawa si Devon dahil nangunot ang noo ni Ivan. “wala salitang kanto lang.”

Hindi narin nagsalita si Ivan ngumiti nalang ito pero iniisip parin niya kung saan niya ito nakita .
After nilang mag dinner ay nag laro sila. Gabi na pero hindi sila nagpaawat. Parang nagbalik sa pagkabata si Devon. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Parang matagal na silang magkakilala ni Ivan.

Habang naglalaro nakita ni Devon ang mga bodyguard nila ni James. "Tiyak hinahanap na nila ako". Tiningnan niya ang kanyang relo at nakitang malapit ng mag alas otso. Bigla niyang hinila si Ivan. Ayaw pa niyang umuwi.
"Why somethings wrong?" Tanong ni Ivan habang tumatakbo sila ni Devon palabas. Nagtaka man nung una pero sumunod nalang siya sa dalaga.
"Wala lang gusto ko lang tumakbo, okey bah." Sagot niya rito at nagkatawanan naman silang dalawa.
------------------------------------
"Wala pa po si senyorita" anunsyo ni Steff. Nagsalita rin ang mayordomo na hindi daw nakita ng mga guwardiya si Devon sa buong subdivision.

Naka tayo si James sa terasa at nakatingin sa labas. Dinig niya ang ang sinabi ng katulong.  Malapit na mag alas nuwebe at wala pa ang dalaga. Tinawagan narin nila ang pamilya ni Devon pero hindi nila sinabi na nawawala siya. Hindi kumikibo si James, hindi man niya aminin pero nag aalala siya kay Devon. Nalaman niya na wala rin itong phone na dala at ang ikinababahala pa niya pag nalaman ito ng lolo niya tiyak susugod iyon sa kanila ng wala sa oras. Naiinip na siya sa kakahintay. He was sorry for what he did and for those harsh words na sinabi niya.
"Where the hell are you?" sa isip ni James
"Alam mo ang gaan ng loob ko sa'yo?" pag amin ni Devon kay Ivan at ngumiti naman ang huli
"Pareho lang tayo."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Nilanghap ni Devon ang hangin. "I need to go home na." Sabay tayo niya dahil nakaupo sila sa may gilid ng kalsada.
"I'll walk you home." Pag presenta ng binata.
"Nope, no need gusto ko muna maglakad lakad mag isa."
"But it's too dangerous gabi na. I just can't let you go home like that." Ivan insisted
"hahahaha.. Malapit lang ang bahay namin nakita mo yang bobong na yan?" turo niya sa isang bahay "diyan ako nakatira, kaya there's no need na ihatid ako" pag sisinungaling niya.
"Ikaw nga diyan baka malayo pa bahay mo bago kapa naman dito baka ikaw ang maligaw niyan?"Biro niya. "Sige na okey lang ako."
Ayaw sana pumayag ni Ivan pero naramdaman niyang parang gusto ng dalaga na mapag isa muna kaya hinayaan nalang niya ito total naman nasa unahan lang naman daw ang bahay nito.
"You sure?"
Tumango si Devon
"Okey goodnight and thank you."
"Ikaw din, bye."
"Devon" Tawag uli ni Ivan "I'll see you around."

Naghiwalay na silang dalawa. Mag isang naglakad si Devon pauwi sa bahay nito pero napansin niyang parang sa ibang block siya napunta. Ang totoo hindi niya pa nalibot ang buong subdivision, eh pa'no ba naman hatid sundo siya ng kotse at hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon malibot ang lugar. Bigla siyang kinabahan dahil madilim na ang bahaging iyon. Sira kasi ang isang poste nito. "Mukhang dapat pala nag pahatid nalang ako." Bumalik siya sa kanyang dinaanan kanina. "Sa kanan, sa kaliwa o diretso." Iniisip niya kung saan ang daan pauwi.
--------------------------------
Pauwi na si Sam ng nakita niya si Devon. Malayo palang napansin na niya ito noong una akala niya namalikmata lang siya pero ng malapit na siya sa kinatatayuan ng dalaga ay agad niyang napagtanto na si Devon nga. "What is she doing here at this time?"

Huminto si Sam sa harap mismo ni Devon na siya namang ikinabahala ng huli. Natakot siya baka kung sino eto o baka pick-apin siya. Pero nawala ang kaba niya ng makitang si Sam ang bumaba sa kotse. "Devon, what are you doing here?"
"Sam, buti andito ka"
"Gabi na ah, bakit andito ka? Si James kasama mo? Bakit mag isa ka lang?"
"Teka teka hinay hinay lang ang daming tanong mahina ang kalaban."
Natawa naman si Sam sa tugon niya.
"Mahabang kwento pero parang naliligaw yata ako."
"Ha? Eh bakit kasi andito ka pa bakit hindi ka sinundo?"
"Naiwan kasi phone ko eh"
"I'll drop you home, come on." Hinila ni Sam si Devon at sumunod nalang siya.
"Nag away ba kayo?" Tanong uli si Sam
"Oe eh pero huwag nalang nating pag usapan" pag iiwas niya.
Iniba nalang ni Sam ang usapan nila hanggang sa makarating sila sa mansyon.

"Senyorito andyan na po si senyorita"  balita ng isang katulong kay James. Agad itong bumaba.
"Salamat Sam ha sa paghatid"
"No problem, dapat kasi laging dala mo phone mo para matawagan  mo ako pag kailangan mo ng sundo buti nalang napadaan ako doon." Paalala ni Sam
Narining naman yun ni James habang papalapit siya sa mga ito. "Saan ka galing?" Walang ka imo imosyong tanong niya.
Napalingon ang dalawa. "Hi James" bati ni Sam sa pinsan. "Hinatid ko lang si Devon, nadaanan ko kasi siya habang pauwi."
 "Sige Sam tatandaan ko yang sinabi. Salamat talaga. Matutulog na ako."
"Sige goodnight Devs. Alis na rin ako. James, sige insan." kumaway si Sam bago tuluyang umalis.
Nilagpasan ni Devon si James na parang wala itong nakita.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Saan ka galing?"
"Diyan lang nag pahangin"
"Uli uli huwag lalabas kung saan saan. Paano kung napahamak ka?"
Bumuntong hininga si Devon.
"Bakit ba ang dami mong bawal. Walang mangyayari sa aking masama kaya ko ang sarili ko."
Tuluyan ng umalis si Devon at dumiretso na sa kanyang silid. Masyado na siyang pagod para maki pag away.
Tiningnan nalang ni James ang papa;ayong dalaga. "Sorry" Sa isip niya but he's too proud to admit.

5 comments:

  1. ang sungit naman ni james... nahuhurt ako sa tampuhan nila... sana magkabati na sila...

    pero infairness, nabubuhayan ang pusong Devan & Samvon ko! lol

    ReplyDelete
  2. ako nga eh.. parang gusto ko tuloy maging Devan pero walang challenge. Si Sam? uhmmm ay ewan.. mag iisip pa ako.

    ReplyDelete
  3. nxt chapter plz..hehe

    excited n ako sa nxt chapter eh..

    ReplyDelete
  4. go go go! gawan din ng moment ang samvon para masmahirapan ang james!! hahaha

    ReplyDelete