"Kasalanan kasi ng isa dyan! Hindi nga ako makapag lakad ng maayos ang sakit kaya ng balakang ko." Sagot ni Devon.
Hindi naman mapigilan ni James na patulan ang parinig niya. "Bakit yung likod ko masakit din naman ah. Kinalmot mo siguro."
"Hindi kita kinalmot no, ikaw tong na una. Kung saan saan napupunta yang kamay mo."
"What the heck!"
Nag umpisa namang mag bangayan ang dalawa at ang mga kaibigan ay palipat lipat ng tingin sa kanila. "Hep hep" awat ni Joe "ang aga aga pa'y mag aaway na kayo?" Tumayo si Joe at pumagitna sa kanila. "Nag uumpisa pa nga lang ang getting to know each other stage niyo ganyan na kayo". Inakbayan si James at Devon "may nangyari kagabi no?" Malisyosong tanong ng kaibigan na nababanaag ang malisyosong ngiti nito. Dinilatan naman siya ng mga kaibigang babae.
"Pare, tagala?! Congrats pare" kantiyaw ni Jam sabay tapik sa balikat ni James. Sumabay na din sa ito sa kantiyaw ni Joe at nag appear pa ang mga ito.
Biglang tayo si Devon "tama ka Joe, may nangyari talaga! Grrr ayokong maalala." Hindi naman niya maiwasang mamula dahil naa lala uli ang eksena kanina pag gising niya.
"Ang kamay sa ibabang bahagi ng kanyang puson ang kanyang binti nasa bandang itaas na hita ni James, na kung tutuusin malapit na niya masagi ang masilang bahagi nito."
"woooooooooooooooooooo....sabi ko na nga ba eh" Dugtong uli ni Joe. Naki buyo narin ang ibang mga lalaki.
"Will you guys stop it? Ang dudumi ng mga utak niyo." Bulyaw ni James. "Nothing happened! and you" biglang hila kay Devon para maupo uli "Stop talking nonsense baka ano pa isipin nila".
Sasabat pa sana si Devon pero dumating na ang mga pagkain nila kaya nag iba ang aura niya. Matakaw kasi ito sa pag kain. After nilang mag breakfast ay nag tungo na sila sa mga tourist spots ng Bali.
Kahit nasa tour hindi parin matigil tigil ang panganagntiyaw ng mga kaibigan sa kanila. Himala namang hindi naghihiwalay ang dalawa kahit na mas madalas namang mag asaran at mag hampasan lang.
Pagod pero masaya ang mag hapong tour nila. Parang bata si Devon na amaze na amaze sa nakikita nito. Si James naman, di maiwasang di mapansin ang pagiging bubbly niya. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalaga at napapansin ito ng mga kaibigan nila. Nadadala ni Devon ang ibang turista na kasama nila. Sa likas na pagiging masayahin nito lahat ng tao nadadala niya.
-----------------------------------
"So ano na kaganapan sa inyong dalawa?" Tanong ni Lyn habang nag iihaw ng hotdog. Silang apat na babae lang ang naiwan sa tabi ng dagat habang ang mga lalaki ay nag swimming. Napag kasunduan nila na mag camp fire noong gabing iyon.
"Maliban sa mag hampasan at mag asaran uhmm wala na." Sagot ni Devon habang nginunguya ang pagkain.
"Oi progress na yun ha" Tumabi si Emman dala ang hotdog na iihawin. "Hindi niyo napapansin pero unconsciously palagi kayong dikit ha, kahit nga sabihin nating nagaasaran lang kayo."
"Hindi naman, hindi kami close niyan. Wala lang yun."
"Kunwari kapa, pero kilig ka naman." Sambit ni Heidi bitbit ang gitara. "Ang cute niyo ngang tingan eh." "Uyyyyyyyyyyy, madedevelop na yan."
Nagkatuksuhan na silang mag kaibigan ng siya namang pag dating ng mga lalaki.
"Sinong madedevelop Di? Tanong ni Jam kay Heidi. "Ikaw? madedevelop sa akin?"
"Hmp, asa ka? Ayoko sa mayabang."
Umupo na ang mga lalaki, si Jam tabi kay Heidi kahit ayaw nito sa kanya. Mag kaharap naman si James at Devon. Nag kantahan sila gamit ang gitara. Isa isa silang kumanta, na kahit si Lyn, Joe at Heidi na 'di marunong ay napa kanta narin.
"O ikaw naman mag gitara Devs" bigkas ni Emman sabay abot sa gitara.
"Hindi ako marunong, ano ba.!" dinilatan niya ang kaibigan
"Kunwari kapa"
Nahihiya si Devon kasi simula ng bumalik sa ang mga lalaki sa pag swi-swimming at maupo kasama nila, napapansin niyang hindi hinihiwalay ni James ang tingin sa kanya. Feeling niya para siyang malulusaw sa titig nito. "Eto na naman ang tingin niya na nakakamatay" sabi niya sa sarili.
"Maruno kaba? The last thing I remember was you broke my guitar" biglang salita ni James.
Naalala naman niya ang ang nangyari sa music room. Kaya bigla siyang napapayag na mag gitara dahil she remember na sinabihan siya nitong di marunong.
"Pwede mag request?" Tanong ni Emman at pumayag naman siya. "Yung themesong mo"
"Ha? eh ba't yun" Alam ni Devon na sinasadya ng kaibigan na ipakanta sa kanya ang isa sa themesong niya. Nabanggit kasi niya dati na pag may papakasalan o makikita na niya ang "the one" niya, yun ang magiging song niya. "Hindi pwede yun".
"Sige na" Siya naman ang dinilatan ng kaibigan. Nang uudyok naman ang iba ka napapayag naman siya nito kaya nag simula na siyang tumugtog.
"Kainis" Sabi niya sa sarili.
Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Matiim namang nakamasid ang mga kaibigan nila. Minamatyagan nina Lyn, Emman at Kyle si James.Si Jam naman kinukulit si Heidi. Si Joe at Micah tumayo nag nag sayaw sa likod ng sweet.
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na love parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para akin ikaw parin
Ang pinagwapong papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda
nice chapter...
ReplyDeletejan nagsisimula yan sa mga harutan eh!! hehehe
next pls,.,.,.,.,.
ReplyDeletesana wla nang away,.,.,. love na lng hweheeheh